Marcos inaasahan ang mas matinding banat sa EDSA anniversary

Sa pagpasok ng Pebrero, inaasahan na ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mas matinding banat laban sa kanya at sa kanyang pamilya sa paggunita sa ika-tatlumpung anibesaryong ng People Power Revolution sa Edsa ngayong Pebrero dahil sa pagtakbo nya sa pagka-bise presidente ngayong halalan.

“Taun-taon naman ay may selebrasyon pero ngayon taon inaasahan na naming na lalong mas matindi dahil sa aking pagtakbo bilang bise presidente. Lalo na ngayon na panahon na eleksyon at kampanya,” sabi ni Marcos.

Sa katunayan, aniya, ang gobyerno at ilang mga grupo ay nagbuo na ng mga programa hanggang ang anibersaryo sa Pebrero 25.

“Mas matindi ngayon ang mga banat sa aking ama, sa akin, sa aking pamilya. Pero wala naman kaming magagawa doon, ganun talaga,” ani Marcos.

Sa huling survey ng Social Weather Station (SWS), “statistically tied” na sa unang pwesto sa puntos na 25 porsiyento si Marcos.

Ngunit tinuran ni Marcos na sya at ang kanyang pamilya ay nasanay na sa taun-taong paggunita at ang palagiang pasaring at banat. “Ganyan ang buhay, lahat ay tayo natututong mabuhay ayon sa kung ano ang ibingay sa atin,” sabi niya.

Inamin din ni Marcos na sya pa rin ay nalulungkot sa mga palagiang banat sa kanila kahit na tatlumpung taon na ang nakakalipas. “Tao lamang tao na naapektuhan at nalulungkot pero sabi ko nga, nasanay na rin tayo at natanggap na kasama ito sa aming buhay,” sabi ni Marcos.

Sa mismong araw ng anibersaryo ng Edsa, sinabi ni Marcos na sya ay nangangampanya sa araw na iyon kasama ng mga tao kung saan ipapaliwanag nya ang kanyang plataporma kung paano iaangat ang kanilang buhay.

“Wala ako sa Edsa, nasa NLEX ako,” pabiro nyang sabi pero dinagdag na ”tatlungpung taon na ang nakalipas at marami tayong mga problema ngayon. Kapag nasa labas ako, ang sinasabi ng tao ay hindi tungkol sa Edsa o People Power. Tinatanong nila ako tungkol sa kahirapan, pagkain, sa trabaho, peace and order, at kung paano ko sila matutulungan kaya ito ang pinagtutuunan ko ng pansin. Ito ang dapat ang ating focus, ang bigyan sila ng progresibong bukas, Ito ang importante,” sabi ni Marcos.

Back to Blog