La Union nangakong magbibigay ng pinakamaraming boto para kay Marcos sa SOLID NORTH

Nangako ang buong probinsya ng La Union kay vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.’s na magbibigay sa kanya ng pinakamaraming boto sa mga probinsya sa SOLID NORTH sa darating na halalan.

Sa ikatlong araw ng kanyang “Unity Caravan,” pumunta si Marcos sa La Union kung saan kasama motorcade nya sa motorcade ang mga buong pamilyang Ortega na siyang na namumuno sa buong probinsya sa mahagit na isang daang taon.

Katulad din mga nagbabanggaang pamilya sa Abra na nagkaisa upang suportahan ang kandidatura ni Marcos, ang buong Ortega, ayon kay Mario Ortega, na tumatakbong gobernador, ay susuportahan si Marcos kasama na ang ibang miyembro ng pamilya na lumalaban sa isa’t-isa sa darating na halalan.

Ang mga Ortega sa La Union ay kaalyado ng Liberal Party pero pagdating daw sa bise presidente ay si Marcos ay kanilang susuportahan.

“You can see that here leaders from different sides of the political fence come together to support Bongbong. We will the deliver the most votes in the Solid North. But don’t just take my word for it, ask people around and you will see that it’s true,” ani Ortega.

Sa bayan ng Naguillan, kung saan dumaan si Marcos sa munisipyo, sinabi ni Mayor Reynaldo Flores na napakaraming tao na naghintay ng maraming oras upang sumalubong sa kanya. “Senator they were waiting for you to arrive for over an hour. I think there were around a million people here but some had returned home for lunch,” ani Flores.

Mula ng kanyang pagdating sa probinsya, maraming tao ang nag-abang kay Marcos sa kalsada kahit na napainit ng init ng araw . Sa kanyang pag-iikot, diniin ni Marcos ang kanyang kampanya sa kahalagaan ng pagkakaisa upang makamit ang progresibong bukas para sa bansa.

Nagpasalamat si Marcos sa mga tao sa La Union na walang sawang sumusuporta sa kanya mula noong tumakbo siyang senador noong 2010. Naalala niya ang isang pustahan ng kanyang kapatid na si Ilocos Norte gobernador Imee Marcos at La Union Gobernador Manuel Ortega kung sino sa kanila ang makakapagbigay ng pinakamalaking boto kay Marcos noong 2010.

“Until now the issue has not been settled yet because Gov. Imee contends that Ilocos Norte did deliver the most number of votes but your governor says that in terms of percentage La Union did better,” sinabi ni Marcos,

Sinabi niya na ngayong May 2016 elections ay maari nang magkaka-alaman kung sino ang magbibigay ng mas maraming boto sa kanya.

Back to Blog