Marcos sa DTI: Ipaliwanag ang mataas na presyo ng bilihin sa kabila ng rollback sa presyo ng langis

Read the English version.

Pinagpapaliwanag ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry kung bakit nananatiling mataas pa rin ang presyo ng bilihin sa kabila ng pagbaba sa presyo ng petrolyo.

Sinabi ito ni Marcos matapos maglabas ng survey ang Pulse Asia kahapon na nagsasabing karamihan pa rin sa unang pinoproblema ng ating mga kababayan sa lahat na antas ay ang mataas na presyo ng bilihin.

Ito lamang Lunes ay nagbaba na naman ang mga kumpanya ng langis ng presyo na naglagay ng diesel sa pagitan ng P20.40 at P23.80 kada litro samantalang ang gasolina ay naglalaro mula P33.30 hanggang P40.75 kada litro.

Noong Enero 2014, base sa price monitoring report ng Department of Energy, ang presyo ng gasolina ay mula P50.30 hanggang P55.45 kada litro at P42.10 hanggang P46.50 kada litro naman para sa diesel.

“Ang laki na ng ibinaba ng presyo ng langis sa merkado lalo na ang diesel na syang nakaka-apekto sa halaga ng transportasyon at produksyon na ating mga manufacturing at retail na sector. Nakakalungkot na hindi pa rin tayo nakakakita ng malaking pagbaba sa presyo ng ating mga bilihin bagkus at patuloy pa sila tumataas. Dapat tingnan ito ng DTI at sila ay magpaliwanag sa atin,” sabi ni Marcos.

“Ayon sa National Statistics Authority, ang food inflation o presyo ng pagkain sa Pilipinas ay tumaas ng 1.70 porsyento noong Disyembre 2015 kumpara sa kaparehong buwan ng nakaraan taon.”

Dinagdag ni Marcos na kahit mayroong umiiral na Suggested Retail Price (SRP) tags sa mga produkto, hindi pa rin nito nagawang ibaba ang presyo ng bilihin na aakma sa pagbawas ng presyo ng petrolyo.

“Mayroon dapat mas malawak na transparency sa kung paano nape-presyohan ang ating mga produkto sa merkado at ang DTI dapat ang manguna dito. Ang inflation pa rin ang pinakamalaking problema ng ating mga kababayan at nangangahulugan lamang na nahihirapan sila na mag-tiis sa mataas pa rin na presyo ng bilihin,” ani Marcos.

Back to Blog