Matagumpay na health program sa Ilocos Norte, gustong gawin ni Bongbong Marcos sa buong bansa

Nais gawin ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa buong bansa ang matagumpay na health care program na ginawa niya sa Ilocos Norte sa kanyang panunungkulang bilang gobernador ng naturang probinsya.

Sa kanyang mensahe sa mga opisyal at empleyado ng Chinese General Hospital na pinangungunahan ng kanilang president at chairman of the board na si Dr. James Dy, iginiit ng senador ang kahalagahan ng kalusugan dahil hindi umano magiging produktibo ang sinuman kung hindi maganda ang kanilang kalusugan.

“Pantay-pantay ang lahat pag dinapuan ng sakit. Hindi ito nakakakilala ng mahirap o mayaman. Kaya naman ang una kong ginaawa nung maging gobernador ako ng Ilocos Norte ay pinatibay ko ang health care,” ani Marcos. “At iyan ang gusto kong gawin sa lahat ng lugar ng ating bansa,” dagdag pa niya.

Ani Marcos napansin niya na hindi makapunta ng ospital ang marami sa mga residente ng probinsya, lalo na yung nasa mga malayong lugar, hindi lamang dahil sa problema sa pamasahe kundi pati na rin sa maiiwan nila ang kanilang pamilya at ang trabaho.

“Ang solusyon ko ay dalhin ang health care sa mga tao,” ani Marcos. Ayon sa senador nagsagawa sila ng medical mission sa mga malalayong barangay apat na beses isang buwan. Maliban dito kinalap din umano nila ang mga medical records ng mga residente para mas madali na ang diagnosis o gamutan sa mga susunod na pakakataon.

Isa pa sa polisiya na ginawa niya agad ay ang desisyon na bigyan ng health insurance ang 75 porsyento ng mga residente ng probinsya na wala pa nito at ang gastos ay babayaran ng provincial government.

Bukod sa naabot nila ang target, sinabi ni Marcos na kalaunan ay naging “self-sustaining na rin ang naturang health program.

Sa kalaunan ang mga medical mission ay nauwi sa pagtatayo ng mga Rural Health Units na may permanenteng nurse at midwife at binibisita ng doktor dalawang araw kada linggo para tugunan ang mga karaniwang problema sa kalusugan ng mga residente.

Nauna rito sinabi ni Marcos na kailangang paramihin ang mga RHUs sa bansa dahil ang mga ito ay sapat na para tugunan ang mga karaniwang sakit o problema sa kalusugan na nararansan ng mga residente.

Dahil sa kanyang mga nasimulang programa sa kalusugan, pinarangalan ng Department of Health and Ilocos Norte sa maganda at masigasig na implementasyon nito ng Universal Health Care program para makamtan ang Millennium Development Goals (MDGs) targets ng 2016. Sinabi nito na makukuha na ng Ilocos Norte ang mga target lalo na sa mga programa sa maternal care, infant care, under five, HIV/AIDS at ang pagtatatag ng Service Delivery Network.

Back to Blog