Kulay pulang damit ni Mrs. Marcos, may dilaw din; simbolo umano ng layuning magkaisa ang Pilipino

Read the English version here.

unnamed-1 Vice Presidential candidate Senator Bongbong Marcos, greets his mother with a kiss before approaching the altar to receive the blessing from Prior William Araña at the San Agustin Church, Intramuros Manila. He was accompanied by his wife, Louise “Liza” Araneta Marcos during the blessing at the altar.

Sinorpesa ni dating Unang Ginang at Ilocos Norte 2nd District Representative, Mrs. Imelda Romualdez Marcos ang mga miyembro ng media at mga taong nagkatipon sa main office ng Commission on Election kahapon nang dumating siya na nakasout ng pulang damit pero kapansin-pansin na may mga dilaw na disenyo.

Dumating si Mrs. Marcos sa Comelec bilang pagsuporta sa kanyang anak na si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa panahon ng pagpa-file nito ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo bilang Vice President sa halalan sa May 2016.

Ang pula ang tradisyonal na kulay na kaugnay ng buhay pulitika ng pamilyang Marcos. Ang dilaw naman ay naging tanda na ng pamilya ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nang tanungin ng media kung bakit may kulay dilaw ang kanyang suot, sinabi ni Mrs. Marcos na simbolo ito ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

“Talagang maraming colors, including yellow ang (ating) flag,” ani Mrs. Marcos.

Matatandaang nang pormal na magdeklara si Senador Marcos ng kanyang balak na tumakbo para sa posisyon ng Vice President sinabi nitong ang pangunahing tema ng kanyang kandidatura ay ang layuning maging daan sa pagkakaisa ng Pilipinas.

Sinabi ni Senador Marcos na ang naganap na matinding away pulitika sa mga nagdaang administrasyon ay naging dahilan sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino at nagdulot ng maraming problema na hanggang sa kasalukuyan ay nagpapahirap sa ating mamamayan.

Asul na t-shirt naman ang suot ni Senador Marcos pero puti ang collar at may linyang pula at dilaw sa manggas at bulsa.

Ayon naman kay Mrs. Marcos, suportado niya ang layunin ng kanyang kaisa-isang anak na lalaki at gagawin din niya ang kanyang bahagi upang isulong ito.

“Basta lahat ng kolor gagamitin ko para sa kapakanan at kabutihan ng bayan,” dagdag pa ni Mrs. Marcos

Back to Blog