Interview with JP Soriano of Bombo Radio La Union

Bombo JP: Magandang umaga po.

BBM: Good morning Bombo JP. Magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig, good morning po.

JP: Opo. Diretso na po tayo sa ating mga katanungan. Kapag nanalo po kayo bilang bise-Presidente, ano po ang pipiliin ninyong departamento at bakit?

BBM: Siguro dahil ang isa sa pinakamalaking problema ngayon natin ay iyong trabaho, palagay ko, marami tayong magagawa sa DOLE para tulungan ang ating mga trabahador at ang ating mga manggagawa to prepare ma-employ sa private sector. Marami siguro, pati infrastructure kailangan nating baguhin para talagang makatulong sa mga small and medium enterprises sa kanilang negosyo. Ito rin ay malaking bagay para sa pagbigay ng trabaho sa ating mamamayan. Siguro kung hindi iyong DOLE baka na lang iyong DOTC para ayusin na lahat ng problema diyan. Marami naman tayong ideas diyan para makabuti.

JP: Opo. Para po sa inyo, ano ang kaibahan po ninyo sa ibang kumakandidato o tumatakbo bilang bise-Presidente po para sa 2016?

BBM: Well sasabihin ko na lang, na sa palagay ko dahil ako naman, iyong training ko noong nasa eskwelahan ako, training ko malaking bahagi diyan- political science. Pero malaking bahagi din diyan ay economics. Pero siguro naman alam nating lahat ang mga problema ng mga Pilipino ngayon ay dikit sa sikmura. Kaya’t kailangan natin ayusin ang ekonomiya. Kasi sa palagay ko marami tayong maibibigay at marami tayong maidudulot na bagong mga pagbabago para makatulong diyan sa problemang iyan. Kaya’t sa palagay ko dahil karamihan lahat noong kandidato ay mga abogado. Palagay ko sapat na ang batas. Kailangan na natin bumalik sa executive para iimplementa iyong mga batas na iyan.

JP: Opo. Pwede pong malaman po ang inyong plataporma po?

BBM: Well, kailangan lang natin siguro tugunan o ayusin ang sistema sa gobyerno. Palagay ko marami tayong magagawa, wala namang kailangang bagong mga batas, walang kailangangbagong polisiya. Pero palagay ko iyong pag streamline ng patakbo ng ating pamahalaan ay malaking bagay na makatulong. Kailangan natin tugunan din ang mga problema ng droga. Ito’y maliwanag na nagiging malaking problema sa lahat ng bahagi ng buong Pilipinas. Kailangan siguro natin habulin iyong mga malalaking drug lord na. Okay iyong mga buy-bust pero ang nakukuha niyan mga small time lang. kailangan talaga iyong mga big time na bilyon bilyon ang kinikita. Dapat siguro ay hulihin na natin iyan para matigil iyang problemang iyan. Iyong tungkol sa presyo, iyan pa ay isa sa pinaka malaking problema sa atin- presyo ng mga bilihin. Dapat naman iyong gobyerno dahil mukhang marami namang hawak na pondo ang gobyerno, dapat bumili na sila ng parang iyong Kadiwa Stores noon, bumili sila ng maraming produkto, farm gate price, ibenta rin nila ng farm gate price sa tao ng sa ganoon para iyong mgapumupunta sa palengke ay ang presyo na binabayad nila doonsa bilihin, ay presyong farm gate price kung tawagin. Parang binili na doon sa farm mismo. Iyon, iyong mga transport and infrastructures, and communication infrastructures kailangan na nating gawin. Bukod diyan ay iyong agriculture sector. Kailangan nating tulungan. Para nga maging mas mababa ang cost of production natin para naman tulungan ang mgamahihirap sa agricultural sector. Dagdagan ang patubig, iyong pautang, iyong research and development, pati na iyong pagtulong sa inputs sa fertilizer, lahat iyan at dapat pag-aralan at iimplement para matulungan ang ating farmers. Education- madami tayong pagkukulang sa education. Iyong pag-iimplementa ng K to 12 ay mukhang nahihirapan. Kasama na iyon sa streamlining na sinasabi ko sa implementasyon.

JP: Okay po. Maraming salamat po.

BBM: Marami pang mga ibang isyu pero siguro iyon ang mauuna. Thank you.

Back to Blog