Interview with Joey Lipa of Bandilyo for the program “4M sa B”

Joey Lipa: Senator Marcos Sir.

Senator Bongbong Marcos: Magandang umaga po sa inyong lahat. Good morning po.

JL: Magandang-magandang umaga po. Kasama na sa inyong minamahal na ina, ang aking ninang, First Lady Imelda Marcos. How is she doing Mister Senator?

SBBM: Very well. Alam niyo naman ang aking ina ay talagang, lalo na pagkapalapit na ang kampanya, at saka pagpalapit ang eleksyon ay talagang nag-iisip na at nagpaplano na kung paano mangampanya. Siguro masasabi natin, she is now 86 pero napaka-aktibo. Talo pa kaming mga anak niya.

JL: Ganoon po ba? And how is your former ex-girlfriend and now your perpetual roommate, Atty. Liza Araneta Marcos Sir?

SBBM: Mabuti naman. Mabuti naman. Everybody is doing very well kami nga ngayon ay naghahanda para nga sa darating na kampanya at darating na halalan. Tintapos pa ang ating mga naiwan na trabaho. Pero sa ngayon, syempre alam mo naman tayo, sinasabi o binibiro nila sa atin is that isyung favorite sport ng Pilipino is politics.

SBBM: at marami pang baka mayroon pang mga magbabago between now and December 10. Dahil nga, may substitution. Pero palagay ko naman nandiyan pa iyung tinatawag na good will na puede natin asahan pagdating ng halalan. It has actually been to talk to our friends around the country to see what the political situation is. I feel good. I think that we have something to build on. Syempre inuna natin ang ating mga…

JL: Defensor Santiago?

SBBM: Well mayroon kami, ang tawag namin is a loose coalition. Sa ngayon ay we are trying to hammer out just the details kung papaano ang gagawin. What are the, halimbawa, iyung mga line-up. Kung sino iyung mga gusto namin suportahan pang senador. Bukod pa doon, kung ano iyung mga joint na appearances. Kung ano iyung pwedeng sabay kami. Kung ano iyong mga hindi na kailangan magsabay para makapagcover, mga bagay-bagay na ganyan ang usapan.

JL: Okay. Senator, let me take a question, text to me by one of your avid supporters here in Lucena City. Mister Ryan … of Market View. Ano po ang masasabi ni Senator Bongbong tungkol sa sinabi ni Presidente Noy Aquino na wala na, wala na, wala ng Marcos ang makakatungtong sa malacanang. Mister vice-President?

SBBM: Well, siguro iyan ang kanyang pananaw at wala pa namang pinag-uusapang tatakbo para umupo sa Palasyo. Kaya’t ako, ang masasabi ko. I don’t know what the future will bring. But clearly, hindi naman talaga iyan ang pinag-uusapan ngayon. Ang pinag-uusapan ngayon, ako nga ay tatakbo bilang bise-presidente, hindi naman palasyo ang pinag-uusapan. So, again, siguro iyan ang kanyang opinion. Of course, everyone is entitled to their opinion but that’s not the subject of discussion right now. I don’t know where that comment came from but again, I am talking about as a Marcos is running for the Vice-Presidency. Maybe we can postpone the discussion on what will happen to the Palace until later time when the Palace is actually one of us Marcoses,  is running for.

JL: Yes. Hindi pa niyo tinutumbok sa loob ng anim na taon ang Malacanang Palace. Ang tinutumbok pa lamang ninyo ay ang Coconut Palace. Am I correct?

SBBM: Eversince, parang naging semi-official na iyung Coconut Palace na opisina ng Vice-President. Siguro tama nga iyun. Kaya itong lahat ng aming ginagawa ngayon ay para maging matagumpay ang ating kampanya.

JL: Okay. Mister Vice-President, given the chance to become the Vice-President of our country, what do you think are the pressing problems that should be addressed by the next administration?

SBBM: Well, maliwanag na maliwang pag kinakausap natin, when we speak to Filipinos around the country, they worry about the simple issues such as for example the high prices of commodities. The one issue that is relatively new sa tagal ko ng nagsusurvey, sa tagal ko ng umiikot, ay hindi pa lumabas ito dati, pero ngayon lumabas na, iyan ay ang problema tungkol sa droga. Mukhang nagkalat ng husto ang pagdistribute at pagbenta ng droga sa buong Pilipinas. Dati problema lang ito sa malalaking siyudad. Ngayon naging problema na kahit sa mga rural areas. Ito ay nakakatakot dahil hindi lamang malaki ang kriminalidad ang nangyayari at syempre nako-corrupt hindi lamang ang ating mga kabataan, kung hindi ang ating mga kapulisan, pati na ang ating mga judges dahil sa laking pera na umiikot. Pero I think the more dangerous part of it, although that is dangerous enough, the more dangerous part of it, is that they are destroying the future of our country dahil sinisira nila ng buhay ng mga kabataan. Kabataan ang tinatarget nila. Kaya’t I think malaking pagalala, kaya’t iyan ang sa palagay ko ang dapat unahin ng susunod na administrasyon at palagay ko ipagpatuloy natin ang paghuli diyan sa mga by-bust na operation pero siguro panahon na habulin na natin iyung mga malalaking drug lord. Hindi matitigil ito hanggang iyung mga drug lord mismo ang mahuli at makulong na.

JL: Okay. Senator from 5470, nagtext po dito. Good morning po kay Senator Bongbong Marcos. Marcos pa rin kami at mahal na mahal ka ng mga taga Quezon.

SBBM: Naku. Maraming salamat. Napakagandang pakinggan iyan at mabuti naman. Maraming salamat sa inyo at hindi kayo nakakalimot. I look forward to doing more in terms of public service sa darating na ilan pang taon. Maraming salamat.

JL: Kayo po ay naging Vice-Governor ng Ilocos Norte, naging Gobernador, naging Congressman. Kayo ay pinanday ng karanasan sa mahabang panahon sa paglilingkod sa lokal na pamahalaan. Given a chance na kayo ay maging Vice-President at pagkalooban kayo ng trabaho o pananagutan ng Presidente, ano po ang inyong pagtutuunan ng pansin at hihingilin sa kanya, Mister Vice-President?

SBBM: Kung ipagpatuloy natin iyung sagot doon sa tanong mo, what are the pressing issues ay isa doon ang trabaho. Syempre alam natin na ilang milyon na, mga lagpas-lagpas na sa palapit na sa siyam na milyon ang OFW natin at ang dahilan at naging ganyan ay dahil wala tayong maibigay na sapat na trabaho sa ating mga manggagawa. Siguro, kung bibigyan ako ng pagkakataon na maging cabinet member ay hihingiin ko ang sa DOLE. Para makagawa tayo ng mga programa sa gobyerno. Kasi ang inaanalyze ko kasi iyan, 90% naman ng trabahador ay nasa private sector. Pero, palagay ko ang role ng public sector, ng gobyerno, ay ihanda ang ating mga workers para makapagcompete sila sa labor market sa private sector at saka pati na iyung pagpatibay na tinatawag na SME or small to medium enterprises- iyung mga sari-sari store, maliliit na tindahan, maliliit na negosyo. All of these. Ito talaga ang bumubuhay ng ekonomiya. Sana naman ay pagandahin natin ang kanilang opportunities sa mga pautang, mga tulong, pati na ang R&D para sa mga maliliit na negosyo. Ito ang magbibigay ng employment. Palakahin, paramihin ang imprastraktura. Iyung tinatawag na “business directed infrastructure”. Para lumaki ang ekonomiya. Pag lumaki ang ekonomiya, natural, dadami ang trabaho at sana mabawasan na natin iyung libo-libong umaalis araw-araw. Pumupunta sa abroad dahil walang makitang trabaho dito. Bukod pa doon ay iyung proteksyon sa ating mga laborers. Dahil balitang-balita, at alam na alam ng lahat iyung mga nangyayari tungkol sa “ENDO” o iyung end of contract, iyung “5-5-5” na pinuputol iyung kontrata every 5 months. Iyun ang mga proteksyon na binibigay ng batas pero kahit papaano makikita natin, hindi iniimplement ng DOLE. Kaya ako’y sinasabi ko, dapat siguro iyan ang una nating tignan at mabigyan natin ng proteksyon ang ating mga manggagawa. Kung hindi naman DOLE, pwede namang pumili. Ang dami nating nakikitang problema sa DOTC. Iniisip ko rin, kung mabigyan ng pagkakataon, ayusin na natin lahat iyung mga problema sa DOTC dahil lahat naman ng nakikita kong problema, hindi naman siguro ganoong kahirap lutasin. Sa ngayon ay hindi ko pa nakikita na ginagawa ng ating pamahalaan. But these are the problems that the next administration will change and I believe we have solutions to those problems.

JL: Okay. Tinutumbok ba ninyo kung kayo’y maging Vice-President bilang miyembro ng Gabinete, ang Foreign Affairs, ang DILG o bilang Secretary of labor?

SBBM: Ako naman I will serve in any capacity. I am willing to serve in any capacity. I believe that I have enough experience in handling the different issues kaya hindi ako bumalik sa Senado, sabi ko, palagay ko tapos na at sapat na ang ating batas dito sa ating batas. We have enough laws. It is a question of implementation of those laws. I think it’s time. Sanay ako sa Executive dahil sa siyam na taon ako na Governor. Siguro panahon na imbis na sumulat pa ng mga bagong batas, iimplement na natin ang batas na nandiyan para iyung mga programa ng ating pamahalaan ay maramdaman naman ng taong bayan.

JL: Yes. Mister Senator, kinakamusta kayo ni Mister Dave Dela Cruz at ng National Land Transportation Council of the Philippines. NLTC ang grupo ni David Dela Cruz … at ang mga taga Bongbong Marcos for Vice-President.

SBBM: Maraming, maraming salamat at maraming salamat sa inyong suporta. Ipagpatuloy natin ang paghanda sa darating na halalan para naman maipagpatuloy natin ang ating serbisyo sa publiko. Iyan lang naman ang hangarin nating lahat- na matulungan ang ating mga kababayan at maging mas maginhawa. Thank you very much for your support.

JL: Okay. Mister Senator, please provide us the status of the BBL or whatever it is now being called.

SBBM: We no longer call it the BBL. The substitute bill is being retitled and we now call it, The Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region. The status right now is that we are continuing interpellations in the Senate. Hindi ko masasabi kung ano iyung nangyayari sa House of Representatives. Pero sa Senado, we are continuing with the process and we are in the period of interpellation. Right now, Senator Enrile is the one doing the interpellation dahil hindi nga siya nagkaroon ng pagkakataon dahil detained siya. That is why he is presently the one who is doing the interpellation. I think one or two Senators after him. After that, we will start to propose amendments na. So, palagay ko may pag-asa talagang mapasa ito before the end of this administration.

JL: Atty. Liza Araneta, your better half, is somewhat related to former DILG Secretary Mar Araneta Roxas. The man from Hacienda Araneta in Quezon City. How is your relationship with Mister Mar Roxas?

SBBM: The former Secretary and I have been friends for a very long time. As far as I can tell you, that friendship has not gone away, has not changed. Of course, we find ourselves in different parties right now but I don’t think that has interfered with our personal relationship. However, I have to say that hindi na kami masyadong nagkikita. Hindi na gaya noon. Hindi na kami masyadong nagkakaroon ng pagkakataon para mag-usap. I certainly consider him a friend and I think after all of this political cycle is over, I look forward to renewing and re-strengthening that friendship.

JL: May tinatanong po ang isa nating texter dito. Paki tanong po kay Senator Bongbong Marcos kung papaano niya sasagutin ng diretso ang mga naging pagkukulang o pagkakamali, kung pagkakasala mang matatawag, ang mga pangyayari sa panahon ng Martial Law?

SBBM: Well, palagay ko, wala namang problema siguro na pag-usapan natin kung ano iyung mga pangyayari sa panahon ng aking ama ngunit ang talagang hinihiling sa atin ng tao, ang tayo, ang magagawa natin sa problemang hinaharap sa pangaraw-araw ngayon at napag-usapan ko nga ang pangdroga na kumakalat sa buong bansa, ang tuloy-tuloy na pagtaas ng kriminalidad, ang mataas na bilihin ng presyo, ang pagkukulang ng trabaho, ang dumadami na nagiging gutom sa bansa, ay lahat ito ay kailangan natin bigyan talaga ng solusyon. Iyan ang inaasahan ng tao. Iyan ang inaantay ng tao sa atin those of us who are in government. What we hear from people is that they are waiting and they are hoping that government can provide some support so that the issues they face every day, which I mentioned, which are drugs, prices, criminality, poverty, hunger, the areas that the sectors of our society that are in need such as the educational sector. Napag-usapan natin iyung labor sector, the many problems that we face in the DOTC, the many problems that we face here in Metro Manila, iyung power. I just came from Mindanao and nandiyan nanaman ang kanilang 10 hour, 8 hour power shortage. Ang dami-dami nating problemang kailangang harapin. Siguro iyan ang pinaka priority sa ating magiging usapan at sa ating magiging trabaho.

JL: Okay. You would remember Atty. Gerry Spence? Your mom’s defense lawyer in the United States.

SBBM: Yes, I do. Yes.

JL: Okay. Nabasa ko iyung kanyang libro. Ang depensang hindi ko malilimutan na ginawa niya sa inyong ina ay ito. The only seen of the former First Lady is that she loved and married Ferdinand Marcos.

SBBM: Well, that is and alam naman natin that they were a very, very close couple. Not only as a couple, as man and wife, but also as workers in government. The word that is often used about my mother is that she was a tireless worker. She continues to be a tireless worker up to now despite her advancing age. Hindi niya pinapansin iyun at tuloy-tuloy pa rin. So, yes. That’s certainly that case. She continues to try to do what she can. She’s still very active. She still continues to try to do what she can in terms of public service as Congresswoman.

JL: Okay. Mister Vice-President, much as I wish to ask several questions from you, kaya lamang po ay hinahadlangan ako ng aking time slot dito. Last 2 questions po. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, napapansin ko bilang isang commentator sa radio, na ang ating Pangulo ay “CC” dito, “CC” doon, vengeance dito, vengeance doon. How can we move on Mister Vice-President?

SBBM: I think it’s very simple. We should leave it to the judiciary if there are supposed to be complaints, if there are some alleged violations or misdeeds, then we should really leave it to its proper place. Leave it to the justice system to try to put right. I think the problem that we have been facing is that iyung paghabol sa mga kasong iyan para ipakita na mayroong ibang polisiya, ito ay naging central policy of government. It has been to go after previous administrations. I think what we should do is it to be more forward looking and see what can we do for the future? What do we need to do so that the Philippines, so that the Filipinos will have better lives? What is the plan for the next 10 years, for the next 5 years, for the next 20 years? If we are thinking forward, then I think that we would do a better job on being able to provide services for our people. After all, that is the ultimate function of government is to bring services to its people.

JL: Okay. Mister Vice-President, you are breath away from the Presidency and I would like to ask this question, quoting from the book of Jules Witcover, From Adams and Jefferson to Truman and Quayle, Crapshoot: Rolling the Dice on the Vice-Presidency, and I quote John Adams the former Vice-President during the time of Jefferson, “I am Vice-President. In this I am nothing. But I may be everything.” Your reaction, mister Vice-President?

SBBM: Well, that is an understandable sentiment considering the system that the United States, even the Philippines used to follow, na sabay ang pagboto sa Presidente at sa Bise-Presidente. Pero sa ating sistema ngayon, we vote for the President and the Vice-President separately, which I think gives our Vice-President a lot more identity. Then with the block voting for President and Vice-President. I think that there are many opportunities so I hope that as Vice-President that it will never be said that I am nothing and I will be able to continue my work as a public servant which is the one thing that I have taken my oath and pledged to do.

JL: Okay. Apo Senator Bongbong Marcos, mister future vice-president… you are the icing on my cake and before I blow the candle, thank you very much. Maraming, maraming salamat.

SBBM: Thank you Joel Lipa and thank you very much and maraming salamat sa mga nakikinig. Magandang umaga po sa inyong lahat.

JL: Goodluck po Sir.

SBBM: Maraming salamat. Thank you.

Back to Blog