Marcos: Pagpapatuloy sa peace process pinakamabisang panlaban sa ISIS

Sinabi ngayon ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa kabila ng hindi paspasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ang pinakamabisang panlaban ng bansa sa teroristang grupong ISIS.

Sa isang pahayag, umapela din si Marcos na itigil na ang pagtuturuan kung bakit hindi ipinasa ang BBL sa Kongreso dahil ang importante ay ang pangako ng magkabilang panig na itutuloy ang kapayapaan

“It’s not a question of blaming, pointing of fingers one way or the other, sinubukan talaga naming matapos. Pero hindi kinaya. Now we have to move forward. Kailangan natin makahanap ng solusyon nang sa gayon matulungan natin ang lahat ng ating kapatid sa Mindanao,” ani Marcos.

Sinabi ni Marcos na ang pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao ay ang pinakamabisang pananggalang sa ISIS na pinupuntiryang makapasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng Mindanao.

“Nakatutok sa atin ang ISIS. Alam naman nating kung ano yung ISIS sa Middle East, they are spreading terror throughout the region. Gusto nila dalhin dito. Madali makapasok ang ISIS ngunit, kung tayo’y may  magandang pagtrato sa isa’t-isa, mahirap makapasok yung ISIS sa atin. Kaya tama yung kahit anong mangyari sa BBL kailangan na kailangan na ipagpatuloy ang proseso ng kapayapaan,” Marcos said.

Pinuri rin ni Marcos si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Mohagher Iqbal sa kanyang  deklarasyon na ang kanyang grupo ay mananatiling pursigido sa usapang pangkapayapaan sa kabila ng hindi pagpasa ng Kongreso sa BBL at sinabing ito dapat ay ipagpatuloy sa lahat ng paraan.

“I have to credit Chairman Iqbal where he stated na kahit ano pa ang mangyari sa BBL, ipagpapatuloy ang peace process and I am with him one hundred percent there. Kahit anong mangyari sa BBL, ang proseso ng kapayapaan sa Muslim Mindanao ay kailangan nating ipagpatuloy dahil marami tayong nais gawin bilang nasa pamahalaan sa Mindanao specifically,” aniya.

Habang inamin ni Marcos na hindi pa nya alam kung ano ang magiging sususond na hakbang ng MILF, umaasa siya na mahahanapan ng solusyon ang sitwasyon kasama na rito ang pagbalik sa negotiating table para balikan ulit ang kasunduan.

“Hindi ko alam kung gusto ng MILF na bumalik sa negotiating table. Siguro open sila doon. Kung open sila, siguro pwede nating makita ulit ang mga detalye kasi marami ang hindi naisali kasama na dito ang lack of inclusiveness sa Muslim community,” ani Marcos.

Back to Blog