Interview with Mike Enriquez of DZBB for the program Ikaw na ba?

Mike Enriquez: Ang atin pong kasama sa vice presidential interview ay si Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr. Pinanganak po siya sa Setyembre 13, 1957 sa lungsod ng Maynila sa Pilipinas. Tatlo po ang kanilang anak, sila Ferdinand Alexander, Joseph Simon at William Vincent. Siya po ay may MBA, Masters in Business Administration, Graduate Coursework in Business Administration, Wharton School of Business, University of Pennsylvania. Sa Amerika po iyan. Ang kanyang undergraduate degree ay Special Diploma in Social Studies, Oxford University, England. Ang kanyang sekondarya ay Worth School sa England. Ang kanyang elementarya sa La Salle Green Hills sa lungsod ng Mandaluyong. At siya’y nag kindergarten sa Institucion Teresiana. Pambabae yun ah?

BBM: Hindi. Totoo na doon ako nag kindergarten at suot-suot ko yung maliit na dilaw na shorts.

ME: May lalaki sa kindergarten?

BBM: Sa kindergarten lang. Pagkatapos ng kindergarten, nag La Salle na ako.

ME: Puro lalaki naman doon?

BBM: Puro lalaki.

ME: Senador po siya mula noong Hunyo 2010. Naging kinatawan siya ng pangalawang distrito ng Ilocos Norte. Naging gobernador ng lalawigan ng Ilocos Norte. Naging kongresista sa pangalawang distrito ng Ilocos Norte. Naging gobernador ng Ilocos 1983 hanggang 1986. 1981 vice governor po siya hanggang 1983. At muling naging gobernador 1998 hanggang 2007. Ito po ang mga award niya: Most outstanding contributor to cooperatives, young achievement award for government and public service. At yung mga kumite: naging chairman on the committee on local government, committee on public works, vice chairman on civil service and government, tapos government reorganization committee on cooperatives, committee on foreign relations. Miyembro siya ng iba’t-ibang kumite sa Senado. Hinihingal na ako, tama na iyan.

BBM: Nabasa mo ata na natapos ko ang MBA ko sa Wharton. Hindi ko natapos yun. Habang nag-aaral pa ako, pinauwi na ako, nag vice governor na ako ng Ilocos Norte.

ME: Anong taon po nung pinauwi na kayo?

BBM: 1982. Tapos nag vice governor na ako.

ME: Kalagitnaan yun sa pag-aaral niyo sa Wharton?

BBM: Patapos na ako eh. Nasulat ko na yung dissertation ko. Wala na, nahalal na ako eh sa vice gov so kailangan ko nang umuwi.

ME: Tapos tuloy-tuloy na yun sa politika?

BBM: Hanggang ’86. Tapos hanggang anim na taon. Bumalik ako ng ’92. Nag congressman ako sa second district.

ME: Tamang-tama na nataon kayo na naschedule dito. Nagpapasalamat po kami sa pagpunta ninyo dito ngayong umaga.

BBM: Syempre naman eh papaano akong hihindi sa isang Lasalista din?

ME: Naloko na. Magagalit sa atin ang mga taga-ibang school. Okay. Senador, kagabi binalita na naming ‘to sa 24 Oras, ngayong umaga sa balitaan naming dito, may dalawang senador na, ayon kay Pangulong Aquino, ay nagkuntsaba daw para hindi makapasa yung kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law. Ewan ko kung nakarating na sa inyo ito. Wala siyang pinangalang senador, pero ang direksyon ng pananalita ni Pangulong Aquino ay dalawang senador – Senador Juan Ponce Enrile, na nag interpellate ng kay haba-haba, at kayo. Kayo daw dalawa, hindi lang humarang, nag kuntsaba para hindi makapasa ang Bangsamoro Basic Law. Senador?

BBM: Siguro dapat ipaliwanag kay Pangulong Aquino na ang BBL at tsaka yung Basic Law, basta yung dinideliberate naming batas ay batas of local application kung tawagin. Ibig sabihin pang lokal na batas. Ang rules namin pagka law of local application, kailangan antayin naming matapos sa House of Representaitves bago naming iboto sa Senado. Parang budget iyan. Yung budget kahit nag hehearing kami, hindi namin maiboto iyan hanggang matapos on third reading. Yung tapos na sa House, ipapasa ngayon sa Senado at doon naming sisimulan ang pagtingin kung ano ang ipinasa ng House of Representatives. Ganoon din ito sa BBL. Kailangan pa rin naming antayin sa House of Representatives bago i-transmit sa Senado at doon naming sisimulan, titingnan naming kung ano ba ang naipasa dito sa House. Tapos kung ano yung gusto namin sa Senado ipasa, bago bobotohin namin, bago mag interpellate, bago mag committee amendments. So yung prosesong iyan, hindi namin masimulan hanggang matapos sa House of Representatives.

ME: Ano itong mga pandinig na ginawa ng kumite ninyo, na pinamumunuan ninyo, yung Committee on Local Government? Nandoon pa yung MILF, lahat nandoon eh? Yung peace panel kung tawagin, yung military, kung sinu-sino. Ano yung mga pandinig na yun, Senador?

BBM: Yung pandinig na yun parang inuunahan na namin dahil yung hindi maaaring gawin ay iboto at ipasa dahil nga kailangang manggaling sa House of Representatives. Pero dahil mahaba, kung gagawin kong halimbawa ulit yung budget, dahil malaking-malaking batas yun, komplikado, maraming pag-uusapan, ganito rin itong BBL. Sabi namin “Habang nag-uusap sila (ang House), umpisahan na natin dito.” Pero yung botohan, hindi mo magagawa hanggang mayroon ng final version ang House of Representatives.

ME: Baka sabihin sa ilan sa mga nakikinig, hindi sa sumasangayon o tumututol kami, nagpapasahan kayo ng Kongreso kung sino ba talaga.

BBM: Hindi. Basta tapos na sa kanila, saka pupunta sa amin. Sa Senado. One way lang ang takbo nun. Hindi pwedeng bumalik.

ME: Narining niyo na rin yung usap-usapan, naku, hindi napasa ang BBL. Baka magkaroon ng gulo na naman sa Malacañang. Baka sumiklab na naman kung anu-anong gulo diyan sa Mindanao.

BBM: Mabuti naman at kahit na nung nagpahayag ang Speaker at saka ang Senate President na mukhang hindi aabot, ay mayroon namang statement si Chairman Iqbal, yung head ng peace panel ng MILF, sinabi niya agad. Kahit na ganoon, ipagpapatuloy pa rin namin ang proseso ng kapayapaan. Kaya nung nasabi na yun, sinabi ko na marunong itong si Chairman Iqbal at si Chairman Murad, yung head ng MILF at talagang kahit papaano ang priority nila ay kapayapaan. Maliwanag na hindi sila, syempre pinaglaban nila yung BBL, pero kahit nga na hindi natuloy, hindi natapos, sinabi nila agad na tuloy pa rin ang proseso ng kapayapaan.. Iyan ang importante.

ME: May isisingit po akong medyo personal. May nag text po sa mga ka-batch ko po sa La Salle Green Hills. Sabi po, “kasabay natin si Bongbong mag-PE. Hindi siya pinatatakbo ni Mr. Tolentino.

BBM: Si Mr Tolentino? Naalala ko pa si Mr. Tolentino! Nasa football team ako eh.

ME: Para malinaw, oo lang o hindi, suportado niyo ba ang BBL?

BBM: Suportado ko ang proseso ng kapayapaan. Suportado ko ang Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR) at sa palagay ko kailangan ipagpatuloy itong prosesong ito. Yung hindi ko sinuportahan yung version na ibinigay sa amin ng Pangulo yung BBL na nga, yung tinatawag na Bangsamoro Basic Law. Yun ang una na binigay sa amin. At binigyan niya ng isang kopya ang House of Representatives – isa kay Speaker Belmonte, isa naman kay Senate President Drilon. So, nung nakita namin, sabi naming hindi ppwede ‘to, dahil unang-una labag ito sa Saligang Batas, at maraming unconstitutional provisions. Tapos pangalawa, nung pinag-aralan naming ng mabuti, sabi ko hindi magdadala ng kapayapaan ito at mas lalo lang magkakagulo dahil ang kausap ng peace panel ng gobyerno MILF lamang. Hindi nila kinausap ang MNLF, hindi nila kinausap yung mga sultan, hindi kinausap yung mga royal houses, hindi kinausap ang mga Lumad, hindi kinausap ang local government. Lahat iyang mga grupong iyan, kailangang kasama iyan. Kailangan kasama sa proseso iyan dahil hindi maaaring maging tagumpay kahit na anong peace process sa Bangsamoro Autonomous Region kung hindi natin kasama ang mga iyan. Kailangan ang suporta nila. Kaya yung nabanggit ko kanina, yung mga hearing na yun sabi ko bigyan natin ng pagkakataon ang lahat. Nagpa hearing ako ng MNLF lamang, dahil may mga paksyon iyan. Lahat sila inimbitahan ko. Puro MNLF ang nagsalita. Pinagsalita ko yung mga retired military. PInagsalita ko yung mga retired government official, yung mga sultan, yung mga prinsipe nila. Iyan yung tradisyonal nila na sistema eh – tribal and traditional system of government. Yung mga Lumad.

ME: Sinasabi niyo yung mga grupong iyan hindi kinausap ng mga negosyador ng gobyerno?

BBM: Hindi. MILF lang.

ME: Sige po, Senador. Bakit sa palagay niyo mas mataas ang rating niyo ngayon sa mga survey? Number two kayo kay Chiz, noh?

BBM: Pabago-bago.

ME: Pero ano sa palagay niyo na mukhang marami yata…

BBM: Palagay ko siguro maganda yung pagtanggap ng aking minemensahe kapag ako’y umiikot. Syempre, napapag-usapan natin ang program of government. Napapapag-usapan natin ang mga problemang hinaharap natin. Ngunit, sinasabi ko, ang puno’t-dulo nitong lahat ay kailangan magkaisa ulit ang Pilipino. Dahil ang nangyari sa aking palagay kaya tayo nagkaganito ay pinagaway-away ang mga Pilipino dahil sa pulitika at pinaghati-hati tayo. Sabi ko isang tao hindi kayang ayusin ang problema ng Pilipinas. Isang partido hindi pwede. Isang ahensya hindi pwede. Kailangan lahat magkasabay, magtulungan. Eh nasa kultura naman ng Pilipino magtulungan. Wala naman sa kultura natin makipag-away. Ang lagi kong sinasabi pagka dalawang Pilipino ang nagkatagpo, lalo na kapag abroad, “Kabayan, kumusta? Anong gagawin natin? Kumusta? May problema ka ba? Matutulungan ba kita?” Ganun. O yung mga bagong dating, pagka nakita yung mga matagal ng nasa abroad, “O pare, paano ba dito? Paano ba ang patakbo dito? Ano ba ang kailangan kong gawin?” So, iyan ang ugali ng Pilipino. Ang mga lider natin, alang-alang nga sa pulitika, pinagaway-away nga tayo. “Basta kami dito, nakapanig dito. Kayo diyan kayo sa kabila. Hindi tayo magkasama.” Hindi naman pwedeng ganun.

ME: Senador, kung mararapatin ninyo, mawalang galang na po. pero hindi ba kayo at ang pamilya ninyo ay bahagi nitong pulitikang ito na sinasabi niyong sanhi ng pagkakawatak watak ng mga Pilipino?

BBM: Hindi ganun ang aming pamumulitika. Ang pamumulitika ay laging pagkakaisa, pinagsasama sama lahat. Heto nga ay bago ito. Lahat naman ng mga dati mga naririnig ay naalala ko nung nagsimula, nakikinig ko bata pa ko estudyante ako. Lagi kong naririnig ang salitang ‘nation building’ pinag bubuo natin ang lipunan lahat ng iba’t-ibang sector para maging masigla, para maging mabait at compassionate, may malasakit na lipunan. Eh sa nakaraang ilang taon hindi ko na naririning yung nation building. P uro pulitika nalang ang naririnig ko. At nakikita natin kung minsan ang trabaho ng gobyerno, meron akong term na ginawa na tinatawag na political infrastructure. Ano ang ibig sabihin nun? Yung infrastructure, imbes na sa pangangailangan ginagawa, eh di basta iniisip lang eto ba ay kaalyado natin o hindi depende hindi importante kung kailangan talaga yung building na yun, kung kailangan talaga yung kalsada na yun, pero kahit na pag kami heto hindi natin kaalyado kahit talagang kailangan ng tao hindi natin tutulungan yan. So yung ganyang klase na pagpatakbo tapos yung selective justice na nakikita natin.

ME: Selective justice?

BBM: Oo, eh nakikita natin mga nasasangkot sa kalokohan. Kung kaalyado hindi ginagalaw. Eh yung iba, wala namang problema bibigyan ng problema kasi kalaban sa pulitika. So puro pulitika nalang. Kaya tayo nagkaganito. Dahil hindi natin iniisip ano yung kapakanan ng taong bayan. Ang iniisip lang ng iba ay kung ano ang gagawin natin para matulungan yung sarili ko sa susunod na halalan, yung mga kagrupo ko, yung mga kapartido ko. Ganun na lang naging decision process. Puro nga tungkol sa pulitika.

ME: Sinabi niyo Senador na isa sa pangunahing dahilan kung bakit maraming sumusuporta sa pagkandidatura niyo sa pagka bise presidente ay yung pagpapaliwanag niyo ng plataporma ninyo. Pero isang tanong naman, kabaliktaran naman. Ano ang isang pinakamabigat na bagahe ninyo bilang isang kandidato sa pagka bise president?

BBM: Palagay ko, depende rin kung sino kausap mo. Halimbawa etong BBL. Eh kung iba ang kausap moa ng sasabihin, “hayy nako nagkamali ka diyan, hindi tama iyang ginawa mo magbabayad ka sa eleksyon niyan. yung iba naman tama yang ginawa mo. Syempre, lahat ng tao may opinion. Mahirap sabihin. Yung iba, sa palagay nila advantage yun. Yung iba naman, disadvantage yun.

ME: BBL lang po yun. Mayroon pa bang iba? Hindi naman BBL lang, hindi naman kayo huhusgahan kung iboboto kayo batay lang sa BBL.

BBM: Malaking bagay yun tapos ang pag usapan natin yung advantage. Yung mga nagawa ko para sa loc government. Malaking advantage para sa kin dahil lahat ng mga local leader nakikita nila na tapat yung aking pagtrabaho bilang chairman ng committee ng local government. At iyan naman talaga pinaggalinan ko nag usap kami kagabi kasama ko yung mga municipal mayor ng LMP Convention.

ME: Saan?

BBM: Sa Marriott dito sa Manila pakiramdam ko parehong pareho nagkaintindihan kami. So palagay ko yung nagawa ko sa Senado tapos yung sinimulan ko nung ako’y congressman pa na binuo ko yung National Youth Commission para sa mga bata.

ME: Kayo ba bumuo nun?

BBM: Oo. Ako principal author, ako ang sumulat nung batas na ginawa namin nung 1993 pa, ’94. Tapos tinapos namin yung SK Reform Law. Binago namin yung sistema ng SK para masagot at mabigyan ng solusyon yung mga problemang binibigay. Ako ang tingin ko heto ang mga bagay na pinag usapan naming. Heto ang aking mga nagawa. Lalo na sa local government, hindi ko na kailangang masyadong ipaliwanag dahil hindi naman natigil yung pagikot-ikot ko pag ugnay sa ating mga local government official hanggang barangay level kaya’t sa aking palagay yun ang naging advantage ko na sinasabing tanggap ang aking mensahe.

ME: Marami din pong nagsasabi na ang pinaka mabigat na bagahe ninyo ay ang pamilya ninyo lalong lalo na ang pinanggalingan ninyo. Kasi apelyido ninyo Marcos. Ang bumabalik sa isipan at ala-ala nila ay Martial Law, Batas Militar, diktaturya, diktador, etc., etc. o, Senador?

BBM: Kaya ako natawa dahil kabaliktaran ang aking naranasan. Laking advantage iyan. Napakalaking advantage…

ME: Advantage na kayo’y isang Marcos?

BBM: Oo. Halimbawa, simpleng-simple lang. Maraming mga nakaupo na mataas na opisyal lalo na sa lokal; mga governor, mga mayor, eh kasama, kaalyado ng father ko ng matagal kaya madaling lapitan. Eh yung ibang tao magpapakilala pa. “Oh, ako si ganito kung pwede patulong.” Ako kilala ko sila bata pa ako. So pwede kung yung pwede na mismong tao na kasama ng mismong tao ay yung anak na. Yung mga sumunod. So madaling lapitan. Pangalawa, kahit saan ako pumunta, marami akong maituturo, heto ginawa ng tatay ko ‘to, tatay ko nagtayo, kung minsan hindi na ako nagsasabi. Sila mismo nagsasabi. Oh, dahil sa ginawa ng tatay niyo may bahay kami. Dahil sa ginawa ng tatay ninyo nakikinabang pa rin kami. Kami naging beneficiary ng land reform. Lahat ng aking puntahan, may ganun.

ME: Ang sabi niyo, madali silang lapitan dahil nakatrabaho sila ng tatay niyo? O dahil anak sila ng mga kakilala ninyo

BBM: Yung mga pulitiko.

ME: Itutuloy ko lang. Lalapitan para saan?

BBM: Lalapitan para magpatulong sa eleksyon para sa kampanya.

ME: Lalapitan niyo para sa eleksyon?

BBM: Yung pangalawa, hindi lang sa eleksyon. Mayroon tayong kailangang gawin. May issue. Example: Paano, gusto niyo bang i-postpone yung barangay election? Sino gusto niyong kausapin? Kausapin natin si mayor mo. Tingnan na lang natin kung sang-ayon siya. Tatawag nalang ako hindi na ako kailangang magpakilala. Oh, pare kumusta? Heto may kaunting issue dito. Ano sa palagay mo ang dapat gawin? In other words, parang natawag lang ako sa kaibigan ko. Hindi ko kailangan formal na magpakilala. Okay, yung pangalawang sinabi ko yung taong bayan naman iyan. Kapag lumalabas ako pupunta sa isang lugar, maraming lumalapit. Hindi namin napasalamatan ang inyong ama, sa iyo na lang kami magpapasalamat. Dahil nga sa kanya, nagkaroon kami ng urban lang reform. Dahil sa kanya naging beneficiary kami ng Masagana 99. Dahil sa kanya, scholar ako ng Marcos. Lahat ng puntahan ko may ganyan. Yun yung sinasabi ko. Dahil sa dalawang bagay na iyan, sa politiko at sa mamamayan, ganun ang trato sa akin.

ME: So, kung mayroong ayaw makalimot sa tatay ninyo at sa inyong pamilya, dahil sa mga nangyari sa administrasyon o sa panunungkulan ng ama ninyo, mayroon din namang hindi nakakalimot sa ginawa ng tatay ninyo?

BBM: Overall, sinasabi ko sa larangan ng pulitika, mayroong babatikos. Alam mo sa larangan ng pulitika lalo na sa kampanya, wala namang kandidatong hindi binabatikos. Lahat ng kandidato may kalaban. Kung hindi naman kalaban, ang sasabihin “walang kwenta yun” etc. So ganun kasama sa proseso iyan di natin maiiwasan iyan.

ME: Sino sa mga katunggali niyo sa pagka bise presidente sa palagay niyo pinaka matinding katunggali ninyo?

BBM: Hindi ganun ang aking analysis eh. Ang aprroach ko iba. Syempre, pinagmamamasdan mo ang ginagawa ng mga ibang kandidato. Pero ang pag iisap ko ano pa ba ibang kailangan nating gawin para manalo? Ano ang kailangan gawin para maging maganda ang resulta? San pa tayo hindi nakapunta? Anong isyu hindi pa natin napag-usapan? Lahat iyan. Kasi sa naranasan ko mahirap mangampanya kontra, against sa ibang tao. Dapat ikampanya moa ng sarili mo. Itaas mo yung sarili mo. Huwag mong binababa yung ibang tao. Lahat mayroon silang style na sarili nila. Hindi ko naman kontrolado yun eh. Kontrolado ko lang sarili ko kaya’t ang lagi kong iniisip, sige, heto na ang kampanya. Saan tayo kulang, saan tayo mahina, saan tayo malakas, anong gagawin natin, anong gagawin sa PR, anong gagawin sa schedule. Yun lang ang iniisp ko.

ME: Mga ilang araw na po ang nakaraan, may lumabas po sa pahayagan na isang buong pahina ewan ko kung napaalam sa inyo ng mga tauhan ninyo na nagsasabi na, sa pahina maraming nakasulat doon, basta mensahe dapat hindi na mag luklok ng isang Marcos sa Malacañang ulit kahit kailan man, ano yung pangalan? Carmma yung acronym kung tawagin. Ano reaksyon niyo sa naglabasa na yun? Sa tinatakbo mo mayroon pang lalabas. Sa social media: “Ano?! Marcos nanaman?!” Ano pong tugon niyo sa mga ganun, Senador?

BBM: Kagaya ng sabi ko sa larangan ng pulitika, lagi namang may isyu. Iba lang yung isyu sa akin. Yung isyu ko, iyan ang ginagawa nilang panlaban sakin. That’s their opinion. Wala tayong magagawa. Kung mayroon silang tanong, sasagutin ko pero ang aking paninindigan ay ang aking paniniwala kung ano ang kailangan nating gagawin. At kapag ako’y lumalabas at kausap ang taong bayan, tinatanong nga nila, “Anong gagawin niyo para sa amin? wala kaming trabaho, walang kuryente, napuputol ang tubig, matrapik, yung MRT ayaw umandar. Lahat iyan, yung ang mga isyu nila. Yung agrikultura natin nawala, kulang ang eskwela, walang ospital. Ano ang maitutulong ninyo?” Yun ang tanong sa akin kaya yun ang pinaguusapan. Yun naman ang inaalala ng karaniwang mamamayan na araw araw na problema na hinaharap nila. Kaya kailangan syempre humaharap ako sa kanila at sinasabi tumatakbo ako bise presidente. At natural tinatanong ng tao: “Ba’t ka namin iboboto? Anong maitutulong niyo samin?” Eh di yun yung pinaguusapan namin.

ME: Buti nabanggit niyo na tumatakbo kayo sa bise presidente. Bakit nga ba kayo tumatakbo sa pagka bise presidente? Susundan ko na po iyan para isang sagutan na lang. At ang pangalawang sagot na kaakibat doon ay, pagkatapos ng bise presidente, presidente na diba? Babalik kayo sa Malacañang. O sige, pakisagot. Una, bakit kayo tumatakbo sa pagka bise presidente? Wala atang bise presidente o senador na ayaw maging (presidente). Alam niyo kahit ako nung araw nag iilusyon na pag nakikita na nangongotong or pag may nakikita akong pulubi, sinasabi ko sa misis ko “Babes, gusto kong maging presidente para maiayos ko lahat iyan.” Ang sinasagot sa akin “eh pag naging presidente ka ako ang First Lady.” Kaya hindi ko na tinuloy. Joke. O sige, pakisagot.

BBM: Eh dahil ako nung nag iisip ako ano ang gagawin ko sa 2016 na halalan, saan ako tatakbo o baka umalis na ako or whatever. Ang mga option diyan mag senador ulit dahil 1st term ko pa lang naman. Pero ang naging dahilan diyan ay sapat na ang batas na sinulat ng ating mga legislator. Ang kulang natin ay ang pag implementa ng batas na yun. At dahil naging gobernador ako ng siyam na taon, nasanay ako na may ginagawa; hindi yung nag dedebate lang sumusulat ng batas di mo makita ang magiging magandang epekto. Kung governor ka, lalapitan ka, sasabihin “Gov, may problema dito.” Iisipin mo yung problema aayusin at ilang buwan na ang nakalipas, ilang linggo na ang nakalipas oh ayan naayos ko na, tapos na. At yung pinakamaganda dun ay makikita mo agad ang resulta ng trabaho mo. Makikita mo ang naging resulta ng trabaho, ang nagbago na buhay ng taong yun. Mayroon ka talagang natulungan. So, gusto ko nga bumalik sa executive. Sabi ko balik muna ako sa executive para mayroon akong magawa.

ME: Excuse me Senador, bakit kayo umalis sa executive? Bakit kayo lumipat sa lehislatura? Ba’t di niyo nalang tinuloy ang pagiging governor? Nag karoon ng windmill ah. Sa inyo ba yun or si Imee?

BBM: Ako. 2003 pa yun.

ME: Pinupuntahan ng mga turista yun. Auto off-on yun eh.

BBM: Nagulat nga kami naging tourist destination yun di ko nga naisip.

ME: Bakit di kayo nanatili sa ehekutibo, Senador?

BBM: Dahil tapos mag governor. Nag 3 terms na ako.

ME: Suportado niyo po ba ang Anti-Political Dynasty bill?

BBM: Eh batas iyan. Kailangan nating gawin yan. Wala tayong magagawa.

ME: Hindi po napasa diba?

BBM: Hindi po napasa. Pero meron tayong mandate maglagay ng anti-dynasty.

ME: At saka mayroon po yung question ngayon yung Freedom of Information nagkaiba iba na. Lumabnaw na, natanggalan na ng pangil, etc., etc.

BBM: Well, hindi naman kataka-taka dahil batas yun. Kailangan natin sundan. Ang maipapagmalaki ko, yung SK Reform Law na ginawa para baguhin ang sistema ng SK. Nandoon na ang pinaka unang probisyon ng batas ng anti-dynasty. Dahil isa sa batikos sa SK eh anak ng lang naman ng mayor ang tumatakbo diyan. Eh mayroong mga bata gustong pumasok. Eh wala di ko kayang labanan yan, anak ni ganito iyan. So, ang ginawa namin lahat ng anak, ang technical description is second level consanguinity, lalo na sa isang anak ng isang elected official hindi maaring tumakbo ng SK doon sa juridiction ng kanyang paryente na nakaupo.

ME: Sa SK lang iyan?

BBM: Sa SK lang. Inaantay pa namin yung sa House. Ganun ang proseso natin. We need to have both. Hindi masyado gumagalaw sa House of Representatives.

ME: Okay, sige po. Napag usapan po, binanggit niyo sobrang pulitika. Mayroon pong nagsasabi dapat bumalik tayo sa 2 party system. Nacionalista at Liberal. Nung panahon po ng ama niyo, nagkaroon po ng KBL – Kilusang Bagong Lipunan. Mula noon, kung sinu-sino na. Nagkaroon ng Laban, nagkaroon ng kung anu-ano. Bago noon 2 lang talaga. Nacionalista, Liberal. Malinaw. Anong masasabi niyo dun?

BBM: Palagay ko, alam mo nung una pinag uusapan multi party system. Eh nag-aral ako sa UK sa England. Multi party system nila maganda ang pagtakbo. Dati, lagi kong sinasabi mas maganda ata multi party system. Pero kailangan there is an element of political maturity. Ang problema sa multi party system dito sa atin, hindi lamang sa hindi naintindihan ng botante, ng tao, hindi naintindihan ng mga pulitiko.

ME: Hindi naintindihan o ginagamit ng mga pulitiko? Ginagawang buffet o smorgasboard? Namimili ng partido kung saan makikinabang sila?

BBM: Exactly. Walang political cause sa turncoatism. Kung lumipat ka ng partido walang ibig sabihin. At saka ang nangyayari bawat eleksyon syempre lipatan na. Puro marriage of political convenience. yung talagang dapat sa multi party system, pag ikaw miyembro ng conservative party, yung pulitika mo, yung ideolohiya mo is conservative; konserbatibo ka. Pag nakasama ka sa liberal party, liberal ang inyong mga programa. So may ibig sabihin kung bakit ka nasa partido mo. Halimbawa, conservative ka tapos lumipat ka sa labor – left of center kung sabihin sa pulitika. Sasabihin ng tao, eh wala kang paninindigan dahil palipat lipat. ka. Wala kang kwentang pulitiko. Mahina ito, walang conviction ito. Walang paniniwala. Walang paninindigan. Dito sa atin, walang ganun. Lumipat eh. Eh di lumipat.

ME: Walang pilosopiya.

BBM: Wala. Walang idelohiya. Tapos mayroon din tayong nakikita isang naging problema din natin is yung qualtiy of leadership kung tawagin ko. Alam niyo, sinasabi natin na kahit sino dapat maaring maging pangulo. Pero kahit sino, hindi maaring maging magaling na pangulo. Kailangan natin ng mgagaling. Ngayon, sa two party system, lahat ng miyembro ng Nacionalista, lahat ng mga miyembro ng Liberal may mga ambisyon iyan maging governor, gusto maging senador, gusto maging pangulo. Ngayon, doon palang sa partido syempre namimili na sila. Parang pinagsasabong ang lahat ng mga ambisyon, kaya’t pag sinabi ng isang partido, “Heto ang amin. Si Mike Enriquez ang ilalaban namin bilang pangulo. Iyan na yung pinakamagaling.

ME: Pumili na kayo ng ibang halimbawa wag namang si Mike Enriquez pa.

BBM: O sige, sige. Tapos sinabi ito si Juan Dela Cruz ang aming kandidato, yun na yung pinakamagaling dun sa partido.

ME: Ibig sabihin nasala na.

BBM: Oo exactly. Nasala na. Doon sa kabilang partido ganun din. Kaya’t sinong mahalal, marunong yan, magaling iyan.

ME: Ngayon ba, sa pagka president?

BBM: Wala namang ganung proseso. Basta kung sino lang ang makapagbuo ng partido. Nagsimula nga ito dahil ang isang kandidato natalo sa convention sa loob ng partido, nagbuo ng sarili. Mula noon, ganun ang nangyari so kung ano ang nagiging political convenience nga, kaya’t sa palagay ko dapat pag isipan nating mabuti kung pwedeng baguhin. Itong eleksyon na ito lahat nakausap ko na pulitiko, kandidato, ito na ang pinaka magulong eleksyon na nadaanan namin.

ME: Ha? Ba’t sinasabi, anong dahilan kung bakit sinasabi na ito ang pinakamagulo?

BBM: Dahil hindi na nasusunod ang partido. Mahina na ang partido dahil sa ganyan na palipat lipat walang tunay na ideolohiya ang bawat partido kung hindi pagsama sama lang. kaya ang tendency marami sa lokal na kandidato hindi na sumama sa national na party. Gumawa ng sarili na lokal para yung mga magkasama sa lokal ay magkakasama parin. Bahala na sila mamili kayo ng presidente niyo pero dito sa lokal tayo ang makgasama.

ME: Pero ang labanan pala ngayon ay hindi nakabase sa prinsipyo o ideolohiya, Senador? Base sa interes? Base saan mananalo o malakas ang pag asa manalo?

BBM: Well, kasama na rin iyan pero ang kampanya ngayon personal.

ME: Anong personal?

BBM: Pinag uusapan ko, “Ako ang iboto niyo dahil magaling ako, marunong ako, maganda ang program of government ko, marami akong maitutulong sa inyo.” Lahat iyan. Hindi pinaguusapan “Dahil kami sa partido ko ganito ang aming paniniwala ay ganito at ipagpapatuloy namin ang aming adbokasiya tungkol sa ganito.” Hindi ganun ang labanan. Eh kung maaalala mo dati may lugar sasabihin ay “Dito Nacionalista kami. Hindi na tinatanong kung sino ang kandidato. Boboto iyan buong tiket. Dito naman kami Liberal kami dito. Wala nang ganun. Yung individual na tao na ang tinitingnan.

ME: Senador doon sa malaking pahina na lumabas na tinitira kayo dun sa grupong CARMMA, isa sa nakasulat doon, sa dami ng pera niyo, kung kayo na nga ba magiging bise presidente, sa dami ng pera niyo kayang kaya niyo na pondohan ang isang kandidatura o kampanya para maging susunod na presidente ng Pilipinas? Gusto niyo ba maging presidente?

BBM: Lahat naman yata ng pulitiko gusto mag presidente. Pero tama yung sinasabi. Destiny iyan. Hindi ikaw ang mag decide. Magigising ka sa isang umaga. Magiging presidente ako. Hindi ganun yun. Naka depende iyan sa maraming bagay. Mga circumstances, takbo ng panahon, lahat iyan. Yung isang tao hindi masasabi yun ang gusto ko. Lahat naman ng private gusto maging general, lahat ng janitor gusto maging CEO. Syempre, lahat naman ng tao may ambisyon. Eh pinakamataas na pwede mong abutin bilang pulitiko maging pangulo. Eh syempre, gusto ko namang maging matagumpay sa political career ko. So hindi ko sinasabi na araw araw gusto ko maging presidente hindi ko iniisip na ganun. Basta’t sabi ko ipagpapatuloy ko, nandito ako sa serbisyo publiko eh yun ang buhay ko. So hanggang maaari, syempre gusto kong mas maraming magawa para mas marami akong matulungan. Imbes na isang probinsya lamang, isang bayan lamang, eh national mas marami tayong magagawa. Syempre, lalo na pag frustrated ka na hindi maayos ayos ang problema eh madali lang aysuin iyan. Pero lahat ng pulitko kahit na pangkaraniwang mamayan, siguro kung presidente maayos ko lahat ng problemang ito. Pero as a practical matter, parang hindi yun kailangan magconcentrate sa trabaho mo. kung governor ka, isipin mo yung mga trabaho.

ME: So sinasabi mo focus.

BBM: Oo, kailangan mag focus.

ME: Mag focus para iboto ka sa eleksyon?

BBM: Ang lagi kong sinasabi, the best politics is performance dahil ang performance hindi makukuha sa iyo iyan. Kung meron ka talagang nagawa, kung marami ka talagang natulungan, kahit ano pang sabihin ng sino pa, totoo pa rin yun. Yun ang importante, kaya ang importante gawin mo ang trabaho mo at hayaan mo ang tao ang humusga.

ME: Okay. Yaman ng mga Marcos. Isang isyu na ke kandidato kayo ke hindi, kahit saan kayo magpunta, susundan kayo ng isyu na to. Parang anino to ng mga Marcos. Pag sinabing Marcos, mga kataga sa wikang Pilipino, tagong yaman, nakaw, hidden wealth. etc.

Alam ko natanong na ‘to ng ilang milyong beses may nagtanong na ba sa inyo ng ganito: Masasabi niyo ba ngayong umaga na walang ka kurap kurap ang mata niyo na lahat ng yaman ninyo ay sa legal na paraan nanggaling?

BBM: Wala na kung ano mang meron kami kahit na yung minana ng aking magulang kinuha na sa amin. Wala nang natira.

ME: Wala ba kayong kasong finile sa mga kumuha niyan sa inyo?

BBM: Hindi. Sila ang nag file sa amin. Syempre, nung nagsimula ’86, iyan nagsimula lahat, so 30 years na ‘to. So, maraming nag file ng kung anu-anong kaso. Pinaglaban namin yung iba, talo, yung iba panalo so ganun lang ang nangyari. Pero kung pag-aari ang pinaguusapan, ako masasagot ko yung sarili ko eh wala naman. Maliwanag naman mayroon namang SALN at maliwanag na maliwanag SALN ko kung mayroon man akong asset na yaman, maliwanag kung saan nanggaling, kaya’t hindi nanggagaling sa kahit na ano. Eh yung estate ng aking ama hanggang ngayon hindi pa nauumpisahan. Kaya’t kung mayroon mang mamanahin eh wala eh hindi pa nagumpisa yung proseso na yun. Yung ibang sinasabi na hidden wealth kung anu-ano eh nakasuhan na lahat iyan. Nasa korte yung ib. Yung iba natapos na. So ganun.

ME: Mayroon din pong nagsasabi na nagmamatigas kayo na ayaw niyong humingi ng paumanhin dahil nagkaroon ng Martial Law dito sa Pilipinas.

BBM: Hindi ko sinabi yun. Ang sagot ko ay kung mayroon man akong sinaktan, kung mayroon akong pagkakamali na nabigyan ng problema ang isang tao, mag aapologize ako. Ano ba naman yun. Kahit na sa trabaho, eh kung na ging decision ko it turns out mali, eh sorry, hindi iyan ang balak ko hindi iyan ang intention ko. Walang problema yun sa pag apologize.

ME: Eh dun sa nangyari sa panahon ng ama ninyo, wala rin kayong mag sorry?

BBM: Ako tanggap ko syempre. Lahat naman ng adminsitration, mayroon namang nasaktan, mayroon namang nahirapan, mayroon namang naiwan, mayroon syempre nangyari din yun sa ama ko. Yung tinatawag na closure na hinahanap nila, wala sa kamay ko yun. It’s not in my hands not to provide that closure.

ME: Nakanino?

BBM: Nasa korte, nasa proseso ng pulitika, kahit anong gawin ko, kahit anong sabihin ko hindi magbabago yan if the situation is like that, so in the same manner lahat ng pagkakamali, hindi rin ako pwede mag apologize. Eh sasabihin ko, I’m sorry sa pagkakamali sa nakaraang administration, eh hindi naman makakatulong yun. In other words, that closure that I know na hinahanap nila, wala sa kamay ko ‘yun.

ME: Eh kung mag sosorry kao may closure na daw yan eh, sorry lang.

BBM: Siguro iba yung pananaw ko sa ganyang klaseng situation.

ME: Pagkatpaos po ng tanong na ito ay magtatanong po yung ibat ibang himpilan namin sa probinsiya mabilis lang po iyan. Senador, yung pondo ninyong ginagamit sa kampanya, saan nanggagaling yan?

BBM: Syempre marami naman tayong supporter, mga kaibigan. Kagaya naman ng lahat. Tingnan mo yung bawat presidential candidate, hindi naman nila pera yun, pera ng mga kaibigan, pera ng supporter, pera ng gustong tumulong. Ganun din naman ako, pareho pareho naman tayong lahat. Oh wag nanating sabihing presidential, kahit sa baba, mga mayor, mga governor, nagpapatulong iyan sa mga kaibigan nila. Eh syempre alam naman natin napakamahal lalo na sa national election. Pero mayroon namang batas, may mga rules, na mag rereport ka kung anong nagastos mo at kung san nanggaling. Eh pang ilang araw palang ito.

ME: Pangatlo palang po.

BBM: Pangatlong araw pa lang eh hindi pa namin nasimulan yun. Hindi pa lumalabas.

ME: Akala ko hindi niyo pa nasisimulan kasi Ilokano kayo.

BBM: Kasama na din yun.

ME: Senador, yung isyu laban sa mga Marcos, anong ginagawa ninyo kapag anibersaryo ng EDSA? Kayo pamilya niyo, kaibang araw ba para sa inyo o wala lang?

BBM: Wala ang ginagawa namin, dito sa darating na Pebrero, anong gagawin mo sa EDSA celebration, mangangampanya ako, tuloy pa rin ang kampanya. Parang tuloy lang lahat ng nakaraan ganun din. Ipagpapatuloy lang.

ME: Handa ba kayong sabihin sa taong bayan ngayong umaga na kung kayo na nga ang susunod na magiging bise presidente ay hindi niyo pakikialaman ang mga kasong nakabinbin pa? Handa ba kayong ipangako sa taong bayan na hindi kayo makikialam?

BBM: Karamihan ng mga kaso wala na kaming abogado wala na kaming presentation. Tapos na yung iba, yung iba hindi na kami party. Halimbawa, basta yung ibang kaso hindi na nag aappeal, wala na kaming pinapadalang abogado dahil parte namin tapos na. So syempre kung may kaso kontra samin, halimbawa, may mag file ng bagong kaso, syempre we will defend ourselves. Hindi naman namin pababayaan na hindi nasasagutin.

ME: Pero bilang pangalawang pinakamataas na opisyal na gobyerno, na sa position kayo para mangimpulwensya ng mga nagaganap.

BBM: Mali iyan. Maling mali iyan.

ME: Mali ang ano? Ang gawin iyan o ang pananaw na iyan?

BBM: Pareho dahil na sa executive ka. Hindi iyan ang trabaho ng executive. Trabaho iyan ng mga judge, justice ng Supreme Court, ng korte.

ME: Yun ang dapat. Eh sa totoong buhay o sige po parang drama ‘to.

BBM: Ang magawa mo lang bilang isang tao eh wala kang magagawa kundi kumuha ng abogado at sabihing sagutin mo. Para malaman naman kung ano ang katotohanan. Yun lang ang magawa mo. Lalo na kung directly ikaw mismo ang kinasuhan, wala kang ibang magagawa. Dahil prinsipyo mo. Anong impluwensya ang magagawa mo?

ME: Yung ipagtanggol mo ang sarili mo ay nararapat lang yun?

BBM: Syempre.

ME: Iba yung magtanggol, iba yung mag impluwensya.

BBM: Kunwari pupuntahan ko yung isang judge sabihin, o pare ayusin mo na ito. Hindi pwede yun. Hindi maaaring gawin yun at mas lalo siguro hindi lamang labag sa batas, mas lalo kang masisira. Kapag nalaman, tingnan mo pinakialaman ‘to. Ako talaga ang kagaya ng nagiging kaso ngayon na sinasabi na tingnan mo lahat ng pangulo nakaraan, si Erap, si GMA, kinulong. ako kokontrahin ko iyan.

ME: Ang ano?

BBM: Iyang ganyang pagkulong ng nakaraang pangulo.

ME: Hindi niyo ipakukulong si PNoy?

BBM: Hindi ko ipakukulong kahit sino ang trabaho ng judiciary yan hindi trabaho ng executive department. Ang trabaho ng executive department ay isipin kung ano ang gagawin mo para mas gumanda ang buhay ng taong bayan. Ngayon, kung mayroong mag file ng kaso, iwan mo sa korte iyan, hindi naman ako abogado eh, hindi naman ako judge, kung judge ako syempre. Pero hindi eh. Nandito ako sa executive department. So maliwanag sa aking pag-iisip kung ano ang trabaho ng executive department. Hindi yung mag file ng kaso, hindi mag proprosecute ng kalaban whatever, kailangan talaga, maliwanag na maliwanag sa pag-iisip ko dahil nga yung training ko may mga problema kailangan mo bigyan ng solusyon. Kailangan ka magtrabaho para makita na may pagbabago na ginawa. Kaya tayo hinalal eh, kaya tayo nilalagay diyan. Hindi ba sabi ko sa iyo kanina pagka yung tao sinasabi, “iboto ninyo ako tumatakbo akong ganito”, ang talagang tanong kahit papaano ang pagsasabi, ang talagang tanong diyan, “anong maitutulong mo samin?” Kapag hinalal ka, ibig sabihin ang taong bayan, umaasa sa iyo na tumulong. At iyan ang gagawin mo. Hindi yung kung anu-ano pa. Yun ang dapat mong pag-isipan. Papaano ngayon ito sasabihin ang taas ng presyo ng bilihin, walang trabaho, daming mahirap, trapik, walang kuryente, all of those things yun dapat na bigyan ng attention. Pag gising mo hanggang bago ka matulog yun ang dapat mong iniisip. Eh yung ang trabaho mo kaya ka hinalal. That is the reason why people have elected you. And hindi mo naman pwede basta’t sasabihin na nandito na ako hindi ko na iisipin yung taong bayan. Eh sarili ko lang. Balik na naman tayo sa pamumulitika, kaya’t lagi kong sinasabi ang unang unang nating gagawin ay yung pagkakaisa muli. Hindi yung naghahanap ng away, hindi yung naghahanap ng gulo. Ang hinahanap ay yung solusyon para sa taong bayan.

ME: Kasama diyan yung mga bumabatikos sa inyo?

BBM: Eh syempre basta’t Pilipino.

ME: Klinaklaro ko lang kasi hindi na lang po pulitika yung pinag-uusapan natin dito. Ang pinag-uusapan na natin dito yung tinatawag na human nature. Eh kasi baka hindi maniwala yung mga nakikinig na hindi kami nasasaktan diyan sa mga batikos samin na iyan. wala samin iyan.

BBM: Pero hindi yan ang priority ko. Ang priority ko anong magawa ko para pagandahin ang buhay ng Pilipino. Iyan naman talaga ang trabaho kaya iyan ang unahin mo. Syempre, kapag may sumusulpot na problema na personal eh kailangan mo din bigyan ng attention pero ang buhay mo ay serbisyo publiko, hindi lumaban sa korte. Para sa akin, syempre may pulitika, may eleksyon, may kampanya kung minsan maiinit ang salita lalo na kapag malapit na. Pero dapat ang lagi kong siansabi kapag na proklama na ang mga panalo, kapag nakaupo na ang mga nanalo, isantabi na natin yung pulitika dahil walang naitutulong iyan sa taong bayan. Balikan na natin yun. Yun na nga kahit naging kalaban mo sa pulitika, dapat puntahan mo.

ME: Ano? ano? ano? excuse me? Dapat puntahan niyo? Pupuntahan niyo yung mga kalaban niyo sa pulitika?

BBM: Ang tanong sa akin kung minsan, anong una mong gagawin kung mahalal kang vice president, ang una kong gagawin pupuntahan ko yung presidente ko, sasabihin ko okay, andito na tayo anong kailangan mo sakin. Anong maitutulong ko sa mga programang naiisip mo?

ME: Kahit sinong maging presidente?”

BBM: Kahit sinong maging presidente iyan ang trabaho mo. Ang trabaho mo hindi makipag away.

ME: Kahit si Mar?

BBM: Kahit sino.

ME: Kahit si Binay? Si Duterte? Kay Miriam wala kang problema katambal niyo yun. Si Grace Poe, kapatid niyo daw?

BBM: Anong gagawin mo pag hindi mo kasama yung mananalo? Eh kung si Miriam di walang problema, si Junjun Binay, galing naman iyan sa norte eh, so natural ally kami. Si Mayor Digong, matagal ko nang kaibigan yan. Si Mar Roxas kaibigan ko din iyan, kababata ko iyan, tapos pinsan ng asawa ko. Tapos si Grace kapatid ko di walang problema.

ME: Ang sinasabi niyo sa amin ngayong umaga Senador, kahit sino maging presidente sa mga iyan at kayo ang bise presidente, kaya nyong makatrabaho?

BBM: Syempre, kailangan mong makahanap ng partnership. Anong gagawin mo? Lalabanan mo ng lalabanan?

ME: Hindi niyo gagawin ‘yun bilang bise presidente? Yun pa ang isang tinatanong ko sa mga umuupo diyan, anong klaseng magiging bise presidente kayo? Kung kayo na nga ba kahit sino man maging presidente.

BBM: Ako’y magiging partner ng magiging pangulo upang kami magtulungan para lahat ng programa na kinakailangan ng taong bayan ay ma implementa at makita natin yung mga problemang kinakaharap ng bawat mamamayan ay nasosolusyonan namin. Kagaya ng lagi kong sinasabi, hindi kayang ayusin ng isang tao kahit pangulo man siya hindi kayang ayusin ng isang ahensya ng pamahalaan, hindi kayang ayusin ng isang private sector lamang. Kailangan nating mag sama-sama, kailangan nating gumawa ng plano ipagkaisa muli ang Pilipino at sabay-sabay tumulong at nag iimplementa ang mga programa na hinahanap satin ng taong bayan. Iyan naman talaga, naliligaw kasi tayo kung minsan kung anu ano ang napapagusapan natin. Balik tayo dun sa fundamental. Ano ba dapat ang pag-usapan. Kaya binabalik ko sa tao, pagka kausap mo ang tao, ano ba talaga ano ba talaga? Na sa isang palengke ako minsan may lumapit sa akin teacher yata, sabi niya, Mr. Marcos, why will I vote for you? Yun naman ang tanong ng lahat. Why will I vote for you? Kahit iba ang pagkasabi, yun naman talaga. So, pinaliwanag ko, una, gusto ko ipagkaisa muli ang Pilipino, sa ganyang paraan, maabot natin ang progreso na hinahanap natin, kahit na may solusyon tayo sa problema kung hindi tayo nagkakaisa hindi natin magagawa iyang mga solusyon na iyan. Iyang pamumulitika, sobrang pulitika ay kaya tayo nagkaganito, dahil imbes na iniisip na kung ano ang dapat gawin, imbes na magbuo ng programa, imbes na gumawa ng pagbabago, ang iniisip ay pulitika.

ME: Alam niyo Senador, gusto ko sanang tanungin kayo, may detalyado na ba kayong programa, huwag na yung iba, iyan lang na sinasabi niyong gusto ninyong pagkaisahin ang lahat , meron na ba kayong detalyadong idea, o programa o tinatawag sa ingles na action plan?

BBM: Marami.

ME: Ano? Madaling sabihin ang pagkakaisa eh, ang tinatanong ng mga nakikinig, papaano gagawin ni Bongbong ‘to?

BBM: Depende. Tungkol saan? Sa naghihingalong agrikultura natin? Alam naman natin ang pangangailangan sa agrikultura, mayroomg statistic na nagulat ako na ang sinasabi, ang irrigated na lupa ng Pilipinas ay mas kakaunti ngayon kesa sa noong 1986.

ME: Hindi dahil sa el niño?

BBM: Hindi. Hindi. Irrigated area. Ibig sabihin yung tubig nating napabayaan, imbes na gumawa ng bago pati yung mga nasira, hindi naayos kaya tayo nagkakaganito. Wala tayong pautang wala tayong R&D, wala tayong suporta sa market research, ang agrikultura, maliit lang na bagay yung pagtatanim, ang kailangan ay suporta, ang mechanization. Tayo ang may pinakamahinang mechanization sa buong Asya.

ME: Okay. Agrikultura iyan. O, saan pa?

BBM: Ang tinatanong sa akin, kung bibigyan ka ng pagkakataon, na humawak ng department, ano ang hihingin mo. Hihingiin ko DOLE.

ME: Pag gawa? Labor? Bakit?

BBM: Isa pang napakalaking problema dito sa PIlipinas, trabaho. Sa nakikita ko, kaunti lang gagawin mo, marami ka nang pwedeng baguhin. Halimbawa, yung tinatawag na contractualization, yung 555, eh hindi tama yun, dapat binibigyan natin ng proteksyon ang ating manggagawa.

ME: So pro kayo sa contractualization?

BBM: Kontra sa batas iyan. Labag sa batas iyan, kung titingnan niyo ang labor code, hindi pwedeng gawin ‘yan.

ME: Hindi kayo susuportahan ng malalaking negosyante.

BBM: Eh wala tayong magagawa.

ME: Hindi ng industriya kundi ng contractualization.

BBM: ”Hindi naman ako nagtratrabaho para sa corporasyon. Nag tatrabaho ako para sa taong bayan. Para sa mga manggagawa. O, iyan unang una dapat ayusin iyan. Pangalawa, 90% ng empleyado ng Pilipinas, nasa private sector, kailangan maging partner ang private sector at public sector. Halimbawa, sasabihin yung training, magbigay ang gobyerno ng training, both diploma and non-diploma course na sasabihin sa private sector anong kailangan ninyo, ano magiging demand ng labor sa inyong pinaplano. Pati imprastraktura kailangan natin ayusin na gawin yung tinatawag na business driven infrastructure. Kung ano ba talaga ang pangagailangan para mapalaki natin ang ekonomiya kasi pag pinalaki mo ang ekonomiya, madadagdagan ang trabaho.”

ME: Kriminalidad?

BBM: Kriminalidad, malaking problema iyan. Alam ninyo nagulat kami.

ME: Isama mo na ang droga diyan.

BBM: Yung droga ang pinaka una ngayon. Ang problema, dahil dito 92% sa Metro Manila, apektado na. Ito yung bagong development na nakakatakot ay hindi lamang, akala natin urban areas ang problema ng droga, ngayon hindi na. Lahat ng tinatamaan, hanggang bukid ang drug problem.

ME: Hanggang bukid? Pati mga magsasaka bangag? Yung mga bata?

BBM: Kahit saan ka pumunta hindi lang mga siyudad, meron kang madadatnan diyan na nagbebenta ng droga. Unang una, kilala naman ng police yung mga malalaking drug lord. Eh tama na siguro panahon nang huliin natin, imbestigahan natin, kasuhan natin. Kailangan natin pagandahin ang koordinasyon sa ibang bansa. Dahil international na nagiging problema. Tapos sa aking pananaw, ang sagot sa problema sa droga ay hindi lamang pulis, hindi lamang PDEA, kailangan talaga lahat kasi kung pinagmamasdan ko. Tingnan mo ang Amerika. Ang Amerika ang ginagastos, the war against drugs, hindi milyong dolyar, hindi bilyon na dolyar. Ganun pa rin, malaki pa rin ang problema. Bakit kaya ganun? Pag pinag aaralan ko yung ibang bansa na hindi ganun kalala ang problema, nakikita ko matibay ang pamilya.

ME: Payag ba kayo sa parusang bitay?

BBM: Para sa mga drug addict o kung ano man? Mga drug lord ang pinag uusapan? Oo. Dahil ang kanilang ginagawa ang binibiktima nila mga kabaatan eh. Iyan ang talagang gusto nilang maging addict. Kayat dapat ang gawin natin, sinasabi ko, eh kapag ginawa mo yun eh lagi nating sinasabi na ang pag asa ng ating bayan ay ang kabataan eh winawasak nila ang pag-asa ng bayan. Hindi maliit na bagay. Pero hindi rin simple ang sagot. Kailangan kasama sa sagot diyan yung magulang, pati simbahan, mga guro, lahat na ng miyembro ng lipunan kailangan pagkaisahan lahat iyan dahil napakalaking problema niyan.

ME: Martial law? Batas militar? Paano masugpo ang krimen? Para sa sarili na karapatan.

BBM: Sa lagay ngayon at lalo na sa saligang batas, ang palagay ko ang sitwasyon ng Martial Law pag may gera.

ME: Magtatanong po ang iba’t-ibang dako ng Pilipinas. Mula sa lalawigan ng katambal ninyo. Sa lalawigan ni Senadora Miriam Defensor Santiago, sa Iloilo. Mula sa Super Radyo Iloilo magtatanong po si Jonathan Ilangare. Jon, maayong aga sa Iloilo.

Jonathan: Maraming salamat Mike. At kay Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, maayong aga Senator from Iloilo.

BBM: Salamat, maayong umaga.

Jonathan: Senator, sabi niyo po nagkandidato kayo bilang vice president dahil gusto niyong bumalik sa executive. Eh papaano iyan po nung una gusto ng ina niyo si former First Lady Imelda Romualdez Marcos, gusto niyang tumakbo kayong presidente. At alam din natin na kung walang ibibigay na trabaho ang presidente sa kanyang bise eh wala ka ring masyadong tratrabahuin sa ehecutibo. So why is it na hindi ka tumakbo nalang bilang pangulo nung pag file ng COC, Senator Marcos?

BBM: Maraming salamat. Eh, unang una tungkol sa mother ko, yung mother ko 3 years palang ako sinasabi kailangan kang maging presidente. Eh syempre nanay ko iyan eh. Kaya malaki at malawak ang ambisyon para sa akin. Ngayon, ang vice president ay hiwalay ang paghalal sa pangulo. Kaya’t yung position ng vice president, hindi umaasa lamang sa suporta sa boto ng binoboto ng pangulo. Kaya ibig sabihin iyang trabahong iyan, it is a separate position, na sa palagay ko nasa nakaupo na bise presidente kung ano ang gusto niyang gawin doon sa position na iyan. Maaaring gawin ng isang bise presidente, walang gawin, kung mag aantay ng, anong sabi ni Manong Ernie Maceda, eh mga vice eh nag aantay lang ng heart attack. Pwedeng matigok yung presidente. Parang sa sasakyan reserba, spare tire. Pero hindi naman ako papayag na ganun dahil hindi ako kung sakali man na ako’y maka upo, hindi ako hinalal at hinalal ka diya, balik nanaman tayo sa tinatanong ng mga tao, anong maitutulong mo? Depende syempre hindi mo malaman kung ano mangyarayari, kung san ka ilalagay, kung may ibibigay sayo o wala eh kahit papaano magagamit mo pa rin yung posisiyon na rin yun para mag trabaho, mag advocate, sa aking palagay marami ka paring magagawa.

Jonathan: My next question pertains sa kababayan ko dito, runningmate mo Senator Miriam Defensor Santiago. Napag-usapan na ba ninyo yung campaign sorties ninyo na magkasama kayo? And the second thing, hindi na siya nagsasama and that of course that continues to linger in the mind of the voters and as far as the true state of health ni Senator Santiago, Senator Marcos?

BBM: Well, nung opening day ng kampanya noong Martes, magkasama kami sa Ilocos Norte at doon kami ng start. At oo, napapagusapan na namin ang mga schedule, at syempre ang hilig ni Senator Miriam ay yung pumunta sa may eskwelahan, mga college, so mayroon na siyang schedule para diyan. At meron din kaming schedule na pinaplano na pumunta sa hometown niya na pupunta naman sa Iloilo. Dahil sabi niya napunta na ako sa Ilocos Norte, ikaw naman ang pumunta sa Iloilo. Doon naman tayo mag proklama. So, yung mga schedule ay tuloy tuloy at kagaya ng nabanggit ay natatanong ang kanyang kalusugan, ay sinasabi ko naman eh wala na akong ibang pwedeng paniwalaan kundi siya. Eh sabi naman niya eh kaya naman niya yung kampanya, so naniniwala ako sa kanya na kaya niya na mangampanya at kapag nahalal, kaya naman niya yung trabaho.

Jonathan: Iyan lang po from Iloilo, maraming salamat po Senator Ferdinand Marcos. Maayong aga.

ME: Thank you John at mula sa Visayas, magpunta tayo sa Mindanao, sa Davao, sa lungsod po ng pinamumunuan ng isang kandidato ng presidente. si Ruth Parotumanda ng Super Radyo Davao. Ruth, Maayong Buntag!

Ruth: Sir Mike, maayong buntag Senator Bongbong, good morning po, Senator, with Senator Miriam nasabi niyo or sinabi niyo na may ipagpapatuloy kayo na nasimulang programa noon ng ama niyo. Anong programa ito Senator? Even Mayor Duterte, all praises po sa programa ni President Marcos noon.

BBM: Ako, wala naman akong sinasabing ganun, ang sinasabi ko lagi ang kung ano man ang natutunan ko sa aking ama, ay hindi mga specific na programa. Ang natutunan ko nga eh yun na nga, dapat tayo eh mag serbisyo publiko, tayo’y magtrabaho ng husto at yung mga ganyang klaseng bagay, yun na nga yung nation building, at yun dapat ang ating iniisip. At dahil hindi naman siguro, may sarili din naman akong tao, hindi naman tama na sasabihin mo na kung ano ang ginawa noon kung hinalal natin, ay hindi. Kung ngayon, malaki ang pagbabago noong 1965. Mula noong 1969 noong siya’y nahalal. Kaya’t kailangan nating isipin ang mga bagong solusyon sa problema ngayon. Sa teknolohiya lang ay maraming pagbabago, saligang batas nagbago na. Ang global market place, iba na ang ekonomiya noon. Dati, isang bansa parang nagiisa lang. Ngayon global economy na. Kaya kailangan nating maunawaan kung ano ba talagang hinaharap nating sitwasyon at magdala ng bagong solusyon dahil bago ang mga problema na hinaharap. So syempre mayroong mga basics parin yan kagaya nang infrastructure development, ay kulang na kulang parin tayo, nabanggit ko kanina yung agrikultura, yung edukasyon kailangan balikan natin ang pagiisip na ang edukasyon ang pinakamahalagang maibibigay ng gobyerno sa taong bayan. Kailangan nating patibayin ang ating suporta sa mga guro, at pagandahin ang mga school rooms at libro na binibigay natin. Lahat iyan. Syempre, basics parin iyan. Pero halimbawa kung edukasyon hindi mo syempre mag iimprenta ng parehong libro na ginamit mo noon. Dahil iba na ngayon. So although the basic principle, ay pareho pa rin, mga adbokasiya, mga panindigan ay pareho p arin ang solusyon diyan ay iba na dahil iba na ang mundo.

Ruth: Okay, second question Senator Bongbong sir, may mga sektor kasi lalong lalo na dito sa Davao City na pinupursige, kinakampanya yung AlDub, yung mayor Duterte at Bongbong, I know you’re very much aware of this, etong AlDub, Alyansang Duterte – Bongbong. Bakit ganito na wala sa ang presidente niyo na si Senator Miriam. Napag usapan niyo ito Senator?

BBM: Hindi, hindi namin napag usapan basta’t lumitaw lang iyan dahil marami pa naman tayong supporters sa Davao at syempre suportado naman niya si Mayor Digong, at eh sinasabi nila dapat ipagsama yung dalawa. Eh na sa sa kanila yun. Syempre, pag sinusuportahan tayo ng tao, syempre tanggap natin yung suporta nila at ako’y nagpapasalamat na sila’y sumusuporta sa atin. Pero bawat botante kailangan mamili dahil nga yung aking nabanggit na hiwalay ang pag halal sa vice president at presidente, pwede nang mamili ang tao, yun ang theories nila. Kaya’t yun na ako’y nagpapasalamat sa suportang binibigay nila sa akin at kahit papaano iyan ay makakatulong sa aming kandidatura at yun na nga I’m grateful for their support.

ME: Well, ang katambal ni Mayor Duterte, kasama niyo sa Nacionalista, tatlo tatlo kayong Nacionalista. Tatlo sa pagka bise president.

BBM: Nagkataon.

ME: Tatlo sa pagkabise Presdiente?

BBM: Siguro nangyari din iyan dahil sa decision ni Senator Manny Villar as partido ay hindi mamimili ng official candidate. So, tatlo kaming tumakbo. Tatlo kaming independent pero miyembro ng Nacionalista. Iyan yung sinasabi ko, yung linya ng partido hindi na masyadong nasusunod at nagiging individual nalang ang kampanya.

Ruth: Kung kayo ni Mayor Duterte magsakasama, kasi ikaw anak ng isang diktador at si Mayor Duterte, lahat ng mga kriminal papatayin, ano ang magiging imahe o scenario ng bansa kung kayong dalawa, Senator?

BBM: Eh kung kaming dalawa eh ganun, pareho lang ang trato ko diyan sa kahit sino, yun na nga kagaya ng sabi kung siya’y nahalal at ako’y mahalal na pangalawang pangulo, eh syempre kailangang namin maghanap ng working relationship na magsama at kailangan namin pag usapan kung ano yung mga programa dapat na isasalang para makatulong at kung yun ang kanyang prinsipyo, yung kanyang mga sinasabi, kaya siya hinalal para gawin nya yun. Eh kung ano man ang maaari kong maitutulong eh di itutulong ko, pero ang pagpapatakbo ng isang pamahalaan bilang pangulo ay hindi lamang isang isyu. Ang pinag uusapan ay maraming maraming isyu. Ay kompikado ang lipunan, hindi mo pa masasabi na maayos mo ang problema sa may isang bagay lamang na ginawa. Kaya’t iyan ay isang bahagi na kailangan talagang kailangang bigyan ng pansin ngunit marami pang ibang problema na kasing lala ng krimen, ng droga na kailangang hanapan ng solusyon yan, na kailangang nating gawan ng programa para maging mas maayos ang problema ng tao.

ME: Ruth, maraming salamat!

Ruth: Salamat, sir Mike. Balik po sa inyo.

ME: Sa bagay, Senador yun pong drug lord, yun pong shabu, among other problems, hindi lang naman iyan ang problema. Wala naman sa kanila kung sino ang presidente, ang bise presidente, at ang itutuloy lang ang kalakalan hanggang hindi sila pinipigil kung sino ang dapat gumawa.

BBM: Kaya naman yun naman ang sinasabi ko, sapat na ang batas, sundan lang natin yung batas.

ME: Batas ha, hindi batas militar.

BBM: Batas, nakalagay sa batas. Bawal maging sindikato, bawal ma-involve sa ganyang klase ng trabaho, o di yung batas andyan na nga wala namang kailangang pagbabago para ma umpisahan natin ang problemang iyan.

ME: Talagang overtime na overtime na. Namromroblema na kami kasi dito po kaltas, salary deduction. Doble yung bayad sa satellite. Butch Maquinto ng R GMA Kalibo.

Butch: Maraming, maraming salamat, sir Mike.

ME: Good Morning, Butch.

Butch: Isa lang katanungan natin kay sir Bongbong, this is more of a follow up question sa tinanong kanina ng Iloilo, ni kasamang Jonathan, ang itatanong sana natin, mawalang galang nalang Senator, would you please be candid enough, be honest enough na i-report sa ating mga mamayan na nakikinig ngayon ang tunay na kondisyon ng kalusugan ni Senator Miriam Defensor Santiago?

BBM: Well, pakinggan lang natin yung kanyang pahayag, sinasabi niya na nag stage 4 siya, at mukha namang kaya naman niya yung umikot at syempre alalayan yung kanyang condition. Pero sa kampanya at kung nagkataon, at kung siya’y umupo bilang pangulo, kaya naman niya ang trabaho alam naman natin yun. At alam naman natin ang trabaho bilang pangulo, ay alam naman natin ang kakayahan ni Senator Miriam na maliwanag na maliwanag sakin na pag sinasabi niya na kaya niya yung trabaho, yung kampanya, eh iyan ang katotohanan.

Butch: Yun lang, salamat, sir Mike.

ME: Salamat at kumusta na din diyan sa Kalibo at sa buong Aklan pati na sa Boracay. Okay si May Uy ng Super Radyo Puerto Princesa, Palawan ang magtatanong. May, sobrang overtime na tayo, one question nalang, okay lang May?

May: Opo, good morning sir Mike, good morning Senator, sabi mo kanina bago na ngayon, bagong solusyon, bagong problema. Pero ano pa rin ang gusto mong gayahin sa pamamalakad ng tatay mo noon?

BBM: Yung aking nabanggit na lagi nating iniisip kung paano natin pagandahin ang Pilipinas, yung sinsabi ko ngang nation building, parang hindi na natin napapagusapan iyan, ay kailangan nating pag isipang mabuti kung ano ang magiging epekto na kailangan natin pagtibayin, mga institusyon, mga ahensya ng gobyerno, yung ating programa, lahat iyan ay dapat nakatutok iyan para pagandahin ang Pilipinas, para pagandahin ang ekonomiya, para pagandahin ang buhay ng tao, at again nation building, hindi naman maraming, maraming sektor ang lipunan, maraming iba’t ibang komplikasyon ang pagpapatakbo ng pamahalaan, kailangan sabay sabay nating tinutukan, mas napaganda natin ang Pilipinas, in every way possible.

ME: Heto may this country can be great again, na sa inyong yumaong ama?

BBM: Well, why not, eh kung talagang if this country can be great again, kailangan natin pabalikin, eh yung Pilipinas medyo naligaw nga tayo kaya’t kailangan nating ibalik na imbes na iniisip ang pulitika ay dapat isipin natin yung pagpapaganda ng Pilipinas.

ME: Maraming salamat May, pasensya na ang overtime na.

May: Opo sir , maraming salamat, back to you. Kumusta mo na lang kami diyan sa El Nido diyan sa Palawan.

ME: Mula sa Cebu, si Aljin Adakitab po ng DY Dumales, Super Radyo Cebu, Aljin, maayong buntag sa Sugbu.

Aljin: Maayong buntag Sir Mike, Maayong buntag din sa iyo, Senador Bongbong Marcos. Sabi niya parang iba. History will charge itself. Paano niyo titigilin yung huhusgahan ng kasaysayan ang mga Marcos pagdating ng tamang panahon?

BBM: Tama iyan, sang-ayon diyan, sa aking palagay, pag sinasabi sa akin ano sa palagay mo ang paghusga sa inyong ama, sabi ko pabayaan natin ang ating mga dalubhasa, ang mga proposyonal history, sila ang mag huhusga, eh ako malakas ang loob ko na mas magiging pantay ang pagtingin sa kanya at tignan natin kung ano ba talaga ang mangyayari, at kung ano ang nangyari noong panahon niya. at hindi yung mga nasasabi na mga kalaban. At kung hindi man iyan, kasama na din diyan yung sinasabi ng kanyang kakampi. Gawin nating objective ang pag huhusga sa kaysayan na kahit sino man na naging lider. At sa palagay ko darating din ang panahon na yang paghusga na iyan, na objective na paghusga at ang mga propesor ng history, mga nag aaral sa pamamaraan ng pangyayari, tungkol sa pamahalaan, at titingnan na lang kung ano ba talaga ang nangyari, ano ang pwedeng gawin ano pa talaga ang nagawa. Iyan ang pag babasehan. Ang sinasabi ko ay pati ako bias ako. Ama ko iyan eh. Mahal ko siya. Baka nga humahanga ako sa kanya. So, huwag niyo pakinggan yung akin. Huwag niyo pakinggan yung lumalaban sa kanya, pakinggan natin ang mga talagang mag aaral, mga academicians, na talagang aaralin nilang mabuti kung ano ang talagang nangyari kung mayroon ba siyang naitulong, mayroon ba siyang pagbabago na nadala sa Pilipinas.

ME: Jin?

Aljin: Salamat, sir.

ME: Salamat Jin, maayong buntag sa inyo diyan sa Cebu. Senador talagang overtime na, andami pang maitatanong. pero talagang parating kulang, o eto na po ang punto kung saan lahat po ang umuupo sa upuan nayan, binibigyan po namin na kausapin ang buong bansa, pati na po ang mga Pilipino, at Pilipino sa ibang bansa na nakikinig sa amin sa aming live audio streaming, sa aming iba’t ibang website at social media. O eto po live po eto real time na sa inyo na po ang pagkakataon, kausapin niyo ang taong bayan.

BBM: Maraming salamat Mike, at nais ko lang sabihin na ako’y nakiktungo naman na ang ating mga hinahanrap na problema ay mayroong solusyon. At sa galing ng Pilipino, ako’y nagtataka at nababahala at iniisip kung bakit hanggang ngayon sa dami ng mahuhusay na kababayan, bakit hindi pa natin maayos ang problemang ito. Problema nating pag usapan ang detalye sa problemang iyan ngunit sa aking palagay, ang unang hakbang para magkaroon ng progresibong Pilipinas ay ang pagkakaisa at sa akin pananaw, iyan ang tanging pananawi yan ang paraan upang maramdaman ulit ng sambayanan na pag mayroong pagbabago, mayroong pagpaganda, mayroon tayong binibigay at dinudulot na kahit kaunting ginhawa sa ating mamamayan. Kaya’t iyan ang aking adbokasiya, unahin ang pagkakaisa muli at sa pagkatayo ay magkasama na, nagmamahalan ulit at tayo’y nagkakaisa at nagtutulungan, ay sisimulan natin yang delatyadong pagaayos ng napakalawak na problema na hinaharap ng taong bayan.

ME: O, sige po marami pong salamat Senator Bongbong Marcos. Pakipaliwanag nga itong Bongbong into my heart, ano ba ito, doon sa website, eh alam niyo napansin ko sa inyo nung nag umpisa, tawa kayo ng tawa. Bongbong into my heart, sa website ninyo, may 3,000 na daw pong sumasali at ang mananalo dito iaanunsyo. At may promo pa, ito bay aprobado ng DTI? At ang mananalo daw ay i aanunsiyo. tapos ang premyo ay lunch date. Makaka lunch date. Babae ba eto o lalake?

BBM: Kahit sino.

ME: Ha? Kahit sino? Kahit lalaki pwede, eh ano lang naman iyan naman parang laro para sa Valentines. Eh hindi po biro makipag date sa Senador, na hindi lang kayo, kahit sino pang senador.

BBM: Eh kaya nga iyan ang premyo, yung mga supporter natin, eh sinasabi ko sa Facebook iyan eh magdala kayo ng maraming likes at mag friend sa atin at yung pinaka maraming naidala na makabagong kasama sa Facebook, ay kung sino ang pinakamaraming nadala ay siya ang panalo. Yun ang premyo.

ME: Paano kung ang pinakamaraming padala eh tiga Dubai? Ililipad niyo dito yun o kayo pupunta sa Dubai, para mag lunch? Eh kung tiga Texas na Pilipino, o tiga San Diego?

BBM: Hahanapan natin ng paraan.

ME: Paninindigan niyo, ha?

BBM: Syempre.

ME: Anong pag uusapan niyo sa lunch?

BBM: Wala. Depende kung ano gusto niya pag usapan. Yung gagawa niyan ay tumutulong na sa atin supporter eh magtatanong, ano plano niyo, ano gagawin mo.

ME: Isasama niyo ba ang misis niyo sa lunch? O hindi?

BBM: Maaring hindi na sa kanya naman na niya yun. Sinasabi ko eh sasama ko buong pamilya ko kung gusto niya.

ME: Kasi nakalagay date eh. Minsan pag date, ay hindi, wala pala. Nakalagay lang Bongbong into my Heart. Pero doon sa mechanics, mayroor yung salitang date, lunch date. Lunch date ang nakalagay.

BBM: Marami namang kahulugan ang date, hindi naman pwedeng one on one lang. kung minsan ibang mayroong kasama.

ME: Senador, nagpapasalamat po kami.

BBM: Maraming natutuwa diyan sa contest na ginawa naming, eh ako’y interisadong interisado makita na kung sinong mananalo.

ME: Mga kapuso ulit, si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Back to Blog