Itigil Ang Oppressive Contractualization

Read the English version here.

Kinondena ni Sen. Bongbong Marcos ang panggigipit sa mga empleyado dulot ng kontraktwalisasyon. Bunga ito ng “5-5-5” na mga kontrata sa trabaho na siya namang direktang lumalabag sa garantiya ng ating Konstitusyon para sa isang permanenteng trabaho.

“Sa bawat tatlong rank and file na empleyado ay may isa na nasa ilalim ng “oppressive contractualization” kaya walang dagdag benepisyo na natatanggap maliban sa sahod.”

Ayon kay Marcos dapat magkaroon ng paghihigpit sa mga batas ukol sa pangangalaga sa mga kontraktwal na empleyado. Kaakibat din nito ay dapat magkaroon ng patuloy na pagmo-monitor ang DOLE sa mga pribadong kumpanya.

Nakakapang-alarma kung gaano kalaganap at kalala ang sitwasyon ng kontraktwalisasyon sa bansa ayon sa senador. Dagdag pa dito na mukhang nagbubulag-bulagan ang DOLE sa isyu na ito.

“Ang “5-5-5” ay ang pagbibigay ng limang buwan na kontrata sa mga empleyado. Samantalang, ang “ENDO” o “end of contract” naman ang panahon kung saan natatapos ang kontrata at tuluyang hindi nagiging regular ang manggagawa. Limang buwan lamang ang tinatagal ng kontarata dahil ayon sa Philippine Labor Code, kapag umabot na ng anim na buwan dapat na maging regular na ang empleyado.” pahayag ni Marcos.

“Higit sa lahat ang mga manggagawa ng ating bansa ang dapat bigyan ng mahalagang paguunawa at protection na hindi sila madadaya sa kanilang empleyo.”

Back to Blog