Marcos sa mga mag-aaral ng SLSU: Samahan ninyo ako sa krusada ng pagkakaisa

Read the English version.

Nanawagan si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa mga estudyante ng Southern Luzon State University (SLSU) sa lungsod ng Lucena upang samahan siya sa kanyang krusadang pagkaisahin ang taumbayan.

Hinimok ni Marcos ang mga kabataan sa kanyang pagbisita sa SLSU-Lucena campus noong Martes. Sa isang dyalogo, sinabi ng Senador na ang pagkakaisa na kanyang tinutukoy ay dapat magsimula pagkatapos ng halalan sa Mayo 2016 na inaasahang maghahati sa bansa.

“Samahan ninyo ako sa kilusan para magkaisa tayong mga Pilipino dahil ito lamang ang paraan para magkaroon ng progreso ang Pilipinas,” he said. pahayag ng Senador.

Ayon kay Marcos, ang mga problema sa bansa tulad ng paglaganap ng mga iligal na droga, mataas na presyo ng mga bilihin, kawalan ng trabaho, at iba pa’y kayang maresolba dahil mayroon namang mga solusyon. Ngunit nananatili itong mga problema dahil ang mga tao ay hindi nagkakaisa at abala sa pamumulitika.

“Tingnan ninyo sa nakaraang mga Administrasyon, pinaghahati-hati tayo. Pero ngayon, pagkatapos ng halalan, dapat ibalik natin sa ating pag-iisip ang pagkakaisa at laging isa-isip na walang magmamahal sa Pilipino kundi ang kapwa Pilipino at walang tutulong sa Pilipino kundi ang Pilipino rin,” ani Marcos.

Back to Blog