Kandidatura ni Sen. Marcos para VP inendorso ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos

Inendorso ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang kandidatura ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. bilang bise-presidente sa darating na halalan ngayong taon.

Si Marcos ang panauhing pandangal at tagapagsalita sa “Handog Pasasalamat” na isinagawa ng Mandaluyong par kilalanin ang mga natatanging barangay officials ng syudad, na ginanap sa City Gymnasium.

Kinilala ni Abalos ang patuloy na pagsusulong ni Marcos ng kapakanan ng mga local government sa bansa bilang chairman ng Senate Committee on Local Government, partikular ang kapapasang barangay retirement benefits bill na ang senador ang may-akda at pangunahing sponsor.

“Siguro kung sya’y mahalal hindi lamang iyan ang magagawa niya, marami pa,” ani Abalos. Maliban dito, sinabi ni Abalos na hanggang ngayon ay nanatiling simpleng tao at mapagkumbaba ang senador.

“Kung nagtiwala kayo sa akin sa loob ng 20 taon, pagtiwalaan ninyo ako sa pagpili sa susunod na Vice President ng Pilipinas, walang iba kundi si Senator Bongbong Marcos,” ayon kay abalos Abalos na sinalubong ng palakpakan ng mga barangay officials sa jampacked na gym.

Nagpasalamat naman si Marcos kay Abalos at sa mga residente ng lungsod sa mainit nilang pagtanggap sa kanya at kinilala rin ang mahusay na pamamahala ng mayor na nagdulot ng pag-unlad ng syudad na kinilala bilang “Tiger City”.

Ayon kay Marcos isinulong niya ang barangay benefits bill para kilalanin ang tiyaga at sakripisyo ng mga barangay officials at workers na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin kahit na nga napakaliit ng tinatanggap nilang allowance.

“Alam namin ang inyong sakripisyo,” ani Marcos na nagsabing hindi pwedeng magtagumpay ang ano mang programa ng gobyerno lalo na sa pinakamalayong sulok ng bansa kung hindi sa kooperasyon at tulong ng mga barangay officialst at workers.

Ang panukala na ipinasa ng Kongreso at naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo para maging ganap na batas ay magbibigay ng retirement benefit na P100,000 para sa bawat isang kwalipikadong arangay Chairman, P80,000 sa miyembro ng Sangguniang Barangay, atP50,000 naman sa bawat isang Barangay Treasurer, Secretary, Barangay Tanod, member of the Lupon ng Tagapamayapa, at Barangay Health at Day Care Workers.

Back to Blog