Lider ng LP CDO, inendorso si Bongbong Marcos bilang VP

Inabandona ng isang lider ng Liberal Party sa Mindanao ang mandato ng kanyang partido sa kandidatong susuportahan para sa bise presidente nang inindorso nito si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. para sa nasabing posisyon.

Inindorso ni Cagayan De Oro 1st District Cong. Rolando “Klarex” Uy si Marcos sa harap ng daan-daang lider ng local government at komunidad nang magtipon-tipon sila upang salubingin ang senador sa kanyang Unity Caravan sa lungsod noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Uy na may matagal sa silang pagkakaibigan ng senador mula pa noong nahalal sya bilang barangay chairman ng Brgy. Carmen sa CDO.

Mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan aniya nang mahal sila pareho bilang miyembro ng Kamara de Representante at nakita nya ang magandang turing ng senador sa kanyang trabaho at sa serbisyo publiko.

“Kami’y may matibay na pagkakaibigan kung kaya dapat sya ang ating kandidato. Suportahan natin si Senador Bongbong Marcos at iboto natin sya,” ani Uy na sinang-ayunan naman ng mga dumalo sa pagtitipon.

Sa kanyang panig, pinasalamatan naman ni Marcos si Uy sa kanyang pagkakaibigan at sa suporta na binigay nya dito lalo na sa mainit na pagtanggap sa kanya ng kanyang mga kababayan sa CDO.

“Suguro ay marami ang nagulat dahil madaming tao ngayon at inindorso pa tayo ni Cong. Uy kasi dati hindi naman sya nagpapahayag ng suporta. Pero ngayon ay nangyari na at maraming salamat,” ani Marcos.

Sinabi na Marcos na sa kanyang 27 years sa gobyerno ay napuntahan na nya ang halos lahat ng sangay nito katulad ng sa ehekutibo at lehislatura mula nang mahalal siyang bise gobernador, gobernor at mambabatas sa parehong Kamara.

Ngunit diniin nya hindi lamang sya tumatakbo bilang bise presidente kundi isinusulong din nya ang kampanya ng pagkakaisa ng buong bansa. Sinabi nya na ang lubhang napaka-importante ng pagkakaisa upang makamtan ang progresibong bukas para sa lahat ng Pilipino.

Nasa Mindanao ngayon ang Unity Caravan ni Marcos na nagsimula sa Gingoog City sa Misamis Oriental hanggang sa mga munisipalisad ng Intao at Tubod ng naturang probinsya. Katulad ng kanyang mga naunang mga sortie, dinumog din si Marcos sa mga nasabing lugar.

Inaasahang magtatapos ang kanyang kampanya sa Mindanao ngayong araw na ito sa Butuan City.

Back to Blog