Marcos nagbabala na matupad ang Mamasapano case sa Maguindanao massacre case

Read the English version.

Justice delayed is justice denied.

Ito ang tinuran ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. habang pinaalalahanan nya ang Department of Justice (DoJ) na kung hindi nito pabibilisin ang pag-iimbestiga ng Mamasapano encounter, ang pagkamatay ng SAF 44 at mauuwi lamang sa kinahintnan ng maraming kontrobersyal na kaso hanggang ngayon ay nililitis pa.

Pinuntirya ng senador ay kaso ng Maguindanao massacre na kung saan 58 katao ang namatay kabilang na rito ang 34 na mamahayag na kasama sa convoy na sumama sa pagsumite ng certificate of candidacy na noon ay tatakbong gobernador na si Toto Mangudadatu noong 2009.

“Ang Maguindanao massacre ay na-declare na pinaka madugong pangyayari sa kasaysayan ng ating mga mamahayag ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito nareresolba sa korte at ito ay panantayan natin ng klase ng justice system natin sa bansa. Ngunit ako ay patuloy pa rin umaasa na matutuldukan na ang kasong ito para maparusahan na ang may mga sala,” sinabi ni Marcos.

Dinagdag pa nya na kapag hindi pa naisampa ang kaso sa korte sa lalong madaling panahon, lalong lalabo na ang pagkakaroon ng hustisya sa mga pamilya ng naulila ng SAF 44 dahil matatabunan na ito ng isyu ng eleksyon at ng pagpapalit ng administrasyon.

Hinimok din ni Marcos ang gobyerno na tingnan ang mga alegasyon na hindi pa nabibigyan ang ilang pamilya ng SAF 44 ng ayuda na pinangako sa kanila sa kabila ng pahayag ng Malacañang na milyun-milyon na piso na ang naibigay sa kanila.

“Sana sa aking palagay dapat tingnan pa rin ng ating mga kinauukulan ang ganitong mga reklamo ng mga pamilya kasi hindi naman sila basta basta mag-aakusa ng ganoon kung walang basehan. Ang kanilang mga kaanak ay nagbigay ng pinakamalaking sakripisyo para sa bayan at nararapat lamang na bigyan natin sila ng kaukulang parangal para sa alaala ng kanilang kaanak,” ani Marcos.

Back to Blog