Maharlika TV – Leonen nagsumite ng magulong draft ruling sa Marcos protest

By Maharlika TV

MANILA – Nagsumite at nagpamahagi umano si Supreme Court Associate Justice Marvic Mario Victor Leonen ng iba’t-iba at magulong bersiyon ng kanyang draft decision ukol sa 2016 election protest ni dating senator Ferdinand Marcos Jr. sa Kataas-Taasang Hukuman na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET).

Natalo si Marcos ng 263,473 votes kay Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo ngunit naghain ang una ng protesta sa akusasyon ng malawakang dayaan, anomalya at iregularidad.

Aon sa Manila Times, sinabi ng isang source na pamilyar sa kaso, na si Leonen mismo ang nagpamigay ng kopya ng draft resolution kay Chief Justice Diosdado Peralta at 13 iba pang mahistrado sa kanilang en banc meeting noong Enero 12 para mapag-aralan ito.

Ngunit sinabi ng naturang source na ilan sa ipinamigay na kopya ay iba kumpara sa iba at mahirap malaman kung ano ang talaga ang orihinal na draft.

Ayon pa sa source, mukhang sinadya ni Leonen na magpaikot ng ilang bersiyon upang mabuking na ang Dept. of Justice ang nag-leak ng mga naunang dokumento na isinulat ni Leonen.

Sinabi ng insider na mali-mali ang spelling at iba-iba ang mga nakalagay na paragraph at quotations sa mga kopyang ipinamigay ni Leonen.

Nabatid pa na ang isang mahistrado ay nakatanggap ng draft na may 97 pahina, ang isa naman ay may 96 pahina habang ang isa ay may 93 lang.

Naniniwala naman ang isang mambabatas na nawala ang integridad ng orihinal na draft at nagdulot ng kalituhan sa Kataas-taasang Hukuman, na nakatakdang pag-usapan ito ngayong araw. (AI/FC/MTVN)

Back to Blog