Marcos, tutugunan ang malubhang estado ng edukasyon sa mga kabataan sa cultural minority

Read the English version.

Siyam sa sampung bata sa cultural minority ay hindi nakakapag-aral.

Tutugunan ni Senator Ferdinand Marcos Jr. ang malubhang estado ng kawalan ng access sa basic education sa mga batang kabilang sa cultural minority dahil siyam sa sampu sa kanila ang walang kakayahang makakuha ng edukasyon.

Sinabi ng isang pag-aaral ng Save our Schools Network na siyamnapung porsiyento ng mga bata sa cultural minority ay hindi nakakapag-aral at ito ay dapat na pagtuunan ng susunod na administrasyon.

“Ang ating mga indigenous people ay nakatira sa malalayong komunidad, sa mga bundok na kung saan walang eskwelahan. Nahihirapan ang kanilang mga anak ng pumasok sa eskwelahan dahil kailangan nilang lumakad ng ilang oras para lamang nila marating ang pinakamalapit na eskwelahan,” sabi ni Marcos.

Idagdag pa sa aspetong distansya, ang eskwelahan sa mga malalayong lugar ay nagiging biktima rin ng mga atake at pag-aaway ng mga pwersa ng gobyerno, mga rebelde at masasamang loob. “Ang mga pag-atakeng ito ay isang malaking hadlang sa karapatan ng ating mga mga anak sa basic edukasyon,” aniya Marcos.

“Ang pagpapalakas sa kabataan ay isang sa marubdob ng adbokasiya si Marcos at ang unang batas na kanyang inakda noong batang kongresista sya noong 1992 ay ang pagtatatag ng Philippine Youth Commission. Nag-akda din sya ng ilang batas na nagpapalakas sa estado ng edukasyon at mga kalagayan ng guro.

Upang matugunan ang mga problema sa pagkamit ng mga miyembro ng cultural minority sa basic education, mga alternatibong paraan ang dapat na itaguyod at pagtibayin. Sinabi nya ang Alternative Learning System (ALS) ay isang mabisang alternatibo.

“Alam ko na ang Department of Education ay ipinatutupad na ng ilang taon ang ALS at naniniwala ako na dapat pa itong pagtibayin upang mas marami pang komunidad ang makinabang dito,” sabi ni Marcos.

Binaggit nya ang Instructional Management by Parents, Communities and Teachers (IMPACT) na kung saan ang mga bata sa malalayong lugar sa Pilipinas ay nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa labas ng silid-aralan sa pamamagitan ng tulung-tulong ng pagtuturo ng mga magulang, mga lider ng komunidad at mga batang nasa grade six na na nakapag-aral sa eskwelahan.

“Kailangan nating mag-isip ng mga alternatibong solusyon upang aksyonan ang seryosong problema na ito. At ito ay sa pamamagitan ng tulung-tulong ng pag-agapay ng mga miyembro ng komunidad upang masiguro na walang batang hindi makakapag-aral,” aniya Marcos.

Sinabi ni Marcos isa ka kanyang magiging prayoridad kung siya ang manalo sa pagka bise presidente ay ang pagpapalawig ng libreng edukasyon sa mga malalayong lugar.

Back to Blog