Interview with Leo Lastimosa, ABS-CBN Cebu “Tubag!”

Leo Lastimosa: Senator Marcos, ano po ang latest sa public hearing na ginawa ng committee tungkol sa Bangsamoro Basic Law?

Sen. Bongbong: Ang pinaka latest na ginawa ng hearing nung nakaraang martes ay naimbitahan naming yung peace council na bumuo ng pangulo at para masabi sa amin kung ano ang kanilang mga cognition doon sa kanilang pag aaral tungkol sa Bangsamoro Basic Law. At kami man ay nagulat dahil ang unang report na ang kanilang report ay nagsabi na overwhelmingly acceptable ang BBL. Pero nung nakausap na namin sila, marami silang sina-suggest na lalo na sa constitutional issues, si chief justice Davide ay maraming suggestions sa iba’t ibang probisyon na dapat palitan para nga yung sinasabing constitutional impelments ay maayos. Pero bukod pa doon, (…) yung ibang clusters na hindi siya constitutional, ay marami silang suggestion pero hindi specific.

Maraming areas na sinasabing kailangan iliwanag dahil hindi maliwanag sa ngayon o kulang ang detalye doon sa pagsulat na ‘yon sa BBL kaya’t ito ngayon ang aming ginawang trabaho kaya’t kami sa kongreso ay sinabi naman namin na mabuti naman at naunawaan din kahit yung peace council ay sinasabi na kailangan ng pagbabago at kailangan palitan yung mga ibang probisyon at mabuti nang ganoon dahil sila’y sang ayon sa aming pag iisip sa kongreso na hindi pa tapos ang BBL noong binigay sa amin. Marami pang iba’t ibang bagay na hindi na nga ipinaliwanag ng mabuti. Tapos yung sinasabi nga ni Chief Davide na may constitutional impelment, mayroon naman silang suggestion na aayusin. So yun ang last na aming ginawa na hearing. Next week tutuloy na kami sa south kasi may hearing sa Jolo, may hearing sa Zamboanga. Pagkatapos noon mayroon pang isang hearing para sa MNLF dahil kami ay nakipag meeting sa secretary general ng OIC (…). Ang sabi nila dahil ang kaugnay nila sa unang tanong nga ay ang MNLF at tinatanong nga nila kung “Ano ngayon? Papaano ngayon ang mangyayari doon sa Jakarta agreement between the Philippine Government at saka ng MNLF na nilagdaan noong 1996?” kaya’t ito’y kailangan nating pag aralan dahil nandyan ang mga agreement na yan at hindi natin basta ibabalewala at kaya’t ito’y kung papaano ang magiging relasyon ng magiging Bangsamoro Government at yung sa agreement na napirmahan noong panahon ni pangulong Ramos noong 1996. So ang susunod na doon, ay ang hiningi na hearing ng mga IPs at saka ng mga sultanate dahil ang mga IPs ay nag aalala at sinasabi na kailangan maging mas maliwanag ang magiging karapatan nila pag ka nabuo na ang Bangsamoro territory. Ang mga sultanates naman ay marami rin gustong sabihin sa amin dahil hindi ata sila na konsulta doon sa negosasyon ng OPAC at saka ng MILF. Mayroon kaming isa o dalawa pang ibang grupo na gustong magsalita so palagay ko by May 25, matatapos na ang mga hearing naming at pag ka natapos namin ang hearing na iyon ay kailangan na naming isulat kung ano yung papalitan namin doon sa draft BBL at ang ipepresenta sa senado.

Lastimosa: Makakahabol ba sa June na tentative deadline?

Sen. Bongbong: Well ang last day of session ng kongreso ay June 10. So kung matapos kami ng May 25, siguro kayang tapusin yung pagsulat ng committee report pero alam ko na maraming debate pa sa floor so titignan natin hindi ko man masabi kung gaano katagal ang magiging debate sa floor ng senado at pag kausap ko ang aking mga kapwa senador ay marami silang gustong itanong so siguro at least by that time ay mayroon na tayong hawak na committee report na pwede nang pag aralan ng ating mga senador at para maging mas makabuluhan yung aming magiging debate. Yung sa constitutional marami pa talagang kailangang tignan. Yung tinatawag na (…) of powers ng constitution na mabilis tayong kukuha ng sariling COA, ng sariling COMELEC, at ng sariling Civil Service. Eh yung tatlong constitutional bodies na hindi mo pwedeng bawasan ang kanilang function at saka ng kanilang (…) kaya’t kailangan ay gagawin natin basta’t sumailalim ito sa Central Government at yung COA sa Bangsamoro Territory ay kailangan ay isang bahagi lamang ng COA na ang head office ay nasa Maynila. Ganun din ang Civil Service dahil kung maaalala ninyo, ang Bangsamoro Basic Law ay inaabolish yung hindi maliwanag kung anong mangyayari doon sa civil servant na nagtatrabaho ngayon sa ARMM, mahigit tatlumpong libong civil servant na nagtatrabaho sa ARMM anong mangyayari doon sa kanilang (…), anong mangyayari doon sa kanilang (…). Ang isa pang bagay na talagang kailangan pag usapan ay tungkol doon sa pulis dahil mayroon silang tinatawag na Bangsamoro Police na nakasulat sa Bangsamoro Basic Law ay sumasailalim sa Chief Minister at hindi maaaring pabayaan na ganun yun dahil ang ginagawa na lang namin (…) ay isa pang regional office bale ng PNP. Basically, ang ginagawa namin dahil kakaiba ito regional government ito wala naman tayong regional government sa pilipinas kahit saan kung ‘di lamang dito sa ARMM at dito ngayon sa Bangsamoro kaya’t ginagawa namin ay tinitignan namin kung ano yung magiging experience ng mga LGU at kung papaano pwedeng gawing pareho yung para sa Bangsamoro. Para naman magiging pantay ang pagtakbo. Sa constitutional, isang malaking debate tungkol sa constitutional impelment na sinasabi at yun ang lumabas doon sa mga hearing namin doon sa committee on constitutional amendments ni senator Miriam Santiago ay yung power of the congress to, by law, adopt a constitutional amendment. Bakit yun ang kanilang sinasabi? Dahil naka lagay sa constitution ay ang unang kongreso, isinulat noong 1987, yung unang kongreso ay magbubuo ng gobyerno at ng autonomous region na dalawa, yung CAR saka yung naging ARMM. Yung CAR hindi natuloy dahil natalo sa prebesito pero yung ARMM natuloy. Ngayon, sinasabi ng iba, tapos na yung utos, yung inutos, yung mandate ng constitution. Wala sa constitution ang nagsasabi na pwedeng gumawa ng isa pang autonomous region at nagawa nga yung autonomous region kaya’t yun ang medyo malaking problema dahil hindi namin mareremedyohan yan dahil BBL mismo ang kinukwestyon doon sa ganung klaseng angulo. At yun ay talagang hindi namin siguro that will be decided na sa (…) anyway doon ang magiging desisyon at yung mga ibang kailangan paring tignan ay yung tinatawag kong administrative, political, at saka economic (…). Sa administrative, mayroong problema dahil isinama ulit ang mga LGU, may barangay, may bayan, na bumoto na sumama sa ARMM pero hindi pinayagang sumama sa ARMM dahil non (…), hindi nakadikit. Ngayon, binalik ngayon nila ulit yung mga LGU na yun para sa prebesito. Ang tanong namin is kung bumoto sila na gusto nilang sumama sa bangsamoro, anong probinsya na sila ngayon? Kung galing sila sa halimbawa, mayroong mga barangay sa bayan ng cabatang, eh papaano pag sinabi nilang gusto nilang sumama sa bangsamoro, papaanong administration ngayon? Anong probinsya nila, ano yung bayan sila? Sino mag poprovide ng ilaw? Yung mga ganoong klase ng bagay. Tamang servicing, etc. Eh hanggang ngayon wala pa tayong nakukuhang magandang solusyon dyan pero pag aaralan natin ng mabuti. Yung sa Political is yung power saving between the national government saka ng Bangsamoro Government at ito ay kailangan pang balansehin natin para maging maliwanag na hindi ito state within a state. At maliwanag na ang Bangsamoro ay sumasailalim sa national government ng Pilipinas. Ang isa pang political na question ay yung sinasabing pagsususpetsa na baka yung Bangsamoro ay gamitin na unang hakbang para humiwalay sa Pilipinas. Itong pinapatakbo pa ng marami kaya’t siguro pinopropose namin na ilagay na lang doon nang maliwanag na hindi ito gagamitin para ihiwalay ang Bangsamoro territory sa republika ng pilipinas. May question din tungkol sa parliamentary system na by parliamentary ang Bangsamoro Government eh wala naman sa Pilipinas kahit saang LGU, national o kahit saan na parliamentary. Kaya’t isa pa yung kinukwestyon. Tapos yung economic provisions, I’m sure marami nang nakarinig, ay malakas ang payment na ibibigay for the first five years na medyo may kalakihan. Depende pero more or less 75-79 Million. Wala pa dyan yung koleksyon ng Bangsamoro Government in terms of taxes, in terms of fees lahat yun. Tapos yung share of national wealth dahil ang Bangsamoro Government iba ang kanilang sinasabing share of national wealth ay 100% whereas sa mga local government units ay depende kung minsan ay 30% lamang at hindi pa direct remittance so bakit nag iiba. (…) Yung definition din ng Sulci as a Bangsamoro water, maapektuhan ang ating plains sa sabah dahil sinasabi nga ng sultanate of sulu na kaya namin nasasabi na kasama yan sa north borneo ang sabah ay dahil kasama sa sulu sea. Kaya’t isa sa mga adbokento nila: Pag ka naging Bangsamoro waters yan, mawawala na yung argumento na yan. Baka maging mas mahina ang ating plains ngayon sa sabah, maaapektuhan. So marami pang mga detalye pero yun ang pinaka malalaki na nakikita namin sa ngayon na nagiging problema at bukod sa mga administration, etc. Yung detalye talaga kagaya ng sinasabi ni (…), kailangan talaga yung detalye ay maging maliwanag na maliwanag dahil pag hindi maliwanag, pagka nabuo na yung gobyerno, yung mga nasa gobyerno, hindi masyadong alam kung anong gagawin nila. Kaya kailangan maging maliwanag na maliwanag kung ano ang kanilang function, kung ano ang kanilang posisyon, kung ano ang kanilang trabaho. So ito yung kailangan pang pag aralan at hindi lamang sa constitutional pero yun ang laging pinag uusapan syempre malaking bagay yun ngunit meron pa ring iba’t ibang problema na dapat parin pag aralan.

Back to Blog