Marcos sa negosyante: Sundin ang transport groups, ibaba ang presyon ng bilihin

Read the English version.

Pinuri ngayon ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos ang transport groups na nanawagang ibaba ang pasahe sa jeepney at sinabing dapat na ibang negosyante naman ang magpatupad ng kani-kanilang inisyatibo upang babaan ang presyo ng kanilang mga produkto.

Sinabi ni Marcos na ang pasya ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) at Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ay dapat gawing halimbawa sa ibang sector upang simulan na rin ng kanilang hakbang na pababain ang presyo ng kanilang produkto upan maibsan naman ang kalagayan ng publiko. “Ito ay ulirang halimbawa ng pananagutang panlipunan. Naniniwala ako na marami tayong kumpanya na tapat at responsable na magkukusa na ibaba ang kanilang mga presyo kahit walang utos ng gobyerno. Ipinakita na ito ng mga transport groups at dapat sundan ito ng ibang sector ng industriya,” ani Marcos.

Nagmungkahi ang ACTO at PISTON ng pagbawas ng P.50 sa P7.50 minimum fare sa jeepney dahil na tuluy-tuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa bansa bunsod na rin ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nitong Lunes, ang Brent crude prices ay bumaba sa US$28 por bariles matapos payagan ulit ang Iran ang makapag-export. Ang huling pagkakataon na bumaba ang presyo sa Brent na mas mababa pa sa US$28 ay noong 2003.

Nauna na rito ay pinagpapaliwanag ni Marcos ang Department of Trade and Industry kung bakit nanatiling mataas pa rin ang presyo ng bilihin sa kabila ng pagbaba sa presyo ng petrolyo.

Iginiit ni Marcos na bumaba na dapat ng malaki ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil naibaba na ang presyo ng langis ng P24 mula noong 2014. Nitong Lunes ay nagbaba na naman ang mga oil companies ng presyo ng langis na naglagay sa presyo ng diesel prices sa pagitan ng P19 at P22.80 kada litro samantalang ang gasolina ay naglalaro mula P32 hanggang P38 kada litro.

Noong Enero 2014, base sa price monitoring report ng Department of Energy, ang presyo ng gasolina ay naglalaro mula P50.30 hanggang P55.45 kada litro at P42.10 hanggang P46.50 kada litro naman para sa diesel.

“Ang laki na ng ibinaba ng presyo ng langis sa merkado lalo na ang diesel na syang nakaka-apekto sa presyo ng transportasyon at produksyon na ating mga manufacturing at retail sectors ngunit hindi pa rin tayo nakakakita ng malaking pagbaba ng presyo ng ating mga bilihin bagkus at patuloy pa sila tumataas. Dapat tingnan ito ng DTI at sila ay dapat na magpaliwanag sa atin,” sabi ni Marcos.

“Ang sambayanang Pilipino ay dapat ay nararamdaman na ang progresibong epekto ng pagbaba ng presyo ng bilihin pero nanatiling mataas ang presyo ng bilihin. Nanguna na ang transport sector dito at dapat manguna dito ang gobyerno upang maibsan naman ang paghihirap ng ating kababayan,” sabi ni Marcos said.

Back to Blog