Interview with Martin Andanar of Radyo 5

Martin Andanar: Good morning po.

BBM: Magandang umaga. Thank you very much at magnadang umaga sa mga nakikinig. Good morning po.

Andanar: Si Martin Andanar po ito, sir. At tinatawag po namin si Erwin Tulfo at makasama siya sa kabilang linya. Pero ito po yung isyu ngayon, sir. Diyos ko po. Parang nakakatakot naman itong sinsasabi ng Comelec na kapag inimplement nila ang sinabi ng Korte Suprema na mamigay ng resibo doon sa mga botante na bumoto, baka hindi matuloy ang halalan. Ano po ang inyong reaksyon, sir?

BBM: Nakakatakot talaga. Tama yung nagamit mong salita. Kaming lahat nababahala kami pagka announce ng Comelec na may balak silang i-postpone ang halalan, na gawing manual ang halalan. Parang sinesetup tayong lahat para…Hindi ko naman maintindihan kung bakit sinasabi ito. Abogado naman si Chairman Bautista. Nasa Saligang Batas, maliwanag na maliwanag na second Monday of every May every three years ang national and local elections. Bukod pa roon, may batas na tayo na pinasa sa Kongreso na ang lahat ng halalan, national and local ay gagawin by electronic counting. Maaari sigurong palitan iyan. Kailangan an act of Congress. And only an act of Congress can repeal any law. Kaya nakakapagtaka kung bakit ginagawang option ito ng Comelec. Syempre, lahat kaming mga kandidato nababahala diyan.

Andanar: Sir, ito pong sinabi ni Chairman Bautista na kapag ito po’y pinatupad, kailangan po natin ng 13 seconds para ma imprenta ang isang resibo, 15 seconds po para basahin isang printout at ilang minute para maglagay ng bagong paper roll sa vote-counting machine. At sinsasabi ni Bautista na ang buong proseso po ay makakadagdag ng lima hanggang pitong oras sa voting time sa May 9. Unang tanong po, sir. Nakasaad po ba sa batas na kailangan yung voting within the day?

BBM: Hindi. Maaari yung voting hours pero nagawa na natin ito noon. Ilang beses na tayong napilitan, lalo na sa mga malalayong presinto, kahit tapos na yung botohan, may nakapila pa at sinasabi na matatapos ng alas tres, kaya inextend ng alas singko. Mayroon nag eextend ng alas siyete. Kaya hindi dahilan siguro na sinasabi na matatagalan. Kung talagang matatagalan, at wala na silang magawa, mayroon pang mag-aantay na bumoto. Pinag-extend sila. Pero kailangan ang halalan na May 9. Iyan ang nakalagay sa Saligang Batas. Hindi ko maisip kung papaano i-postpone ang halalan. Pangalawa diyan, maliwanag na maliwang sa Electronic Election Law na sinasabi na dapat na ang counting ay electronically. Hindi maaaring manually. Hindi natin kailangan bumalik. Sinasabi by an act of Congress. Hindi naman natin palitan. Naka-recess kami ngayon. Papaano papalitan ng Congress iyan? Papaano po sir kung talagang ipipilit nila na hindi pwedeng maimprenta itong resibo. Eh sinabi na nga ng Korte Suprema na you should print the receipts. What will happen?

BBM: Hindi ko na alam kasi sinasabi ng mga abogado na hindi sa sabatas iyan. Unless palitan ang batas, hindi nila maaaring gawin iyan. Kaya nababahala ang lahat ng mga kandidato. Baka may magic nangyayari. Hindi naman maaaring gawin yun.

Andanar: Sen. Marcos, kasi kahapon po, nag-iikot po kami ng asawa ko diyan sa may Alabang sa may mall at tinanong ako ng guwardiya kung bakit ayaw nila i-imprenta ang resibo eh para sa amin mga pangkaraniwang botante, gusto naming makita na talagang nabilang yung mga boto na kung sinuman yung binoto namin, nakalagay diyan at hindi mamamagic iyan. Hindi tuloy maiwasan na isipin na baka naman may HOCUS PCOS talaga.

BBM: Talagang nasisira yung kredibilidad ng halalan pagka ganyan ang kanilang ginagawa. Ang Comelec mismo ang hindi sumusunod sa election law. Nasa batas iyan at inorderan sila ng Supreme Court na mag provide ng resibo dahil nasa batas iyan ng electronic counting. Nasa batas na nakalagay diyan na sinasabi na bawat botante bigyan ng resibo. Na sa nakaraaag PCOS election, ay hindi nila ginawa. Pero siyempre, pinipilit namin dahil ito ang pinakamagandang safe guard sa bawat botante na may hawak siyang pruweba na sinasabi na ito ang boto ko. Kaya pagka lumabas sa final counting na iba yung resulta, pwede nang i-verify ngayon sa bawat tao na may resibo. Hindi lang dahil ginusto ng botante iyan, pero nasa batas na nga iyan. Kaya let’s follow the safe guards na nilagay diyan sa Automated Elections Law. Inorderan na sila ng Supreme Court. Paano nila isusunod iyan? Yung kanilang solusyon ay lumabag sa Saligang Batas, lumabag sa Election Code kaya nakakapagtaka…siyempre hindi mo maiiwasan na isipin kung ano kaya ang iniisip ng mga ito? Baka naman ibabalik sa manual. Alam naman natin kung ano ang nangyayari sa manual. Ang dapat nating isipin sino ang magkakaroon ng advantage ng Hocus PCOS kung tawagin? Siyempre hindi sa mga independent candidate tulad ko? Hindi siguro yung mga leading sa survey. Wala sa mga leading sa survey na sinasabi na palitan yung sistema. Kaya mahirap sabihin na pwedeng gawin ito. Hindi kami papayag diyan. Ako, gagawin ko ang lahat na labanan ang kanilang proposal. Una, sumunod sila sa Supreme Court order. Pangalawa, kailangan gawin sa tamang petsa, sa tamang araw, sa pangalawang Lunes ng Mayo at kailangan hindi manual. Kailangan gamitin ang PCOS sa pagbilang.

Andanar: Maiba po tayo, Sen. Marcos. Kasi po nabanggit niyo na sa mga leading candidates sila po talaga yung tatamaan. Lalo na yung mga leading opposition candidates tulad ninyo. Congratulations nga pala Sen. Bongbong Marcos na kayo po’y…

BBM: Maraming salamat. Kung maganda ang pagtakbo ng kampanya, bakit kailangan ang lahat ng itong mga pagbabago na labag sa batas? Nakakapagtaka nga kaya kailangan talagang tanungin ng mabuti ang Comelec kung ano ba talaga ang binabalak nila? Siguro naman alama naman ni Chairman Bautista iyan. Pagka bibitiw siya ng mga salitang ganyan, siya ang namumuno ng Comelec, lahat ng mga voters ay sinasabi baka nga walang saysay yung aming boto at iba ang gagawin ninyo. Pagka ganyan ang nangyari, malaking gulo masyado iyan.

Andanar: Ano po ang reaksyo ninyo Sen. Bongbong Marcos matapos pong ibato ang lahat ng putik sa inyo ng Yellow Army nung panahon ng pag-celebrate, pag-commemorate ng EDSA? Lahat na lang binato sa inyo at mayroon pang nagpapa advertise sa mga dyaryo ng mga one whole page, mayroon pang mga press conference, kaliwa, kanan, pero after that sir namamayagpag pa rin kayo sa rating. Ano po ang reaksyon ninyo, sir?

BBM: Unang-una ang reaksyon ko sa mga nagbabatikos sa akin ay sinasabi ko na lahat naman ng mga kandidato ay may opposition. Wala pa siguro tayong nakita na kandidato na 100% ang boto. Kaya para sa akin, kasama iyan sa proseso ng kampanya, kasama iyan sa proseso ng pulitik. Naiba lang ang isyu na binabato sa akin, pero sa akin naman, pakiramdam ko, ako naman nasa labas at umiikot, nangangampanya at kausap ang taumbayan, at nakikita ko naman na tanggap pa rin ang mensahe ko at lahat ng aking sinsasabi ay tinatanggap ng taumbayan. Na ang unang-unang dapat natin gawin ay magkaisa ang sambayanan para mapagsama-sama natin ang galing, ang talino ng Pilipino. At ito’y para sa pagsulong ng bansa at pagtulong sa buhay ng taumbayan. At iyan ang aking mensahe. At sa aking palagay, naunawaan ng Pilipino kaagad iyan. Nasa ugali natin ang magsama-sama at magtulungan. Kaya kahit na mayroon akong opposition, mayroon din namang sumusuporta at nauunawaan ang aking layunin para sa akin. Lahat ay kababayan.

Andanar: Sen. Bongbong, lahat ay gagawin ng administrasyon para matalo kayo at sinabi nga ni Malou Tiquia a few weeks back kung kailangan nilang i-junk ng Liberal Party si Leni Robredo, gagawin ho nila para lang matalo kayo.

BBM: I don’t know at hindi naman nila ako kandidato. Nababago ang mga political strategies na yun. Kaya naman pagka ganyan na mga salita ng administrasyon, pagkatapos ang Comelec papalitan ang rules tungkol sa halalan. Siyempre, sino ba namang ang hindi mag-iisip na mga pinaplanong hindi maganda? Kung sinu-sino man iyan.

Andanar: Ako po’y saksi doon sa opening ng inyong headquarters, Sen. Bongbong at napansin ko napa-organized niyo po. Napansin ko inyong organisasyon ay pang-presidente na. Pero ang tanong ko po, sir. Gaano po kahirap tumakbo as vice president mag-isa?

BBM: Unang-una, hindi ako tumatakbo mag-isa. Ka-tandem ko si Sen. Miriam. Pero tama ka in a sense dahil tumakbo ako as an independent. Nagbago na rin ang proseso natin sa halalan both local and national. Dito sa halalan na ito, ay hindi masyadong nararamdaman ang makinarya ng partido. Ibig sabihin ay dati sinasabi ng iba “Nacionalista kami dito, Liberal kami dito…” Pero ngayon tinitingnan ng botante ay hindi na yung party affiliation kundi pinag-aaralan ang bawat individual kandidato at yung party structure sa pagpipili ng mga bumoboto. Kaya itong multi-party system nawawala ang importansya ng partido kaya everyone ay pinag-aaralan ang kanilang record ang kanilang performance ng kanilang mga plataporma individually. Kaya bagong development sa political process pero ganun ang naging pagbabago na nararamdaman namin sa halalang ito.

Andanar: Maraming salamat po sa inyong panahon, Sen. Bongbong Marcos. Good luck po sa kampanya niyo, Sen.

BBM: Maraming, maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.

Back to Blog