Interview with Joe Taruc of DZRH

Joe Taruc: Magandang umaga ang ating kandidato para pangalawang pangulo si Senador Bongbong Marcos. Senador, magandang umaga po.

BBM: Magandang umaga at magandang umaga sa mga nakikinig. Good morning po sa inyo.

JT: Unang katanungan: Bakit bise presidente? Bakit hindi senador, sigurado naman na kayo’y mananalo? Bakit hindi presidente na hangad ng marami ninyong supporters? Bakit bise presidente ang inyong tatakbuhan?

BBM: Well, una-una, iniisip ko talaga na gusto kong bumalik sa executive dahil sa aking tingin naman palagay ko naman maganda ang trabaho ng legislator at sapat ang batas. Ang kulang natin ay yung pag implement ng batas. Nasanay din ako nung ako’y nasa probinsya, naging governor ako yung may ginagawa. At nafrufrustrate ako, pinagdedebatehan lang, wala tayong direct na action na magawa sa lehislatura. Kaya sabi ko tingnan natin kung papaano papasok sa executive ulit at nakikita ko naman masyadong crowded yung presidential race. Masyadong magulo kasi itong eleksyon na ‘to ay masyadong magulo. Hindi kagaya ng iba na maliwanag na maliwanag ang party lines. Ang mga partido ngayon hindi kagaya ng dati. Kaya sinabi ko subukan natin ang vice at kakayanin naman kaya palagay ko ito na ang magbibigay ng pagkakataon na makapag serbisyo at makatulong na direct sa tao. Iyana ang importante sa akin.

JT: Kasi, marahil napansin din ninyo, lahat ng kandidato pagka bise presidente, kayo lang ang hindi na miyembro ng senado kapag hindi kayo mapalad na manalo.

BBM: Totoo iyan. Talaga naman ganun ang iniisip ko na madali siguro kung magpa re-elect ako, mas madaling makapasok ulit bilang senador. Pero sa aking pananaw dapat kung ano yung kakayanan, kung ano yung marami kang matutulungan, yun ang palagay ko’y importante. Bukod pa doon, ang sistema po natin sa Pilipinas, hindi naman kagaya ng bise presidente ng halimbawa sa Amerika, na sabay lang sa presidente. Pag binoto mo yung presidente, sabay na yung vice president. Eh dito sa atin, hiwalay. Kaya yung position ng vice president, ay talagang may sariling mandato na nanggaling sa tao.

JT: At madalas, hindi nagkakasundo.

BBM: Iyan ang dapat nating baguhin. Tinatanong nga ako kung sakaling ako ay ang mahalal, ano ang aking gagawin, ang una kong gagawin ay pupunta ako sa aking presidente at sasabihin ko nandito na ako at ready na akong tumulong. Kailangan maging partner tayo. Hindi pwede magkaaway away kayo. Pagka ganun, walang mangyayaring trabaho.

JT: Senador Bongbong, hindi naman natin maaalis sa ating mga kababayan, kahit papaano, wala po bang nagbulong sa inyo, na ito ay shortcut sa Malcañang.

BBM: Hindi. Ang shortcut sa Malcañang ay tumakbo sa pagka pangulo.Pero hindi naman ganun ang aking pagiisip. Sa palagay ko ang aking tatakbuhan ang iniisip ko kung paano makatulong serbisyo. Kaya naman ako’y nasa pulitika. Marami naman akong pagkakataon na mag private sector, private life at ibang gagawin. Pero iyan talaga ang kasanayan namin na kaya kami nandito na tumulong para magserbisyo.

JT: Hindi pa ba kayo naiirita sa mga katanungan na paulit ulit, yung performance nung panahon ng panunungkulan ng iyong ama?

BBM: Hindi naman. “Siguro kahit saan may ganung tanong eh. Kung minsan mayroon, kung minsan wala, pero okay lang naman kasi sanay naman tayo na magprepresenta bilang kandidato eh hindi namang kataka-taka magtatanong ang tao at siyempre mayroon ding paulit ulit pero sasagutin lang. Wala namang problema. Ganun naman ang proseso ng pangangampanya. Pag umikot siyempre mga media, lalo na yung mga lokal. So, it’s part of the process. Okay lang yun, hindi naman siguro problema.

JT: Dito sa huling survey ng DZRH, second kayo. Mukhang kayo na ang nangunguna, medyo nakaungos na kayo ng kaunti.

BBM: Oo nga. Maganda naman yung nagiging resulta at ito’y siyempre nakakatuwa na Makita na gumaganda ang mga survey pero dahil sa aking pananaw dahil tanggap naman yung ating mensahe, at lalo kong pinaguusapan ang pagkakaisa, at kahit na mayroon tayong mga solusyon sa mga problema na hinaharap natin, eh kung hindi tayo magkaisa, hindi natin magagawa yung kailangan nating gagawin para maging mas maayos yung buhay ng mga mamamayang Pilipino.

JT: Pero sa naturang survey, hindi pa natin nakikita yung ‘Solid North’ o hindi niyo pa talaga naikot yung lahat ng mga lalawigan maliban doon sa Region 1. Pero yung dating-dating suporta sa inyong yumaong na ama eh kitang-kita yung Region 2 hanggang Region 3 actually, ano, eh andun talaga. Ano ito? Hindi niyo pa ba naiikot ang lahat?

BBM: Hindi pa lahat, dahil start pa lang. Magdadalawang linggo pa lang. Sinimulan ko sa Region 1. Tapos umiikot na din ako dito sa Metro Manila, dito sa Region IV. Babalikan namin, may plano kami. In fact, mamayang kaunti, babalik ako sa Pangasinan, at saka next week nandoon kami sa Region 2 naman, Cagayan, Isabela; para makapunta doon at makapag organize ng mabuti.

JT: Siguro dito, makikita na ng ating mga kababayan, kahit papaano, yung mga programang de gobyerno na binabalak ninyo na mag sentro kayo sa dati nang agrikultura, ay muling maibalik.

BBM: Yun na nga eh. Malaking problema yung agrikultura sa atin dahil dati halos 35-40% ang kontribusyon ng agrikultura sa ekonomiya natin. Ngayon, 11% na lang. At isa pang masakit na estatistika ay 70% ng mahirap sa Pilipinas ay magsasaka. At dahil hindi nasusuportahan ng mga programa ng gobyerno. Actually, sinasabi ko nga parang wala tayong agricultural policy talaga eh. At walang ginagawa ang gobyerno para suportahan ng mabuti.

JT: Yung programa ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang katuwang doon ay si Secretary Arturo Tanco, kung tama ang aking pagkakatanda noh? At nakita natin kung papaano tayo nag export ng bigas.

BBM: Ay talagang sinimulan nila Ginoong Tangco na talagang magsimula ang massive agricultural program – ang Masagana 99. Tapos sinundan siya ni Senator Sonny Escudero na napakagaling din. Madaming naitulong sa ating mga magsasaka. Nakakagulat nga, yung sinabi kong wala tayong polisiya’t suporta galing sa gobyerno. Chairman din ako ng public works and infrastructures sa senado. At doon sa isang pagdinig namin kasama ang NEA, nakita ko yun pala yung patubig dito sa Pilipinas ngayong 2016, mas maliit ang coverage kaysa nung 1986. Kaya isa lang ang ibig sabihin niyan. Ang ibig sabihin niyan ay bukod sa walang ginagawang bago na irrigation system, ay yung mga nasira, hindi na inaayos. Ang alam naman natin na ang unang-unang kailangan ng mga nagsasaka ay yung patubig. Kung hindi natin inaayos yun, papaano pa yung mga ibang bagay na pagsuporta para maging maganda ang agrikultura natin?

JT: At saka hindi natin maiaalis, maraming mga patubig noon, sa tanda nila nangangailangan ng dredging para lumalim ulit.

BBM: At dahil nagiba narin. Nagbabaha, yung mga ilog natin nagsisilit na. Siyempre, yung mga malalaking kanal, na pang irrigation na kahit semento iyan pagka dinaanan ng bato iyan ng kahoy iyan ay nasisira. Kailangan talaga ayusin. Hindi lang patubig kasi kailangan maunawaan ng ating mga nagpaplano para sa ating agrikultura, yung pagtanim ay isang bahagi lamang ng ating agrikultura. Hindi na natin kailangan turuan yung mga farmer. Alam na nilang gawin iyan eh. Ang dapat gawin natin ay palawakin natin ang ating irrigated lands. Wala pa tayo sa kalahati doon sa tinatawag na irrigable na pwedeng lagyan ng patubig. Malayo pa tayo doon sa maximum na patubig. Yung dating pautang na production loan, walang ganun ngayon. Yung research and development, wala na talaga. Wala na tayong bagong hybrid na lumalabas. At nawawala na yung seedling production kaya kahit na may hybrid, kakaunti naman yung binhi. Hindi naman makalat sa lahat ng mga farmer.

JT: Heto nga eh, simpleng simple lang, Senador Bongbong. Doon sa pataba. Huwag na nating sabihin yung organic fertilizer. Maramin ng gumagamit ngayon. Pero ito, simpleng simple: gaano na, pagka tumaas ang presyong petrolyo, pati fertilizer sumasabay.

BBM: Dahil ang urea galing sa fertilizer iyan. Petroleum product iyan.”

JT: Ang tanong ko lang, kapag bumababa ang presyo ng petrolyo, up to now hindi bumababa (ang fertilizer).

BBM: ‘Yun ang sinasabi ko.

JT: Bumaba sila. Kaunting-kaunti lang.

BBM: Ang pagtataas ng presyo ng langis, tataasin niyo iyan (fertilizer). Pero kapag bumaba, hindi sinasabayan ng urea. Kaya nga siguro ang dapat gawin mayroong assistance ang gobyerno na ang gobyerno ang bibili ng marami. Ang pautang sa agri, hindi naman kailangan cash eh. Ang kailangan ng magsasaka ay yung seedling. Kailangan nila yung abono…

JT: Yung Department of Agriculture, ilan pong buwan na, ha? Hindi inaaksyunan, hanggang ngayon, puro pangako. Eh bakit hindi niyo (DA) ginagawan ng paraan para bumaba talaga?

BBM: Marami yung price support na tinatawag kung maalala ng iba. Yung NFA kaya binuo yung NFA para kapag nagaani, ang NFA bibilhin nila iyan para yung presyo hindi masyado bumaba. Pagka naman tag-araw, kapag masyadong mataas yung presyo, magrerelease sila nung kanilang nabili para yung presyo hindi gaano gumalaw sa ilang taon.

JT: Kasi yun naman talaga ang mandato nila. Hindi sila tinatag para bumida.

BBM: Hindi sila tinatag para rumeport. Eh yun na nga ang problema, ang importation bawat taon na we will be self sufficient sa darating na taon na ‘to. Pagkatapos ng ganung klaseng announcement, ang susunod naman ay mas mag iimport tayo ng malaki ngayong taon kaysa noong nakaraang taon.

JT: Wala na sa isip nila, na pagka tayo’y umangat, ang binibigyan natin ng subsidy yung mga magsasakan ng ibang bansa. At yung mga pagkakataon na magbenta dito sa domestic market, inaalis natin sa ating mga kababayang magsasaka.

BBM: Talaga. At isa pang napakasakit, pagka tiningnan mo, halimbawa, binibilhan natin ng bigas yung Vietnam at saka yung Thailand, pagka nakakausap mo yung mga agriculturist nila, sasabihin natin, “Aba, ang gaganda ng agriculture niyo, malaki ang ani niyo. Marami ang production niyo.” Ang sasagutin nila, “Eh natutunan naming iyan sa UP Los Baños.” Sa IRRI, sa UPLB, lahat yun. Sinasabi ko alam pala natin gawin yun. Ba’t hindi natin magawa para sa sarili natin? Eh yun yung problema. Ang problema, kung tutuusin, wala na tayong agricultural policy. Wala na tayong programa para sa ating agrikultura.

JT: Yung mga taga ibang bansa, na dito nag-aaral, dito nananaliksik, eh doon tayo humahanga ngayon, senador.

BBM: Doon tayo umasa na mag supply ngayon ng ating basic commodities. Kaya napaka importante na talagang, halimbawa, iyang farm-to-market road, ngayon ginagawang pamumulitika ang farm-to-market road parang tulong lang doon sa kaalyado. Eh hindi naman dapat ganun. Dapat talagang pag-aralan kung saan ang pangangailangan. Tapos yung R&D nga, hindi na nagagawa masyado, hindi na nasusuportahan ang mga dalubhasa diyan sa mga bagay na kung papaano na ang bagong technique, bagong pamamaraan, bagong produkto para mas maganda ang ani sa ating mga farmer.

JT: Kung lahat ng pondo nairelease ng gobyerno para dito sa mga farm-to-market roads, wala pong magsasaka na magrereklamo na hindi nadala sa merkado ang kanilang mga paninda.

BBM: Yun ang problema. Kailangan talaga yun dahil yun namang mga abuso na iyan, kailangan talagang bantayan ng mabuti. Kailangan hindi sa pamumulitika yung mga imprastraktura. Ang kailangan talaga sa imprastraktura ay kung saan may pangangailangan. Kung may pangangailanga, doon natin ilagay. Yung isa pang bagay na hindi natin magawa-gawa ay yung mechanization dahil tayo sa buong Asya ang pinakamababang pag mechanize. Ibig sabihin yung mga gumamagamit ng malalaking trakto. Karamihan, hindi makapag develop dahil hindi malaman kung ihahati yung lupa o kung ipamimigay yung lupa. Kailangan nating i-coordinate. Yung kooperatiba din. Malaki ang gagampanan ng mga kooperatiba sa polisiya ng agrikultura. Pero maraming problema ang mga kooperatiba ngayon dahil ang kooperatiba ay, sa batas ay nakalagay, pagka mas maliit ang earnings by 10 million, ay dapat tax-exempt. Pero tinatax pa rin ng BIR. Ang ginagawa ng BIR ay patunayan ninyo na kayo ay tax-exempt. Eh hindi ganun ang nakasulat sa batas. Ang nakasulat sa batas, ang sinasabi basta accredited ka ng Cooperative Development Authority, yun na ang authorization mo, dapat bigyan ka ng certificate of tax exemption. Eh baliktad ang ginagawa ng BIR. Imbes na tulungan yung mga kooperatiba, ang ginagawa nila sinasabi nila “Oh, sige, kooperatiba kayo humihingi kayo ng CTE, patunayan niyo muna na talagang kooperatiba kayo na talagang may operation iyan. Eh papaano nilang gagawin yun. Maraming dokumentong hinihingi, maggegeneral assembly pa. Hinahanapan ng bawat miyembro ng bawat address ng pirma. Imposible naman iyan! Wala naman sa batas yun! Kaya hindi talaga tumutugma yung mga ginagawa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at departamento para tulungan ang agrikultura. Ang problema diyan, ang talagang dapat makita na kung hindi matibay, ang sektor ng ating agrikultura hindi rin nating kayang patibayin ang ekonomiya. Hindi na pinagbabasehan iyan eh. Pagka maunlad ang ating agrikultura, makikita natin na magkakaroon ng pagbabago. Hindi natali sa lupa ang ating magsasaka. Yun ang dapat nating gawin. Marami naman tayong maaaring gawin at alam naman natin yung mga pangangailangan,hindi lang talaga nagagawa. Hindi ko maintindihan, magagaling yung mga agriculturist natin.

JT: Iyan na siguro ang dapat repasuhin natin. Itong department ng mga government agencies, particularly sa agrikultura. Napakaraming mga bayan ang walang municipal agriculturist. Kung mayroon man, kung hindi kapatid, kamag-anak o malapit na kaibigan ng mga nanunukulang LGUs.

BBM: Well, tama rin yun. Kailangan nating maunawaan ang mga local government dahil sasabihin natin kung maaalala niyo yung devolution. Halimbawa, yung pinakamalaki, dinevolve ang agrikultura. Doon talaga nahirapan ang mga local government. Dinevolve yung function, hindi dinevolve yung pondo. At so, ang local government ang gagawin lamang nila wala naman tayong additional na item. Oh sige, ikaw na lang, kung sino ang nandoon. Eh sasabihin “gagawa tayo ng bagong committee” on whatever it is. Sasabihin “eh wala naman tayong bagong pondo.” Halimbawa, task force on climate change. Wala namang expert on climate change. Pangalawa, walang additional item. So sasabihin ng isang department head, “oh sige, ikaw na lang muna.” Eh ganun naman talaga nangyayari sa local governments. Kahit na may pondo ka, wala namang eksperto. Kasi climate change technical iyan eh. Halimbawa, housing. Ganun din. Marami tayong inuutos na gawin, pinapagawa sa mga local government, wala naman silang background, wala naman silang kakayahan, kaya’t kailangan suportahan ng national government.

JT: Iyan, mga kaibigan, itutuloy natin ang panayam kay Senador Bongbong Marcos makalipas ang mga ilang paalala.

Preno, mga kaibigan. Medyo napahaba ang usapan natin, pero napakahalagang problema yun, ha? Dapat bigyan pansin kahit sinumang maupo bilang pangulo sa ating bansa, senador.”

BBM: Dapat iprioritize talaga. Hindi natin basta pabayaan kahit anong sektor at lalo na ang agrikultura. Hindi lamang dahil yung ating mga magsasaka ay naghihirap. Mayroon ding epekto iyan na dapat mayroon tayong sariling food supply. Dahil halimbawa, umaasa tayo sa ibang bansa, parang doon tayo bumibili ng pagkain. Eh kung magkaproblema? Halimbawa, bumibili tayo sa China. Yung China tinutulungan na tayo sa ating palay. Eh nagkakagulo ngayon. Titigil lahat yun. Saan tayo tatakbo. Kailangan talaga mayroon tayong sarili.

JT: Agricultural sufficiency. Yung mga pangungunahing pangangailangan dapat talagang pagtungunan.

BBM: Naalala ko ‘to nung governor pa ako sabi ko pagka yung isang probinsya yung ating produktoh huwag lang palay lang. Dapat mayroong high value crops para may pagkikitaan naman ang mga farmer. Sabi, “Gov, paano iyan kapag kulang ang bigas?” Bibili tayo. Probinsya tayo eh. Hindi tayo bansa. Kung bansa tayo eh, hindi mo maaasahan na makakabili ka. Kailangan mayroon kang sarili kasi mayroon yung tinatawag na strategic concern ang food supply. Dapat talagang tingnan ng mabuti. Bukod pa yun sa pag-import na legal, mayroon pa yung illegal. Madaming pumapasok na bigas sa Pilipinas na smuggled. Sinisira talaga ang buhay ng ating mga magsasaka.

BBM: Titingnan lang natin kung ito’y mga retirees kasama dito sa version kasi nagtatalo sa Senado at sa House of Representatives tungkol sa pagsasama sa mga retirees.

JT: At kung iaagape pa ang pensyon doon sa sweldo ngayon.

BBM: Pinipilit sa House na hindi na kasama. Eh pinipilit naming sa Senado na kailangan. Yun na nga Standardization Law ito kaya kailangan kasama ang lahat ng may benepisyo.

JT: Appropriation measure, dapat aprubahan muna nila sa kamara.

BBM: Kaya nga. Kaya pagka ganun, siyempre, kailangan iappropriate. Pero kapag naging batas, eh kailangan nilang gawin.

JT: Katulad nung BBL. Kaya naatraso ito, eh kayo ang sinisisi ng palasyo ng Malacañang. Hindi po ba dapat nag eemanate muna ito sa House?

BBM: Ganun. Eh ang napagkaisa naming ay talaga itong Bangsamoro Basic Law ay lokal na batas dahil itong batas na yun ay tungkol sa isang lugar sa Pilipinas. Hindi sa buong Pilipinas. Ang rules naming kapag ganun ay a law of local application kung tawagin. Ibig sabihin, kailangan matapos muna sa House of Representatives bago ipadala sa Senado at kami naman sa Senado ay titingnan naming kung paano inapprove ng House dahil papalitan namin, babaguhin naming, o iaadopt namin. Basta hindi kami makagalaw hangga’t hindi pinadala sa amin ng House of Representatives yung kanilang version.

JT: Ang tanong namin diyan: Kapag ba’y pumupunta kayo Mindanao naililinaw niyo ba sa kanila ito?

BBM: Maliwanag sa mga taga Mindanao dahil karamihan ng mga hearing namin ay doon ginawa sa Mindanao. Lahat ng gustong magsalita, talaga yung mga hearing namin hindi lang isang oras, dalawang oras. Buong araw. Natatapos kami alas tres, alas kwatro ng hapon. Nagsimula kami ng mga nine. Lahat kasi ay dapat magsalita, pagbigyan natin at bigyan ng chance para sabihin kung ano ang kanilang iniisip. Kailangan talaga nating malaman eh. Nakita ko agad na ang proseso na ginawa nung peace panel natin ay hindi kinausap ang ibang stakeholders. Ang kinausap lamang ay MILF. Sabi ko hindi magiging matagumpay ito kung MILF lang. Kailangan humingi ng tulong ang lahat.

JT: Back tayo sa status quo siguro o sa dating nangyayari na pagka nagumpisa yung problema ng MILF. MNLF, magkaroon ng breakaway faction, nagkaroon ng MILF. Ngayon naman, BIFF. Tuloy tuloy, walang tigil.

BBM: Well, kahit anong mangyari ngayon, nasabi na ng Speaker, nasabi na ng Senate President, na talagang hindi aabot sa kongresong ito. Pero magandang narinig ko, galing kay Chairman Iqbal, galing kay Chairman Murad, na kahit hindi matuloy, kailangan ipagpatuloy ang peace process. Kaya maliwanag hangad din nila na magkaroon ng kapayapaan. Napakagandang statement yun dahil sa aking pananaw ay talagang ang proseso ng kapayapaan hindi dapat iwanan dahil ang mga problema ng ating mga kapatid na Muslim sa Muslim Mindanao, sa buong Mindanao ay hindi isyu ng Mindanao lamang iyan. Hindi isyu ng Muslim iyan, isyu iyan ng buong Pilipinas. Kailangan nating ayusin iyan.

JT: Ngayon, kinakapos ng panahon sa ating palatuntunan pero hindi maiwasan maitanong ang mga tanong ng ating mga kababayan: kung sakali manalo kayo bilang pangalawang pangulo, bigyan ng pagkakataon na mamili kung anong departamento, alin po ang pipiliin ninyo – Secretary of Agriculture o Secretary of DILG?

BBM: Ang nakikita ko sa DOLE dahil napakalaking problema ditto sa Pilipinas ang trabaho. Kailangan talagang bigyan ng magandang solusyon iyan.

JT: We will remember kaya tayo nagkaroon ng mga OFW, ito po’y ginawa ng inyong ama. Ginawa ito bilang contingency measure lang.

BBM: Oo nga. Yun ang kanilang pagiisip dahil nung mga 1973, biglang tumaas kung maalala ninyo may oil embargo na tinatawag. Yung OPEC tinaas nila ang presyo ng langis.

JT: Itinatag ang Bureau of Employment ditto. Itinatag yung POEA…

BBM: Ang nangyari, nung biglan tumaas yung presyo, nagkapera naman yung Middle East dahil sa langis. Gumagastos sila ng bilyun-bilyon bigla. Sabi sa Pilipinas sayang naman iyan. Dapat may pakinabang naman para sa atin.

JT: May pakinabang nga, may problema namang naidulot. May probelmang kasama.

BBM: Lagi namang may problema iyan. Pero yung mga sinuportahan natin at yung mga pinapadala natin noon, mga engineer, yung mga professional dahil nga construction ang ating ginagawa. Ngunit, ito’y parang hindi na matanggal-tanggal. Pero ang problema, naging permanente pero yung problemang nakikita ko hindi na natin sinusuportahan ang ating mga OFW. Hindi lamang kapag sila’y nangangailangan ng tulong, may kaso, may nagkasakit, may namatay. Yung gobyerno saka na kapag nahatulan na ng death sentence. Hindi dapat ganun. Tapos maganda ang suporta natin. Bukod pa roon, hindi lamang yun. Kailangan talaga iyan, pero hindi lamang yun. Kung maalala ninyo ang nakaraan, mayroon tayong retraining program. Yung mga OFW na nagtrabaho ng matagal kahit saan, pag uwi nila, nareretraining program para naman may hanapbuhay sila. Ngayon, nakikita nga natin dahil sa pagbaba ng presyo ng langis, maraming nawawalan ng trabaho. Daan-daang libo ang nawawalan ng trabaho sa Middle East ngayon. Pagka uwi nila dapat mayroon tayong nakahandang retraining program para naman mayroon silang papasukan. Pero kahit na gawin yun ang retraining program, kung walang trabaho, wala pa rin. Wala na ngang retraining sila, wala pang trabaho kaya yung ekonomiya palawakin natin, palakihin natin para may trabaho tapos yung mga retraining program ay bagay doon sa pangangailangan lalo na sa private sector ng mga skills na kailangan ng mga negosyante para naman pagkatapos ng retraining, handa sila pumasok sa labor market. Marami tayong magagawa diyan sa aking palagay. Pero para maayos iyan, kailangan din ang imprastraktura. Kailangan din natin ayusin ang imprastraktura natin. Nagagamit ko yung salita na business directed infrastructure. At itanong natin, ipagpartner natin sa private sector, ano ba ang plano ninyo sa susunod na limang taon, sampung taon? Ano naman ang magiging pangangailangan ninyo? Ang gobyerno iyan ang imprastraktura, kami ang magtatayo. Yun lang mga simple, halimbawa, yung kuryente natin, problema pa rin. Yung water supply, nagiging problema…

JT: Siguro ilalaan natin ang mga susunod na topics pero maraming, maraming salamat po sa pagkakataon na binigay niyo sa umagang ito.

BBM: Maraming salamat at nakapagusap tayo at napag usapan natin ang mga isyung ito.

Back to Blog