Marcos: ‘Sumbungan ng Bayan’ anti-graft hotline at website dapat palaganapin ng susunod na administrasyon

Dapat maglatag ng isang interactive at pro-active na anti-graft formula ang susunod na administrasyon upang masugpo ang lumalalang graft at korapsyon sa gobyerno.

Ayon kay Marcos, sa unang isangdaang araw ng susunod na administrasyon, dapat ay palaganapin sa buong bansa ang “Sumbungan ng Bayan” system na isang anti-corruption hotline at website.

“This will be established nationwide where graft and corruption at all levels of government will be reported by our citizens,” sabi ni Marcos.

Iginiit ni Marcos na mahalaga ang aktibong partisipasyon ng taumbayan laban sa korapsyon.

Dinagdag pa nya na ang hotline ay dapat na pro-active sa pamamagitan ng pag-refer at pag-follow-up sa mga kasong naisumbong hanggang maaksyunan ito ng mga ahensya ng gobyerno.

Aniya, hindi lang dapat iniaasa ang pagbabantay sa kaban ng bayan at paggamit ng pondo sa mga ahensiyang tulad ng Commission on Audit.

Dahil umano sa laki ng burukrasya, sinabi nito na mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan upang mamonitor at maisumbong ang mga katiwaliang nagaganap sa mga unit, tanggapan, kagawaran, at ahensya ng gobyerno.

“More than officials of the government themselves, it’s the people who abhor mismanagement of public funds. I believe that given the chance, the people will be vigilant and brave enough to fight graft and corruption,” ayon kay Marcos.

Back to Blog