Marcos inspirado sa pangunguna sa survey sa Metro Manila at Visayas Universities

Inspirado si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa mga resulta ng survey at mock election na nangunguna sya sa Metro Manila at mga unibersidad sa Region 8.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na “ako ay inspirado sa mga resulta. Mas lalo kaming magsusumikap na ipahayag ang aming platform at mga mensahe sa ating kababayan. Ipapahayag namin sa ating mga kababayan na magkakaroon tayo ng progresibong bukas kung tayo ay magkakaisa.”

Nagkasit kamakailan si Marcos dahil sa pneumonia. Siya ay gumaling na at handang-handa na sya na simulan ang kampanya.

Ang pinakahuling survey ng Pulse Asia ay nagpapakita na si Marcos ang top choice para sa mga tiga Metro Manila na may 33 porsiyento. Siya din ang pinili ng Class ABC na may 28 porsiyento.

Si Marcos pa rin ang pinili ng karamihan ng college students na dumalo sa Regional Tertiary Schools Press Conference (RTSPC) sa Southern Leyte State University (SLSU) noong February 4. Nakakuha si Marcos ng 39.6% ng mga bumoto sa mock polls.

Sa kabilang banda, sisimulan ni Marcos at ang kanyang running mate sa pagka-presidente na si Senador Miriam Defensor-Santiago ang kampanya sa hometown ng mga pamilyang Marcos sa Batac, Ilocos Norte.

Sisimulan ito ng isang misa sa Our Lady of Immaculate Conception Church sa Batac. Ito ay susundan ng kick off ceremony sa bahay ng mga Marcos sa Marcos Avenue.

Pagkatapos nito ay pupunta sila Marcos at Santiago sa Marcos Mariano State University (MMSU) upang magsalita sa mga estudyante.

Si Marcos ay pupunta sa Currimao para pasinayaan ang isang solar power plant pagkatapos ng kanilang salita sa MMSU.

Back to Blog