Lagao, General Santos, South Cotabato

Maraming salamat sa inyo. Binigyan ninyo ako ng pagkakataon na makasama kayo dito sa inyong pag-aaral tungkol sa mga kailangan gawin para sugpuin ang mga problema ng TB. Alam niyo po tayo naman dito sa Pilipinas ay mayroon namang magagandang programa na para sa TB at ito’y madaling sugpuin at kung mayroon lang tayong sistema para sa mga may karamdaman at nararamdaman na mayroon silang TB, marami po tayong magagawa.

Pero ang kailangan maunawaan ng karamihan ng tao ay ito ang aking kaalaman galing lamang sa aking experience bilang governor ng Ilocos Norte. Kailangan unang malaman ng karamihan ng tao: that TB is curable. Mayroon naman tayong pwedeng gawin. Kayang gamutin at kung ma-report ng maaga ay hindi naman kailangan maging masyadong mahirap ang pag-treat ng TB.

Kaya mabuti itong inyong celebration. We have to commend the Departmen of Health sa kanilang TB DOTS na programa. Maraming-marami pong natulungan ito and that’s why we have to keep remembering that those of us who are suffering tuberculosis do not despair at marami po tayong magagawa.

Ako po’y nandito at kasama ninyo sa Gen San at nangangampanya hindi lamang para sa aking kandidatura para sa pagka bise presidente. I am also here to campaign for what I talk about, ang sinasabi ko – ang pagkakaisa ng ating bansa dahil dito po sa pagbibigay serbisyo ng pamahalaan. Kailangan po tayo ay hindi naghihiwa-hiwalay sa linya ng pulitika. Tayo ay dapat iisipin lang natin kung ano ang ikabubuti ng ating mga kababayan, ano ang ipapaganda sa ating bansa.

Itong ginagawa ninyong pagdiriwang ng National TB Day is a part of that at ipagpatuloy natin ang serbisyo ng pamahalaan sa gobyerno, ang pag-iisip ng bawat isang lingkod bayan na tayo ay iniisip ang kapakanan ng ating mga kababayan. Iyan ang dapat na maging tema ng lahat ng ating mga public servant kaya ito po ang magiging pundasyon ng pagkakaisa ng ating bansa.

Maraming salamat sa inyong lahat. Thank you for the opportunity na makipag-usap sa inyo and I’m sure with continuing basta’t ipagpatuloy natin ang encouragement dito sa mga programa natin ay masasabi natin na one day in the future na wala ng tuberculosis dito sa Pilipinas. Maraming salamat at magandang umaga sa inyo.

Back to Blog