Mamili ng mga kandidatong magbibigay importansya sa LGU

Read the English version.

Hinimok ngayon ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang mga taga-Bacoor City sa Cavite na pumili ng mga bagong lider sa susunod na taon na magbibigay ng kaukulang importansya sa mga local government unit bilang kasangga sa pagbibigay serbisyo sa tao at pagpapaunlad ng ating bansa.

Sa kanyang mensahe matapos ang flag-raising ceremony sa city hall ng Bacoor sinabi ni Marcos na mararaming LGU official ang nagrereklamo na tila itsa-pwera sila sa pagpapatupad ng malalaking proyekto ng national government sa kanilang lugar.

“Sa nakaraang ilang taon napupuna ng lahat ay ang pag-iisip ng national government na sila lamang ang kayang gumawa ng trabaho para magdala ng serbisyo sa taong bayan,” ani Marcos.

Maling-mali ang ganitong pag-iisip ng national government ayon sa Senador na naging Gobernador sa Ilocos Norte ng tatlong termino.

Ayon kay Marcos ang mga LGU official ang mas nakakalam kung ano ang pangangailangan ng kanilang lugar at ng kanilang mga mamamayan. Bukod dito, sinabi ng Senador na maraming official ng LGU ay magagaling, napaka-sipag, at pursigidog tumulong sa kanilang mga kababayan.

Bilang ehemplo, binanggit ni Marcos ang pag-ulad ng Bacoor City sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Strike Revilla.

“Manggagaling sa local government unit lahat ng pagka-progresibo, lahat ng pagsigla ng ating ekonomiya hindi lamang sa isang bayan, hindi lamang sa isang lungsod kundi ito ang pundasyon para sa buong bansa,” giit ni Marcos.

“Pagka tama ang ating pagpili ng ating mga magiging kandidato, palagay ko sa susunod na Administrasyon ay makikita natin ang pagbabago sa pag-iisip at pagbibigay ng importansya at ang magandang pagsasama ng local government at saka national government,” dagdag pa niya.

Nagpunta sa naturang flag ceremony ang Senador sa paanyaya ni Mayor Strike Revilla at Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado Revilla.

Back to Blog