Interview with Jason Monteclar of DYCM for the program “Baradikabra”

JASON MONTECLAR: Maayong buntag diha. Live tayo sa DYCM. This is Jasyon Monteclar. Good morning nimo, sir.

BBM: Good morning, Jayson. Maayong buntag sa ating mga kaibigan. Magandang umaga po sa inyong lahat.

MONTECLAR: Maayong buntag po diha sa kaninyo, sir. Una sa lahat, kumusta yung pagbisita ninyo dito sa Cebu? Hanggang kalian po kayo dito, Sen. Bongbong?

BBM: Nandito ako sa Cebu City today at pupunta naman kami sa province sa Sabado at sa Linggo. At so far masasabi ko nakakatuwa naman at mainit ang salubong na binibigay sa atin sa ating mga kaibigan dito sa Cebu. Very successful ang mga naging meeting natin. So, I’m very happy so far and the response ng ating mga kababayan dito sa Cebu City. Sana naman ipagpatuloy lang at ipagpatuloy lang natin ang pag-ikot sa Sabado at sa Linggo.”

MONTECLAR: Sen. Bongbong, marami pong na-impress kahapon kasi po sinasabing 99% sa lahat ng mga barangay kapitan dito sa Cebu City sa inyong lunch meeting with these barangay captains.

BBM: Talaga dito sa Cebu kasi ako yung Chairman on the Committee on Local Government sa Senado. At marami kaming napag-usapan ng mga iba’t-ibang isyu ukol sa mga barangay officials at sa local government. Kaya napakaganda ng aming talakayan. Napakaganda ang aming pag-usap at marami kaming na-cover na subject tungkol sa ating government at tungkol sa mga benefit ng ating barangay officials.

MONTECLAR: Sir ano po ang inyong ma-ooffer sa mga barangay kapitan kung saka-sakali manalo kay bilang bise presidente?

BBM: Iyana ng aming napag-usapan. Sinabi ko sa kanila na ang aking naging role na nakaraang anim na taon ay maging boses ng local government. At dahil diyan, marami tayong nagawa para pahtulong sa trabaho ng ating mga local government officials. At bukod pa roon, marami pa tayong maaaring gawin. Ang political career ko naman ay nasa loob ng mga lokal na issues, mula nung naging governor ako. Kaya iyan ang ginawako sa huling anim na taon. Ipagpatuloy ko ang aking pagseserbisyo sa pagbibigay boses sa ating mga barangay officials at ating mga local officials. At kung anumang nagawa ko sa mahigit na 30 taon na pagserbisyo, ipagpatuloy ko at ipagpatibay ang suporta ng national government at yung ating local government officials at pagkaroon ng partnership with the national government.

MONTECLAR: Sen. Bongbong, alam po natin na hindi masyado malawak ang kapangyarihan ang mga tao na magiging bise presidente given the limitations po ng office na hinahangad po ninyo. But somehow, may magagawa pa rin ang isang bise presidente. Given these limitations po, sir, ano po yung mga konkreto ng mga gagawin po ninyo kung saka-sakali pong kayo ang mananalo. Sa halalang ito given the fact na sinasabi ng iba na ang papel po ng bise presidente ay mag-antay lang mamatay ang presidente. Given that scenario, ano po ang konreto na magawa niyo sa taumbayan, particularly on national issues at mga iba pa pong polisiya?

BBM: Sa aking palagay, maraming magagawa. Hindi naman ako papayag, kung sakaling mahalal, na mag-antay na ang presidente ay magka heart attack. Hindi ka naman siguro binoto ng mga tao para diyan. Pagka tinatanong sa akin ano yung departamento na nais kong makuha, kung sakaling mabigyan ng pagkakataon, ay yung DOLE. Dahil sa aking pananaw ay napakalaking problema sa employment at sa trabaho. Dapat nating bigyan ng proteksyon ang ating manggagawa kagaya ng security of tenure, kagaya ng mga benepisyo na dapat ibigay sa kanila, at nagkakaproblema tayo sa contractualization na hindi nakakatiyak ang ating manggagawa sa kanilang security of tenure. Iyan ay isang bagay lamang. Kailangan nating palawakin at palakihin ang ekonomiya para madagdagan ang trabaho. Kailangan natin dagdagan ang imprastraktura, kailangan natin magbigay ng training sa ating manggagawa, at kailangan silang handa para sa labor market. At ang ating agrikultura ay napakahina na. Iniiwanan na tayo sa ating mga kasama sa ASEAN at sa Asya. Kailangan bigyan ng pansin ng ating pamahalaan ang imprastraktura, ang irigasyon, pati na yung dredging system at pautang natin, pati na yung research and development. Dahil malaki ang ating kailangan itulong sa kanila. Dapat natin suportahan an gating mga guro, at suportahan hindi lamang sa pagtaas ng sweldo, kung hindi pati sa paglawak ng kanilang kaalaman. Kahit naman sa foreign policy makakatulong po tayo. Dahil sa tagal ko na ring nag serbisyo publiko, marami naman tayong maibibigay na kontribusyon. Para sa kabataan, natapos natin yung SK Reform Bill at yung kanilang mga isyu, halimbawa, lahat ng state universities and colleges ay magiging free ang tuition. Kaya na bayaran ng gobyerno iyan para sa kanilang pangangailangan. Lahat ito sa aking palagay ay mabibigyan ng pansin, mabibigyan natin ng solusyon. Ngunit, ang lagi kong sinasabi, dapat natin ipagkaisa ang sambayanang Pilipino. Mahirap itong sistema na yung mga lider natin at pinahiwa-hiwalay tayo, pinagaway-away tayo dahil sa politika. Dapat bumalik tayo sa pagkakaisa, sa pagtutulungan at sa ganung paraan, ito lang kasi ang nakikita kong tanging paraan para maramdaman ult ng ating kababayan ang progreso ng ating minamahal na Pilipinas.

MONTECLAR: Sen. Marcos, if you don’t mind po, may nagtext po sa atin, isang barangay kapitan, ito po’y nasa outskirts ng Northern Cebu, si Kapitan Alivio. Nagtatanong po siya “Sir, please relay this query to Sen. Bongbong. Matalo o manalo man siya, ano ang tiyansa ma-approve ang niluluto nilang Barangay Reform Act?”

BBM: Ang unang gagawin ay yung barangay election postponement. Dahil yung sistemang ginawa namin sa Sangguniang Kabataan ay pinostpone naming yung halalan para mabigyan ng oras para mapag-aralan lahat ng mga isyu. May nagsasabi noon na i-abolish na yung SK. Sa palagay namin hindi naman tama yun. Dapat ipagpatuloy na may boses ang mga kabataan sa pamahalaan. Kaya ang nais naming gawin muna ay i-postpone…ang una naming ginawa ay pinopostpone ang barangay elections tapos pagka postpone, pinag-aralan namin kaya mayroon din tayong SK Reform Bill para sa pagbabago sa sistema ng SK. Ganun din ang gusto nating gawin para sa mga barangay officials. I-postpone muna ang halalan at habang naka postpone, pag-aralan natin ang proposal ng mga barangay officials na ang termino ng elected barangay officials ay limang taon at ang kanilang term limits ay tatlong term. Kaya ito sa aking palagay ay dapat pag-usapan man lang at ito ang hinihingi sa atin ng ating mga barangay officials.

MONTECLAR: Sir, last two questions for you. Number one, tungkol po sa March 1-6 na survey na pinalabas ng Pulse Asia. Si Sen. Bongbong Marcos po ay practically statistically tied with Sen. Chiz Escudero. But somehow mas malakas-lakas ang inyong rating diyan sa National Capital Region which is 37% versus the 23% of Sen. Escudero. But dito po sa Visayas, medyo mahina-hina po ang inyong rating 12% po ang nakuha ni Sen. Marcos. Ano po ang sa tingin niyo ang kailangan gawin para ma boost po ang inyong mga surveys?

BBM: Sa aking palagay, kailangan talaga ipagpatuloy ang aming pag kampanya. Hindi pa ako masyadong nakapag-ikot sa Visayas at inuna ko yung Luzon. Pinuntahan ko ang aking home province ng Ilocandia. Ang aking palagay yung mensahe ng pagkakaisa, iyan ang aking dapat ipagpatuloy hindi lamang sa Cebu, sa Region 6, 7, 8. Pagka napag usapan na natin itong mensahe, mararamdaman na ang pag-akyat ng numbers sa survey.

MONTECLAR: Sir, my one last question for you this morning Sen. Bongbong before I let you go, may mga black propaganda na kumakalat ngayon na nag aakusa po sa inyo na kayo po daw ay guilty of historical revisionism kasi po daw binabago daw po ninyo ang kasaysayan, especially daw nung nakaraang administrasyon ng inyong ama.

BBM: Nagtataka nga ako kung bakit nila sinasabi iyan dahil ang sabi ko sa kanila ano ba ang sinabi ko na hindi totoo? Wala akong sinasabi na hindi ko alam dahil ako’y mismo ay nandoon at iyan ang aking alam na pangyayari. At hindi ko alam ang kanilang tinutukoy kung bakit nila sinasabi na revisionism daw. Revisionism ibig sabihin binabago ang kasaysayan. Ano naman yung aking sinasabi tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas na hindi totoo? Kaya nakakapagtaka na yung nga ang sinasabi sa akin.

MONTECLAR: Sen. Bongbong, ano ho yung inyong mensahe sa mga Bisaya ngayon nandito kayo sa Cebu. What’s the message of Sen. Bongbong kung bakit nandito kayo sa Cebu City?

BBM: Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng ating kasamahan, lahat ng ating kababayan dito sa Cebu sa napakainit na salubong ibinigay ninyo sa akin. Hindi lamang ang ating mga opisyal kundi pati na ang taumbayan. Nakakataba naman po ng puso na tinatanggap ninyo ang aking mensahe. Ang aking mensahe at ipinaglalaban dito sa kampanyang ito ay hindi lamang ang aking sariling kandidatura bilang bise presidente, kung hindi ang pagsulong ng isang kilusan ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Ito ang tanging paraan na maramdaman uli ng ating bansa ang pagbabago, ang kaunlaran at ang pagpaganda ng buhay ng ating mga kababayan. Samahan niyo po ako dito sa ating gagawin na kilusang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino para sa Progresibong Bukas.

MONTECLAR: Sen. Bongbong Marcos, sir, I thank you once again for your time and explanation po dito sa ating himpilan sa DYCM. Thank you so much, sir.

BBM: Maraming salamat, Jason at maraming salamat sa lahat ng tagapagkinig.

Back to Blog