Karanasan sa executive ang bentaheng pinanghahawakan ni Sen. Marcos kontra sa mga karibal

Read the English version here.

unnamed-3
Former Ilocos Norte now Senator Bongbong Marcos during the inauguration of the Pagudpud Windmill Farms.

Ang mahabang karanasan sa executive department ang isa sa mga pinanghahawakan ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para kumbinsihin ang mga botante sa darating na halalan sa 2016 na siya ang karapat-dapat na maging bagong Vice President ng bansa.

“Karamihan sa kanila ay kilala ko at sabi nga may karapatan o may ‘K’ sila na tumakbo bilang Bise Presidente. Pero sa aming lahat ako lang ang nakaranas na magsilbi bilang halal na opisyal sa executive department,” ani Marcos nang tanungin ng media kung ano ang katangian niya na kakaiba sa kanyang mga katunggali.

Lima sa anim na kilalang kandidato bilang Vice President ay galing sa Senado, samantalang ang isa naman ay sa House of Representatives.

Sa kaso ni Marcos nagsimula ang kanyang serbisyo publiko nang mahalal siya bilang Vice Governor ng Ilocos Norte noong 1981. Matapos ang tatlong taon siya naman ang naging Governor ng probinsya.

Nanilbihan din siya bilang kinatawan ng Second District ng Ilocos Norte sa House of Representatives noong 1992 hanggang 1995 at matapos nito ay bumalik siya bilang Governor ng probinsya kung saan nanatili siya ng dalawang termino, mula 1998 hanngang 2007.

“Personal kong nakita at naranasan kung ano ang nangyayari sa local government, kung paano pinatatakbo at kung ano ang mga problemang hinaharap nito. Palagay ko ay magandang karanasan ito para maihanda ako sa mga responsibilidad ng isang Vice President,” dagdag pa ni Marcos.

unnamed-4

Sa loob ng tatlong termino niya bilang Governor, kinilala ang nagawa ni Marcos na maging first-class na probinsya ang Ilocos Norte sa pamamagitan ng turismo at paglulunsad ng pinakaunang proyekto sa bansa na gumamit ng alternative energy sa pamamagitan ng ngayon ay kilalang Bangui at Pagudpud windmills.

Dahil sa paglago ng turismo sa probinsya maraming mga residente ang nagkaroon ng trabaho o kaya’y mga negosyo kaugnay sa turismo at nagpalago sa ekonomiya ng Ilocos Norte.

Sa kanyang pormal na deklarasyon ng pagtakbo niya bilang Vice President inilatag ni Marcos ang mga isyung kanyang tututukan, isa na dito ang pagpaparami ng trabaho sa bansa.

“Mayroon akong vision, may plano, at may kaalaman at karanasan para gawin ang mga ito,” ani Marcos.

Back to Blog