“Logging, Garbage, Overpopulation, Culprits of Massive Floods and Landslides”

Don’t wait for the entire Philippines to submerge in flood water – Bongbong

More and bigger environmental disasters will strike the Philippines if the government continues to ignore the problems of garbage, forest denudation and overpopulation, Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. warned yesterday.

Marcos issued the warning following the catastrophic floods and landslides brought about by recent typhoons, which killed hundreds of people and destroyed billions of pesos worth of farm products, infrastructure and livelihood.

He warned that without prompt action, the country will experience natural disasters worse than storms ‘Ondoy’ and ‘Pepeng.’

“Do we have to wait for the time when the entire Philippines is already submerged in flood water before we act? We created these problems so we must work together in finding solutions,” Marcos said.

Marcos urged government to revoke and stop the issuance of logging permits and implement a total log ban nationwide for a certain period to allow newly planted trees to mature.

“The problem is we zero in on illegal loggers, but how about those who have permits? Both illegal and legal loggers destroy the forests. If we are indeed serious in addressing the problem of forest denudation, we need to implement a total log ban,” Marcos stressed.

The opposition congressman also underscored the need to control the growth of population in the metropolis as he called on the government, the Church, and non-government organizations to work together in drafting a long-term plan to address overpopulation in urban areas.

“There must be a concerted effort to solve the country’s population woes,” he said.

Marcos said the garbage problem aggravated the flooding in Luzon, including Metro Manila, during Ondoy and Pepeng’s onslaught.

He called on the government to look into relocating all illegal inhabitants along Metro Manila’s waterways, particularly Pasig River, since they contribute a lot to choking our rivers with improper garbage disposal.

Marcos threw his support behind the ‘Balik Probinsya’ and relocation programs for families residing along rivers, streams and creeks so the government can start cleaning the waterways.

“We must continue to implement the ‘Balik Probinsya’ program and provide livelihood to those who will be relocated. By doing this, we can easily clean up river channels and remove debris from the destroyed houses and belongings washed up at the height of typhoons’ wrath,” Marcos said.

Huwag hintaying lumubog ang buong Pilipinas – Bongbong

“LOGGING, BASURA, OVERPOPULATION

UGAT NG MALAWAKANG BAHA AT LANDSLIDE!”

Isang malaking kapahamakan o delubyo ang naghihintay sa taumbayan kung hindi kaagad tutugunan ang problema sa patuloy na pamumutol ng punong kahoy sa mga kagubatan, pagdami ng basura at mabilis na paglago ng papulasyon sa Pilipinas.

Ito ang babala ngayon ni Rep. Ferdinand Marcos Jr. ng Ilocos Norte kaugnay sa pinsalang idinulot ng bagyong Ondoy at Pepeng kung saan daang katao ang namatay at bilyong halaga ng pagkasira sa agrikultura, imprastraktura at kabuhayan.

Ayon kay Marcos, higit na mas malaki at malupit ang sakuna na inaasahang darating sa Pilipinas kung hindi kaagad tutugunan at bibigyan ng solusyon ang problema sa over population, logging at basura na siyang tunay na sanhi sa naganap na malawakang pagbaha at landslide dulot ng bagyong Ondoy at Pepeng.

“Hihintayin pa ba nating lumubog ang buong Pilipinas? Lahat tayo ay may kasalanan sa pagbaha at landslide na ito. Isang leksyon ito para sa atin at dapat kumilos tayong lahat,” pahayag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na kailangan itigil ng gobyerno ang pagbibigay pahintulot sa pamumutol ng kahoy sa mga kabundukan at ipatupad ang total log ban sa buong Pilipinas.

“Ang problema kasi, mga illegal loggers lang ang kanilang pinagdidiskitahan. Eh, pano ‘yong legal loggers? Pare-pareho ‘yang sumisira ng ating kagubatan! Kung talagang seryoso tayo na matigil na ‘yan, gawin nating total log ban!” galit na pahayag ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na kailangan ding seryosong harapin ang isyu sa ‘population explosion’ ng bansa at mag-usap ang simbahan, non-governmental organization, pamahalaan para makagawa ng tunay na solusyon dito.

“Kailangan magkasundo tayong lahat para mabigyang solusyon ang problema sa over population.  Napakaliit ng Pilipinas at kung hindi tayo kikilos, eh, talagang magsisiksikan tayo, at nakakatakot ito lalu na kung may dumarating na kalamidad,” paliwanag pa ni Marcos.

Idinagdag pa ni Marcos na malaking problema rin ang isyu sa basura na kailangan harapin ng mamamayan tulad ng pagsunod sa waste segregation scheme at pagkakaroon ng tunay na landfill o tapunan ng basura.

Nanawagan din si Marcos na kaagad na ipatupad ang balik-probinsya program sa sektor ng maralitang tagalungsod upang ang mga barungbarong na itinayo malapit sa mga ilog at estero ay kaagad na malinis.

“Ipatupad natin ang balik-probinsya program at bigyan natin sila ng kabuhayan sa uuwian nilang lalawigan. Madali nating malilinis ang mga estro at ilog na pinagtayuan nila ng kanilang barungbarong. Nahihirapan dumaloy ang tubig-ulan sa mga estero at ilog dahil sa mga naghambalang na barungbarong,” paliwanag ni Marcos.

Back to Blog