Manalo ng date kay Bongbong Marcos ngayong buwan ng mga puso

Para sa mga nangagarap ng na maka-date si vice presidential candidate Senador Ferdinand

“Bongbong” R. Marcos Jr. ay pwede na itong matupad ngayong buwan ng mga puso.

Naka-post sa kanyang official website (https://www.facebook.com/bongbongmarcos), kahit na sino ay maaring maka-lunch date si Senador Marcos ngayong Pebrero sa pamamagitan lamang ng pagdala ng entry sa kanyang social media page.

Simple lamang ang pagsali. Mag log-in lamang sa Bongbong Marcos Facebook page at i-click ang contest na may titulong “Bongbong Into My Heart” o pumunta http://bbm.ph/BongbongIntoMyHeart app. Mayroon lamang silang mga detalyeng ibibigay para sa kanilang official entry. Maaring magpadala ng ilang entry hanggang Pebrero 15, 2016.

Nitong Miyerkules, (Pebrero 10), limang araw matapos na buksan ang pa-contest, mahigit nang 3,300 entries ang naitala.

Back to Blog