Marcos dedma lang sa paninira sa kanya

Read the English version here.

Dedma lang si vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa lumabas na paninira sa kanya at kay presidential candidate Senadora Miriam Defensor-Santaigo sabay patutsada na takot lamang sa “Miriam-Bongbong” tandem ang mga nasa likod nito.

Inilabas ni Marcos ang pahayag makaraang makatanggap siya ng ulat na mayroong umiikot na paninira sa kanya at sa senadora sa pamamagitan ng text messages.

“Nagsimula na ang pag-atake sa akin at alam ko na malakas ang makinarya ng mga taong ito. Pero kampante ako na ang katotohanan at tiwala ng taumbayan ang bibigo sa maruming pulitika laban sa akin,” ayon kay Marcos.

Inaasahan na umano ni Marcos na marami pang kasiraan at below the belt issue ang ikakabit sa kanyang pangalan, ngunit hindi niya gagantihan ang gagawa nito sa kanya at mananatili siya sa malinis at issue-based na kampanya.

“Lalaban ako ng patas. Naniniwala ako na Diyos ang aking pananggalang; katotohanan ang aking armas,” ani Marcos.

Back to Blog