Marcos nanguna sa pagsasagawa ng batas para sa kabataan, brgy officials, namatay na mga pulis, OFWs at mga Muslim sa Mindanao

Read the English version.

Ang taong 2015 ay patunay na naging matagumpay para kay Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 16th Congress na kanyang pinangunahan na magbibigay ng kapangyarihan sa kabataan at nagbigay ng atensyon sa mga suliranin ng mga Barangay Officials at Volunteer Workers, Overseas Filipino Workers (OFWs), Muslim-Filipinos sa Mindanao, at Policemen na namatay sa kanilang pagtatrabaho.

Naging instrumento si Marcos sa pagpapasa ng Sangguniang Kabataan (SK) Reform Law na kanyang pinamunuan; at sinuportahan ang mga bills bilang Chairman of the Senate Committee on Local Government. Ang batas ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga kabataan na maki-ugnay at sumali sa pagpapalakas sa pamamagitan ng pagpapapalakas sa Sangguniang Kabataan.

Kinilala rin niya ang pangangailangan sa seguridad ng mga Opisyal ng Barangay at manggagawa kasama ang mga day care personnel, pinagunahan at sinuportahan rin ni Marcos ang panukala na bigyan sila ng benipisyong pang-retiro.

Kilala bilang Senate Bill No. 12, sa ilalim ng Committee Report No. 31, na pinamagatang “An Act Providing Barangay Officials, Including Barangay Tanods, Members of the Lupon ng Tagapamayapa, Barangay Health Workers and Day Care Workers Retirement Benefits” ay naglalayong bigyan ang mga Punong Baranggay ng benepisyo sa pagretiro na nagkakahalaga ng Php 100,000, miyembro ng Sangguniang Barangay Php 80,000; Barangay Treasurer at Secretary, Barangay Tanod, Miyembro ng Lupon ng Tagapamayapa, Barangay Health Workers, at Barangay Day Care Worker na nagkakahalaga naman ng Php 50,000.

Ang nasabing panukala ay naaprubahan na sa pangatlo at huling pagbasa.

Ipinakitang muli ni Marcos ang kanyang tapang at pagiging independente nang tanggihan niya ang Bangsamoro Basic Law, or BBL, na ipinasa ng Malacañang para aprubahan, bagkus ay lumikha siya ng substitute bill na tinatawag na “Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region” o Senate Bill No. 2894.

Nitong Disyembre 2015, dinipensahan ni Marcos ang bill sa interpellation nang mabigyan ng pagkakataon ang mga Senador na magtanong ukol dito.

Matatandaan na isa si Marcos sa mga Senador na hindi bumoto sa pagsentensya kay Supreme Court Justice Renato Corona sa Senado. Inilantad naman ni Senador Jose “Jinggoy” Estrada pagkatapos na ang mga bumoto para sentensyahan ang Chief Justice ay nabigyan ng pork barrel funds sa anyo ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa imbestigasyon ng Senado sa “Mamasapano Massacre,” ipinagtanggol ni Marcos ang 44 Special Action Force policemen na napatay ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at iba pang pribadong armadong grupo sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015. Idiniin nito ang pagsuway sa chain of command habang nanawagan siya kay Presidente Benigno Aquino III na humingi ng tawad sa pagkamatay ng SAF 44 bilang commander-in-chief ng pulisya at mga militar.

Inimbestigahan rin ni Marcos ang mga Opisyal ng Bureau of Customs sa kanilang plano nang pagbukas sa mga balikbayan boxes of OFWs, na tingin niya ay hindi tama at sa kanyang matalas na pagtatanong sa Senate probe tungkol sa isyu. Bilang resulta, napilitan si Customs chief Alberto Lina na humingi ng public apology sa ating mga OFWs at napagdesisyunan huwag nang ituloy ang plano.

Ipinakita rin niya ang kanyang pakikiramay sa mga OFWs nang pinangaralan nito ang mga opisyal ng airport tungkol sa isyu ng “TanimBala” sa Ninoy Aquino International Airport na pinamunuan ng mga maanomalyang airport personnel.

Anim na buwan bago matapos ang 16th Congress, Nakapagpasa si Marcos ng 66 bills- 57 authored at 9 co-authored. Sa kabuuan, siya ay mayroong 64 resolutions- 21 authored at 43 co-authored. Labing-isa sa mga panukala ay naisagawang batas habang ang 43 sa mga resolusyon ay napatibay.

Siya rin ay nag-isponsor ng 78 na panukala na kanyang pinamunuan sa 16th Congress.

Back to Blog