Interview with Joe Taruc and Milky Rigonan of DZRH

BBM: Magandang umaga. Good morning sa mga nakikinig.

Joe Taruc: Kayo po baa no po ang take ninyo tungkol dito sa sinasabi na isa sa mga option ng Comelec na pinag-aaralan ngayon ay yung possible postponement ng halalan from May 9 to June 9?

BBM: Lahat kami nababahala diyan dahil talaga hindi ito option. Nakapagtataka na sasabihin ng ating chairman na option iyan para sa Comelec dahil maliwanag na maliwanag ang Saligang Batas na dapat sa pangalawang Lunes ng Mayo. Kaya bakit na bigla namang sasabihin na hindi na kailangan sundan ang Konstitusyon. Maliwanag na maliwanag na yung schedule ng halalan ay nasa Konstitusyon. Hindi lamang sa pangkaraniwang batas kundi ang Saligang Batas.

Taruc: Sen. Bongbong, alam niyo maraming nakakapansin paulit-ulit ang pagpuna ng Pangulong Noynoy Aquino sa inyo na kayo ang isa sa mga may kasalanan ng hindi pagkakatibay nitong BBL. Maaari pa bang maliwanagan ito para sa ating mga kababayan na kung bakit hindi kayo ang dapat sisihin tungkol dito?

BBM: Talaga namang nakapagtataka kung bakit ang sinsasabi ang mga senador daw ang dahilan. Ang katotohanan diyan ay ang BBL ay bill of local application, ibig sabihin hindi para sa buong bansa kung hindi para sa isang lugar lang. Pagka ganyan dapat ay unahin natin ang pagpasa at pag-approve ng House of Representatives na bago ipapasa yung version na inapprove ng House of Representatives sa Senado, at saka naman…ng Senado. Ang nangyari ayaw naman ng mga kongresista kaya hindi sinisiputan kapag tinatawag sa BBL, walang korum kaya hindi natapos. Walang na transmit ika nga sa Senado kaya wala kami…Ni hindi ko alam kung bakit sa Senado sinisisi ang hindi pagkapasa ng BBL. Bukod pa roon ay talaga naman ang lahat ay ayaw ng BBL pinipilit ng Palasyo. Ito’y unconstitutional at bukod pa roon ay hindi naman kapayapaan sa Muslim Mindanao. Kaya’t maraming kumokontra. Kaya kami nagfile ng substitute bill sa palagay ko tama lang, constitutional at sinama ang lahat ng mga komentaryo ng lahat ng mga stakeholder para maging mas matagumpay ang Basic Law on Bangsamoro Autonomous Region.

Taruc: Sa maraming pagkakataon na nagtatalumpati ang Pangulo, laging isa ito sa mga isyu na sinusumbat lagi sa di pagpasa ng BBL.

BBM: Yung unang version pinadala ay talagang hindi papasa sa Kongreso, hindi talaga papasa sa Senado. Pero mayroon nga kaming pinalit na substitute bill. Iyan ang gusto naming ipasa dahil sa aming pananaw ay ito’y naayos na ang lahat nr problema nung bersyiyon na pinadala sa amin ng Palaysyo.

Milky Rigonan: Balikan ko lang yung mungkahi ng Comelecna baka ilipat daw po Sen. Marcos ng June 9 ang eleksyon. At ito po bay hindi pwedeng ipilit kasi sabi mo wala sa Konstitusyon at kung wala ito sa Konstitusyon at ipipilit pa rin, ano po ba ang nakikita mong agenda?

BBM: Nakakatakot nga eh bakit nilang gagawin iyan. Matagal na nating naririnig ang mga bagay na iyan dahil ginagawa nilang dahilan dahil may order ang Supreme Court na kailangan sila mag-provide ng resibo doon sa bawat botante. Nasa batas din iyan eh. Nakapagtataka kung bakit sila nagpupulot niyan na oorderan sila ng Supreme Court dahil nasa batas talaga na mag provide sila ng verifiable receipt para sa bawat botante. Dapat doon sa timetable na ginawa nila, kasama na iyan. Pero pagka usapan ang legality dito, ang next ay i-amenda ang Konstitusyon kasi hindi na pwedeng palita iyan. Kaya yung mga tinatawag na no election, delayed election ay kailangan palitan o amyendahan ang Konstitusyon. Hindi natin magagawa yun kaya baka naman ito ay opening salvo lamang na ang suggestion nila na gagawing manual. Hindi naman maaari yun dahil may batas nga na lahat ng national election ay automatic ang counting. Kaya hindi ko maintindihan na parang nagsisimula pa lamang…hindi ko alam kung paano nila babaguhin lahat iyan.

Taruc: Senator, maraming salamat. Magandang umaga ho.

Rigonan: Magandang umaga po, Senator.

Back to Blog