Interview with former Senator Orly Mercado of Radyo 5 for the program “Orly Already”

Orly Mercado: Hi good morning Senator Bongbong.

Senator Bongbong Marcos: Hi goodmorning Sen. Orly at magandang umaga sa mga nakikinig. Good morning po sa inyo.

OM: Paki bigyan mo nga kami ng update kung ano ang kasalukuyang kalagayan dito sa mga debate tungkol sa BBL?

SBBM: Tuloy pa rin basta’t halos araw-araw may interpellation dito sa BBL. Sa kasalukuyan ay si Senator Enrile ang nagtatanong sa akin. Mayroon pa yatang dalawa pa. Si Senator Miriam ang magiinterpellate tapos si Senator Sotto, tatapusin niya iyung kanya. Tapos na ang interpellation at that point. So, tuloy-tuloy lang ang aming pagdeliberate dito sa mga basic law na aming ginagawa.

OM: So you will proceed na sa period of amendments?

SBBM: Well, as soon as we finish with the period of interpellation, pero mahirap i-predict kung kailan matatapos iyun.

OM: That’s true. Minsan mayroong mga isyu. Biglang lalawak iyan. Biglang magkakaroon ng intense debate. Pero sa tingin mo ba ay matatapos ito before you adjourn for your break?

SBBM: Before this break, maaaring matapos dahil kagaya ng sabi ko, halos everyday basta’t may oras pa sa session, ginagawa namin iyung pagtuloy ng pagtalakay dito sa basic law. May pag-asa pa. Depende nga at hindi natin malaman kung gaano katagal o gaano kahaba ang magiging interpellation. Pero tuloy-tuloy lang at palapit na tayo at patapos na sa doon sa period of interpellation. Baka sakali, para mapabilis din, ang maaaring gawin ay iyung period of amendments imbis na isa-isa na bawat isang Senador ay tatayo at magpopropose ng amendments, baka pwede naming pag-usapan at gawing committee amendment na lahat. Para minsanan na lang. Ako na lang ang tatayo. Magpropose na lang ako ng amendment at minsanan na para tapos na kaagad.

OM: Talaga naman. Hinahanap din lahat ng mga paraan sa proseso para mapabilis ang usapan.

SBBM: Palagay ko, actually kung tutuusin, baka naman iyung batas ay kayang mapasa dito bago matapos itong administrasyong ito. Ang amin lang sinasabi sa isa’t-isa ay pagkakataon na ito na gumawa tayo ng isang batas na maganda- na talagang magkakaroon na ng kapayapaan sa Muslim Mindanao. Kaya’t ginagawa namin ang lahat para maging maayos iyung batas para baka naman ito na iyung ating maging solusyon doon sa matagal na nating problema.

OM: In other words, lahat naman ay parang nagkakaisa doon sa objective. Ang nagkakaiba lang doon sa mga daraanan because may mga isyu na nauukol doon sa mga constitutionality.

SBBM: Mayroon lahat pero palagay ko lumilinaw na na mayroon talaga tayong mahahanap basta’t ipagpatuloy natin ang pag-aaral. Ipagpatuloy natin ang usapan. Para malakas ang kumpiyansa namin na basta’t ito’y pag-aralan natin at pag-usapan natin ng mabuti, magkakaroon tayo ng magandang version. Hindi mahirap ipasa dahil makikita naman ng lahat ng mga Senador na maayos na ang final version ng Senado.

OM: Maiba ako ng usapan Senator Bongbong, ano ba reaksyon mo rito doon sa pagrere-open ng mga kaso ng SAF 44 after a committee repost has already been submitted? I think it is being re-opened ulit.

SBBM: Ang tingin ko ang possible motion ay ibalik ulit. Dahil ang committee reports hindi pa nafa-file. Although napublish na, hindi pa nafile. So, hindi pa na-interpellate, hindi pa natanong iyan. Baka may move nga na ibalik sa floor para i-file na para maibalik sa floor para mapag-usapan at magtanong. Ang talagang nagmove nito ay si Senator Enrile dahil nga wala daw siyang pagkakataon dahil nakadetain siya noong ginagawa iyung imbestigasyon. Baka ito na iyung sinasabi niya, he needs a chance to be able to put to question some of the details noong nasa report.

OM: Alam naman natin sa Senado, ay talagang importanteng mabigyan ng pagkakataon lahat ng mga miyembro kung mayroon pang mga Senador na mayroong mga katanungan, ang proseso noon ay pinagbibigyan para mailagay on the record ang kanilang mga issues.

SBBM: Tama iyan at syempre kasama sa proseso ng paglelegislate iyan. May karapatan naman lahat ng Senador na magtanong ang lahat ng kanilang gustong itanong. Very specific iyung case ni Senator Enrile dahil maliwanag nga naman na hindi siya nakapagtanong at hindi siya nainvolve. Sa pag-aaral daw nila sa report, mayroong nga siyang gustong itanong para iliwanag. Kaming lahat naman na iba ay para sa amin kung ito ay ang magdadala ng katarungan para doon sa pamilya ng mga nasawi na SAF 44, mabuti na rin iyan para mabalik sa pag-iisip ng ating mga kababayan kung anong nangyari dahil 9 months na ito at hanggang ngayon hindi pa tayo nakakakita. Pabalik-balik ang imbestigasyon. Hindi pa tayo nakakakita ng mga na-filan ng kaso. Marami tayong narinig na pangako na sinabi malapit na magfile ng kaso, ngunit wala pa nangyayari. Hindi natin makalimutan iyung pamilya noong mga SAF 44 ay ang kanilang hinhingi sa atin ay katarungan. Hindi gaano iyung benepisyo, iyung scholarship, iyung mga kung ano-ano pa, kung hindi talaga sabi nila, huwag sana kalimutan iyung mga ang kanilang namatay na ama, na kapatid, na anak, na asawa. Ito ang tanging layunin siguro ng Senado na mabigyan nga ng katarungan lahat ng mga naiwan na pamilya ng SAF 44.

OM: Maraming Salamat Senator Bongbong Marcos. Thank you very much for answering our call.

SBBM: Magandang umaga Sen. Orly at magandang umaga po sa inyong lahat. Maraming salamat po.

Back to Blog