Iwasan ang pag-import ng mga agricultural products, tulungan ang mga magsasaka

Read the English version here.

BBM_PHOTO_03_28112015

“Dapat iwasan na ang laging pag-iimport ng mga produktong agrikultura at sa halip tulungan ang mga magsasaka,” ani ni Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., noong padiriwang ng ika-23 anibersaryo ng Sarangani.

“Ang gobyerno ay dapat magbigay ng pautang sa mga magsasaka, palakasin ang research and developmet, dapat ayusin ang irrigation system ng bansa na hindi na halos nadagdagan simula pa noong 1984 at paramihin pa ang mga farm-to-market roads,” ayon sa Senador.

Ayon umano sa statistics may 70 porsyento ng mga mahihirap sa bansa ay nasa sektor ng agrikultura na sa ngayon ay tila naghihingalo na. “Kaya’t sa palagay ko balikan muna natin ang agrikultura and make public investments not only in funding, infrastructure and in all other ways we can help our farmers.” ani Marcos.

Nauna rito, lumabas ang mga ulat na lumago ng 6 porsyento ang ekonomiya ng bansa sa nakaraang tatlong buwan na pangatlo sa pinakamagandang takbo ng ekonomiya sa Asia sa naturang panahon, kasunod sa nangungunang China at Vietnam.

“Sinasabi nila ang ganda raw ng ating ekonomiya, one of the best in Asia pero hindi nararamdaman ng taong bayan. Ang yumayaman lamang yung mayaman na at yung malalaking korporasyon. Kayat ang dapat nating tinitingnan ay inclusive growth,” anang Senador sa kanyang pananalita noong ika -23 anibersaryo ng Sarangani.

“Dapat gumawa ng mga karampatang hakbang ang gobyerno para masiguro na lahat ng Pilipino ay makikinabang sa anumang paglago ng ating ekonomiya,” ayon kay Marcos.

Nakalulungkot umano, ayon sa Senador, na sa kabila ng paglago ng ekonomiya ng bansa hindi pa rin mababago ang dami ng mga mahihirap at ng mga walang trabaho.

“Let us start from the very foundation of our economy—the agricultural sector. I believe that doing so would make our country a better place for all of our people,” pagdidiin ni Marcos.

Back to Blog