Interview with Leo Lastimosa of DYAB for the program “Arangkada”

Senator Bongbong Marcos: Magandang umaga po sa inyong lahat. Good morning Leo at magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig.

Leo Lastimosa: Senator Marcos, the Chinese President has confirmed his attendance in the APEC Summit diyan sa National Capital Region, 2 weeks after the UN ruled na may jurisdiction sila doon sa kasong sinampa ng Pilipinas laban sa activities ng China sa South China Sea. Of course, hindi ma-discuss itong issue na ito sa APEC dahil purely economic ang summit nila. Pero may mga panawagan sila, Senator Marcos na ang mga national candidates like you should take a start. Ipagpatuloy ba natin ang claim sa Spratlys or should we pursue this case sa UN or would we pursue a more friendly and diplomatic avenue?

SBBM: I think dapat ipagpatuloy natin iyung ating sinimulang adjudication sa UN dahil maliwanag naman na ang pagkakataon na ito ay is an opportunity for the Philippines to make its case in an objective forum. It is a good development sa Pilipinas na tinanggap ang kaso ng UN adjudication. Ngayon, I think that to come up with a more interactive approach to the problem that we have in the West Philippine Sea, I think we should take every opportunity to talk to the Chinese, be it formally, be it informally, we have to try and find a solution. This will not solve its self. We have to come up with a solution between the Chinese and the Philippines. Ang magandang development ngayon nito is that may panawagan na ang China na makipag-usap on the basis of International Law. Dahil noong nakaraan, ang sinasabi nila basta iyung kanilang “9 dash”, basta’t iyun ang susundan. Tayo naman ay sinasabi natin, kailangan sundan natin ang UNCLOS or iyung International Law. For the first time ay pumayag iyung China na pag-usapan within the framework of International Law. I think that we should take this opportunity and bring up the subject at every chance that we can. Hindi natin maaayos ito hangga’t makahanap ng solusyon sa gitna ng Pilipinas at saka ng China. Siguro para hindi masyadong kumplikado, umpisahan natin doon sa ano ang gagawin natin sa ating mga fishermen. Dahil noong nakaraan, wala namang problema between Chinese fishermen and Filipino fishermen. Sila’y nagsasama, sila’y nag-uusap, pagka nagpapahinga sila’y kumakain ng sabay bago ituloy ang kanilang pangingisda. Ngayon ay hindi na ganoon. So, maybe we can begin with what they call, preliminary confidence building steps. Kung maaari natin gawan ng solusyon, bibigyan natin ng solusyon ang ating mga mangingisda. It will be a first step towards a good solution to this problem that we have.

LL: Senator Marcos, ano ba ang reaksyon mo Sir sa tingin ng mga ordinaryong Pilipino like us na binully tayo ng Tsina, so puede rin magpatulong tayo sa another bully, ang United States?

SBBM: Well, they have super powers daw. They are super powers that are, we do not know, malalapit iyan. Ang China is only a few hundred kilometers away. The American presence has been here since the century before. What we have to continue to remember is hindi naman tayo papanig. Sinasabi, we are siding with China, we are siding with the United States. Dapat natin laging isipin is kung ano ano ang pinakamaganda para sa Pilipinas. Hindi simple ang sagot diyan sa tanong na iyan. Dahil very delicate balance ang dapat ma-achieve ng Pilipinas between nga all of these very great forces na nakapaligid sa atin, nataon na tayo dito sa Pilipinas, very strategic ang ating location. Kaya’t importante sa lahat ng sino mang super power na maging friendly at magkaroon ng magkaroon ng kaibigan dito sa West Philippine Sea. I think the role that the Philippines should play should be a more balanced one. Huwag natin isipin maka-Tsina ako o maka-America ako. Ang titignan natin, kung ano ang ikabubuti para sa Pilipinas. It will be a delicate balance that we will have to achieve. Pero iyan ang kailangan nating gawin.

LL: Senator Marcos, if we agree na mag bilateral talks tayo with China. Will that not weaken our case sa UN?

SBBM: I don’t think so. As long as it is shown or can be seen na ito ay sincere effort para ayusin ang problema. Hindi naman natin basta’t puedeng pabayaan itong problemang ito… nagiging development sa UN adjudication, ngunit marami pa tayong maaaring gawin. Kaya’t dapat lahat ng kaya natin gawin ay gawin natin. The case that we have before the UN right now, hindi magbabago iyan. The case is based upon International Law. The case is based on International Treaties that have been signed by centuries ago. Ito lahat ay maliwanag na maliwanag kun bakit tama ang Pilipinas na atin naman talaga iyung Spratlys. Atin naman talaga iyung mga iba’t-ibang contested na areas. Ito ay hindi magbabago kung kausapin pa natin ang China o hindi, hindi magbabago iyan. At the same time, may mga practical problems kagaya ng mga fishermen natin. Nakakaawa sila. Nawawalan sila ng hanapbuhay. Hindi nila malaman kung ano ang dapat nilang gawin, kung papasok o hindi, kung ano ang sitwasyon nila. So, we have to solve those problems if only for our own citizens na magkaroon ulit na mapayapa na ang kanilang paghahanapbuhay. There are things that need to be attended to and again, the case will stay the same. Iyung magiging husga ng UN adjudication ay titignan naman nila. Hindi magbabago ang kanilang tingin kapag nakikipag-usap tayo sa Tsina. Palagay ko matibay-tibay naman ang ating kaso. But at the same time, kung minsan matagal ang nagiging resulta. Kaya’t baka iyung ating mga fishermen, iyung ating mga negosyante, ay hindi na makapag-antay. So, we have to find solutions before the UN adjudicates and makes a decision and that decision is implemented.

LL: Senator Marcos, with 6 months to go before the May elections, confident pa rin ang Aquino administration na mapasa, maisabatas ang Bangsamoro Basic Law. Ano ang chances nito sa Senado?

SBBM: Palagay ko, basta ang critical issue dito, basta’t maging maganda ang version, maging maayos iyung version. Basta’t nasa lugar na tayo na maayos na iyung version na ating tinatalakay, palagay ko naman ay iboboto iyan ng ating mga Senador. It is just a question (?) that the bill that we passed, the Basic Law that will be passed. Will kung ito’y tumutugon doon sa problema

LL: … creates a war, pag hindi mapasa ang BBL? Is this an encouraging time?

SBBM: That is a very encouraging development. It is a statement that I fully agree with. Wala talagang option kung hindi ang kapayapaan. Hindi natin maaaring ipagpatuloy itong mga laban na ito and I think kaya’t masasabi ko nga na umaasa ako na mapasa ito dahil maliwanag sa akin na magkabilang panig, the side of the MILF, the side of the Philippine government are sincere in looking for peace. Kaya tapat ang aking paniniwala na ang ating mga kausap na mga negotiator, mga leadership ng MILF ay talagang ninanais ang kapayapaan. I know the the government side feels the same way and with that kind of sincerity on both sides of the table, why not? I think that there is a good chance. Maganda ang pag-asa na magkakaroon na ng kapayapaan sa Muslim Mindanao.

LL: Senator Marcos, ikaw ang isa sa mga main authors sa SK Reform Bill. Napasa na sa Bicameral Conference Committee. Could you brief our youth leaders and our listeners, ano ang mga main features ng reform bill ninyo?

SBBM: Well oo nga. We are very na napasa iyung ating SK Reform Bill. Tapos na. Antayin na lang natin ang ratification sa House at ang pirma ng Pangulo. Ang pag gawa ko dito, I think one of the main changes is the age range. Ang ginawa natin ay lahat ng kabataan na kasama sa youth movement o kasama dito sa pagboto sa SK, ay tinatawag naming, “Katipunan ng Kabataan”. Ang “Katipunan ng Kabataan” ngayon ang edad ng mga miyembro ay mula 15 hanggang 30 years old. Kaya’t pinalawak natin ang range ng mga kabataan dito sa Pilipinas. Tapos all 15 to 30 years old, will be qualified to vote for SK officials. The other feature is that, it will be only members who are 18 to 24 who can be elected as SK official. So iyun ang one of the big changes na ginawa namin sa SK Reform Bill. Ang isang feature ng SK Reform Bill, ay isang napakabagsik na anti-dynasty provision. Iyung anti-dynasty provision is that we are disallowing any relative to the second degree of consanguinity by affinity or by blood, a consanguinity with an elected official to run for SK within their political subdivision. Ibig sabihin, kung anak, asawa, ng isang opisyal, ng elected official, ay hindi maaaring tumakbo ng SK official doon sa lugar kung saan may posisyon ang kanilang kamag-anak. So, halimbawa, kung nagkaroon ng barangay captain sa isang barangay sa Cebu, hindi maaari iyung anak niya na tumakbo doon sa barangay ng kanyang ama or ng kanyang ina. Pero puede siya sa ibang lugar. Puede siya lumipat halimbawa, pumunta sa Bohol, dito sa Quezon City. Puede siya tumakbo doon. But, within the politcal subdivisión where they have a relative in an elected position, hindi papayagan na tumakbo. This is to open up the opportunities dahil maraming mga bata nagsasabi, anak ng mayor iyan, anak ng barangay captain natin, huwag na natin labanan niyan, wala tayong ipanglalaban diyan. Kaya maraming umaatras. Let us remove that hesitation. Maglagay tayo ng pondo para mas malaki ang pondo na mahawakan ng mga kabataan para naman mayroon silang pagkakataon na ipakita ang kanilang mga new ideas, iyung kanilang new programs, new initiatives. Iyung training program, iyun pa rin ang isang pinka-importante na nakikita natin kaya’t ipinagtibay ng mabuti para alam ng mabuti ng ating mga SK officials kung ano ang kanilang trabaho. So, we are on course for the barangay elections for October of next year.

LL: So, hopefully Senator Marcos, itong anti-dynasty provision na naisingit ninyo, maganda ang resulta nito at posibleng maisingit na rin ito sa general elections sa upcoming?

SBBM: Well, tignan natin kasi siguro ito na yata para sainyo, ito na yata ang pinaka-una na talagang tunay na anti-dynasty provision sa kahit na ano mang batas so far. Iyung anti-dynasty bill hindi pa natatapos sa House of Representatives kaya’t we are quite proud na nailagay natin ito, naipasa natin ito. At least we have the beginnings of an anti-dynasty provision in one of our laws. The very important one in the SK Reform Bill. Baka ito na iyung simula sa pag-implementa ng (?) na binibigay sa atin na magkaroon ng anti-dynasty mechanisms.

LL: Senator Marcos, significant ito Sir. Ma-eexpand ang membership ng SK, kung makabot ang 15 to 30 years old.

SBBM: Malaki bagay iyun dahil isa sa mga nirereklamo sa SK is that to 15 to 17, lahat sila ay nasa eskwelahan pa. Hindi naman natin sasabihin sa kanila na huwag silang papasok. So, at saka hindi lamang iyun. At the age of majority, hindi makapirma ng dokumento, hindi maka appear sa Senado. Kaya’t tinignan namin kung ano iyung mga iba’t-ibang option. Pinag-aralan natin ang mga ibang bansa. Pinag-aralan natin sa UN kung ano ang definition nila ng”youth”. More or less ang karamihan ay hanggang trenta anyos. Mayroon pang 35, pero that’s unusual now. Most candidates up to 30 years old. So, kaya’t sinundan natin para rin maging madali ang pag-uugnay, pag kooperasyon sa ibang bansa when it comes to the youth movement- masama tayo sa mga programa ng UN dahil maliwanag pag sinasabing “youth”, pareho iyung tinutkoy natin doon sa kanilang tinutukoy. So, it just puts us within the same framework as other countries and with the international community. It attends to the problems na naipakita. Iyun na nga, pag masyadong bata ay dapat unahin nila ang kanilang mga pag-aaral. I think that we have achieved that.

LL: Senator Marcos, boto ka ba sa Salary Standardization Law?

SBBM: Palagay ko dapat ginawa iyan at I think we have to look at kung ano ba talaga ang nagiging sitwasyon dito sa hinaharap ng mga iba’t-ibang sector ng ating mga manggagawa, especially and of course the government sector which we are all very concerned with. I think hindi naman siguro dapat iyung mga random increase na hindi napag-aaralan ng mabuti. Tignan natin kung ano ba talaga ang pangangailangan ng ating mga manggagawa. How much? Magkano ang kanilang kailangan para maipakain ang kanilang pamilya? Magkano ang kanilang kailangan para mapaaral nila ang kanilang mga anak? Para makapagbayad doon sa mga kailangan nilang bayaran. Iyung pag-arkila nila ng kotse, iyung rent nila, iyung lahat ng mga iba’t-ibang costs na hinaharap ng ating mga manggagawa. Tignan natin iyun and we should adjust our compensation plan to the actual needs on the jobs of our people. Kailangan talagang mapag-aralan iyan ulit dahil karamihan sa ating mga ginawang mga kategorya ay matagal ng ginawa iyan. More than 20 years. So, kailangan tignan ulit. Ibagay natin doon sa talagang pangangailangan ng ating mga workers.

LL: Senator Marcos, medyo nasuya ang mga trabahante sa private sector kasi kayo mismo sa Kongreso ang nagreview or magpasa ng batas para sa standardization ng sahod ng mga government workers. Kailan niyo daw ireview ang trabaho ng mga Regional Wage Boards, para macorrect naman ang malaking disparity ng sweldo sa private sector sa iba’t-ibang rehiyon?

SBBM: Well, I think marami tayong pagkukulang. Hindi lamang diyan, kung hindi sa mga proteksyon para sa mga manggagawa. Ang mga umuugong na issue, bukod pa diyan, ay tungkol nga sa pinag-uusapan na ‘End of Contract” o “contractualization” na ginagawa ng mga malalaking korporasyon. Despite the fact na marami ng kasong ipinanalo ng labor na sinasabing hindi dapat masundan iyung ganoong klaseng practice. Ginagawang unemployed after months. Para hindi kailangan magbayad ng benepisyo. All of these kinds of loop holes, that it has been judged, are not supposed to be allowed. Dapat ang pamahalaan ay magbigay ng mas malakas na suporta at mas magagandang proteksyon sa ating mga manggagawa para naman hindi sila ma-exploit at ivictimize ng ganyang klaseng sistema. The private sector has to, kailangan ay sundan nila is the law of supply and demand. The problem is napaka kulang ng trabaho dito sa ating bansa. Kitang-kita naman iyan sa dami ng ating mga OFW. Sa palagay ko, bigyan natin ng mas magandang mga programa, ng training, ng paghahanda ng ating mga manggagawa, para makapagcompete sila ng mabuti sa labor market both in the skilled and the unskilled sector, even the professionals, give them a better chance na makapagcompete sa labor market, not only here in the Philippines, but also abroad. Tapos, kailangan din natin bigyan ng mekanismo na maramdaman hanggang sa baba iyang pagyayaman na iyan dahil sa kasalukuyan hindi naman nararamdaman ng lahat. We have to do a better job of bringing those games in our economy. Not only to the big corporations, hindi lamang sa mga mayayaman, kung hindi sa lahat ng mamamayang Pilipino. I think that is the job that the next administration will have to face and will have to find solutions for.

LL: Senator Marcos, ano pong reaskyon mo sa warning ni Senator Enrile, na hindi sustainable itong naaprubahan sa Senado na 2000 peso across the board increase sa pension ng SSS at posibleng mabankrupt ang SSS?

SBBM: Palagay ko kaya naman ng SSS but iyung mga ganyang klaseng flat rate, parang it is a form again of transfer payment. It’s not sustainable in the sense that papaano iyan? Walang pinagbasihan iyung number na 2000. Iba-iba naman ang pangangailangan ng mga trabahador na iyan. We cannot be just handing out money every so often at ramdon. Kailangan natin, as I said, tignan ng mabuti kung ano ba ang tunay na pangangailangan ng ating mga manggagawa. We have to adjust our compensation scheme accordingly. Hindi pwede iyung shotgun approach o basta’t lahat ganito. Hindi maaaring ganoon. So, we really have to look in more detail at pag-aralan ng mas mabuti kung ano ba talaga ang pangangailangan at ibigay natin sa kanila kung ano ang maibibigay natin para tumulong.

LL: Senator Marcos, seryoso ka ba talaga magpapa-DNA para kay Senator Grace Poe?

SBBM: Well, tinatanong ng marami kung handa ako. Handa naman ako. Kung makakatulong ako, bakit hindi? Wala naman tayong itinatago diyan sa DNA na iyan. So, why not? If it can help her, if she’ll ask me, I will do it.

LL: Pero di’ba sabi mo, mas gusto mo iyung urban legend na magkakapatid kayo?

SBBM: … Again, bilang kaibigan at muntik ko ng sabihin bilang kapatid, ang maaari kong gawin para tumulong naman sakanya.

LL: Senator Marcos, ano bang real story doon kay Duterte? What held him back? Bakit hindi siya natuloy?

SBBM: Hindi natin malalaman. Ang alam lang natin iyung kanyang sinasabi na hindi siya interesado. Tiga-Davao siya, gusto niya doon manatili sa Davao. We can of course, pwede tayo magspeculate, sabihin ang dahilan ay ganito, pero ito’y spekulasyon lamang. Mayroon nanamang headline kahapon na pwede pa rin siya tumakbo kaya’t tuloy-tuloy pa rin ang spekulasyon na iyan. But ako naman ay nakakausap ko si Mayor Duterte, at mula noong simula noong una ko siyang tinanong, ilang buwan na iyun, sinasabi niya ay hindi naman siya interesado, hindi siya tatakbo, kaya’t para sa akin, consistent naman siya. As far as kaming dalawa ang nag-uusap, ngunit syempre, nakikita natin madaming mga spekulasyon kung tatakbo o hindi tatakbo. Sasabihin niya hindi siya tatakbo, may iba siyang sasabihin, hindi tutuloy pa iyan. So, iyun ang kalse na dapat abangan ang susunod na kabataan.

LL: Senator Marcos, ano ang arrangement niyo ni Senator Miriam Defensor Santiago? Will you campaign together or separate lang?

SBBM: Well, I think separate but I’m sure magkakaroon kami ng appearances na magkasama. Para makapagcover nga kami ng mas malaking Pilipinas and we have to cover as much ground as possible. So ngayon, iyan an gaming pinag-uusapan. Kung ano ba talaga ang scheduling. Kung ano baa ng pinaka magandang sistema ng pagkampanya. That way titignan natin kung how we can cover the most ground para naman Makita kami ng many people as possible. So, those are the details that we are ironing out right now.

LL: But will she campaign in Cebu and in other areas outside Manila?

SBBM: It’s not yet clear. She’s made some schedules around Manila so far. Pero it’s only in the next few weeks. So, kung ano iyung gagawin sa actual na campaign ay hindi pa nadecide but of course, we will make it known sa lahat the moment na alam na namin.

LL: Senator Marcos daghang salamat Sir. Imong mensahe para sa atong mga taga Visayas at Mindanao?

SBBM: Thank you very much at maraming salamat at nabigyan ako ng pagkakataon ulit na makipag-usapa sa inyong lahat tungkol dito sa mga issue natin. Ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aral sa ating mga magiging kandidato sa darating na halalan para makapili kayo ng sino man ang talagang tutulong sa ating mga mamamayan, kung sino man ang may plano at magandang vision para sa ating bansa. Maraming, maraming salamat at magandang umaga po sa inyong lahat.

LL: Daghang salamat, Senator Bongbong Marcos.

Back to Blog