‘Kamay na bakal’ kailangan laban sa bully taxi drivers

Read the English version.

Hinamon ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mga otoridad na lutasin ang lumalalang problema hinggil sa mga bastos na taxi driver.

Nagpahayag din ng pagka-alarma si Marcos sa dumaraming insidente ng harassment at pananakot ng mga mayayabang na taxi driver sa mga pasahero kapag hindi nakuha ang kanilang kagustuhan.

Nanawagan siya sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) kasama na rin ang pulisya at ang Metropolitan Development Authority (MMDA) na gumamit na ng “kamay na bakal” ngunit sa ligal na paraaan upang matigil na ang mga taxi driver na “nagte-terrorize” sa kanilang mga pasahero.

“Instant and severe but legal punishment might stop arrogant taxi drivers from verbally abusing their passengers or, worse, physically harming them. Of course, they know that they could be charged in court, but it seems these drivers are not scared about it,” pahayag ni Marcos.

Nanawagan din ito sa mga mananakay ng taxi na maging matapang tulad ng ipinamalas ng ilang nabiktima na nag-report sa otoridad at nagsampa ng kaukulang reklamo laban sa mapang-abusong mga taxi driver.

“Maganda talaga na nakikipagtulungan ang mamamayan sa otoridad. That’s why the people should assist the authorities even by just reporting that something wrong has happened, is happening, or is about to happen,” sabi nito.

Back to Blog