Marcos: Pag-aresto kay Lt. Col. Marcelino wake up call laban sa ilegal na droga

Read the English version.

Sinabi ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na ang pag-aresto sa isang mataas na opisyal ng militar sa isang drug raid ay dapat gumising sa ating lahat na palala na talaga ang problema sa ilegal na droga at ang tanging solusyon ay ang pagkakaisa ng buong bansa para sugpuin ito.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na siya ay lubos ng nababahala sa pagkaka-aresto kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, isang dating miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at sinabing napakaseryoso na talaga ang problemang ilegal na droga sa bansa.

“This is a very disturbing development. Kitang-kita natin na talagang malalang-malala na talaga ang problemang ito. At kahit na ang ating mga alagad ng batas ay nagiging involved na,” sinabi ni Marcos.

Dahil dito ang tanging solusyon, ani ng senador, ay ang pagkakaisa ng buong bansa, “We must galvanize, we must motivate the entire country, ang ating mga magulang, ang ating mga guro, ang ating mga simbahan, mga pulis, mga korte, mga prosecutor, dapat lahat ay magkaisa para mabigyan na ang solusyon ang problemang ito,” sinabi niya.

Sinabi ni Marcos na ayon mismo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mahigit sa 20 porsyento ng 42,029 barangay sa bansa ang nagkaroon ng insidente kaugnay sa droga, samantalang sa National Capital Region naitala na 92 porsyento ng mga barangay ay apektado ng iligal na droga.

Maliban dito, sinabi ni Marcos na tumaas ang bilang ng krimen ng mahigit tatlong beses mula 2010 hanggang 2014 ayon naman sa ulat ng Philippine Statistics Authority, na nagsasabing may 1.16 milyong kaso ng krimen sa 2014 kumpara sa 324,083 kasong napaulat noong 2010.

Diniin din nya na dapat maging isa mga prayoridad ng susunod ng administrasyon ang pagsupo sa ilegal na droga dahil sa mga masamang naidudulot nito sa kapayaan at kaayusan at mga kabataan.

“Ang pinag-uusapan dito ay hindi lamang kriminalidad na dulot ng droga kundi ang binibiktima ay ang ating kabataan at sinasabi natin palagi ay ang kabataan ang ating pag-asa. Wala tayong pag-asa, hindi tayo magiging progresibo kapag sinira na nila ang buhay ng ating mga kabataan,” tinuran ni Marcos.

Back to Blog