Interview with Erwin Tulfo and Martin Andanar on Radyo 5

R5: Good morning, si Erwin Tulfo po ito at si Martin Andanar, live tayo sa Radyo 5, live po tayo sa TV 5 Mr. Senator, sir.

Sen. Bongbong: Good morning, good morning.

R5: Opo sir, reaksyon lang po ninyo: pumirma na po ang 20 senador doon po sa committee report na sinasabi nila na may pananagutan ang Pangulo, may kapalpakan, kasuhan ang etc. etc, kasuhan ang MILF, BIFF na pumatay dito. Entonces sir, maraming senador ang sang-ayon, majority—apat lang ang hindi yata pumirma—pero halos lahat po ng miyembro ng Senado ay pumirma na po dyan Mr. Senator, sir?

Sen. Bongbong:: Oo, napirmahan na namin ang draft committee report at ito ay naibigay na sa Senado—kahapon yata ang pormal na pag file. At kaya’t pinag-aaralan ngayon namin yung committee report, medyo mahaba-haba yung committee report na ito.

At tama naman siguro yung ginamit na salita dun sa committee report na yung iba na na-involve sa Mamasapano ay mga murderer. Kaya’t talaga naman ay ako ay sang-ayon dun dahil nakita naman natin sa mga iba’t-ibang video kung papano ang pagpatay dun sa tropa ng SAF. At wala nang ibang magamit na salita kundi murder talaga ang nangyari.

Kaya’t dapat talaga silang habulin, imbestigahan at kasuhan ng DoJ. Kaya naman kung maaalala ninyo, nung hinahahap ng DoJ ang report ng MILF ay tinuro sila, kunin daw sa Malaysia. Kami din ay ganun din ang aming hinihingi, yung MILF report, ay sinabi sa Malaysia daw kukunin. At imbes na ibigay sa Pilipinas, at ibigay sa mga kinauukulang awtoridad, ay ibinigay sa Malaysia.
Kaya’t nag-file ako ng resolution nung Martes, para nga orderan ang OPAPP na kumuha ng official copy ng report ng MILF ng sa ganun makumpleto na natin ang impormasyon tungkol nga dito, tungkol sa mga nangyari sa Mamasapano.

Ang interes ko ay hindi kagaya ng DoJ. Ang DoJ nag-iimbistiga para magbuo ng kaso kontra sa mga murderer na nasama dito sa Mamasapano. Ako naman ang interes ko ay malaman ang impormasyon kung ano bang nangyari sa panig ng MILF nung Linggo na yun, 25 January, para mapatibay natin at mapaganda natin ang proseso ng ceasefire.

Dahil ang proseso ng ceasefire na nangyari, alas singko-medya, alas-sais ng Linggo, ay nagsisimula na yung ceasefire process para ipaghiwalay ang dalawang panig, matigil ang putukan. So ang nangyari ay —tinatrabaho nga nila yung ceasefire—hindi lumabas yung ceasefire hanggang alas kwatro ng hapon. Kaya’t halos 11 hours, halos 10 and a half hours, tuloy-tuloy pa rin ang putukan.

Tapos mayroon pa rin mga miscoordination na yung AFP nung mga bandang tanghali, mga 1:00 o’clock ng Linggo, ay yung mga AFP, yung mga ibang tropa natin ay pinaatras na ng ating mga ceasefire panel dahil sinasabi nila mayroon nang usapan. Pero ang katotohanan hindi natigil yung ceasefire hanggang alas kwatro. Mayroon ding testimonya na 11 o’clock ng umaga ay alam na ng MILF commanders na ang kaharap nila ay government troops pero hindi pa rin natigil.

R5: Sir, bakit ho inabot ng halos pitong oras bago ma-ano yung ceasefire sir, ma-implement?

Sen. Bongbong: Nakakapagtaka nga e. Dahil yung proseso ng ceasefire medyo mayroon pang ibang mga pangyayari dito sa proseso ng ceasefire, yung ating ilang beses nang narinig na hinihingi ng SAF na magpaputok ng artillery para paatrasin yung kalaban. At ito’y hindi nangyari hanggang mga alas-singko medya, alas-sais ng Sunday na gabi na.
At sa report ng Senado, mayroong lumabas na salaysay na ang dahilan daw kung bakit hindi nagpaputok ang Army ng kanilang artillery ay dahil mayroong sinasabi sa kanila, may ceasefire na, huwag na kayong magpaputok, kaya napigilan ang AFP.

R5: Naku. Susmaryosep.

Sen. Bongbong: Kaya’t papano nangyari ito, medyo nagkakagulo-gulo. Kasi siguro…nangyari at hindi pinigilan ang Army na magpaputok, siguro natigil na yung laban umagang-umaga pa lang.
R5: Palagay nyo Senator Marcos sir, matutukoy pa ninyo kung sinong pumigil dito sa Philippine Army o sa AFP natin na magpaputok? Sa palagay po ninyo malalaman pa natin in the near future?
Sen. Bongbong: Sa palagay ko dahil yan ang magiging usapan sa susunod na hearing. Yung sumunod na hearing na ini-schedule ko sa April 13, ay tungkol nga dyan sa ceasefire mechanism. Dahil may mga lumabas na detalye dun sa aming mga hearing pero kulang pa. Kaya namin pati inaasahan na magkaroon ng kopya ng MILF report, kasi pag nagkaroon ng kopya ng MILF report halos kumpleto na, sapat na ang impormasyon natin, malaman natin kung anong nangyari sa government side at saka sa MILF side.

R5: Senator Bongbong Marcos sir, lumabas ba sa inyong pagpupulong na ang pangalan…. ay ang OPAPP bilang naging impluwensya dyan sa ceasefire?

Sen. Bongbong: Siguro, dahil kasama sila sa peace panel, sila’y kasama dun sa mga ceasefire mechanism. Hindi malaman kung sino ba talaga ang nagsabi. Kasi mayroong mga report na mga text message na aming nakita, na sinabi, nakalagay dun wag munang magpaputok dahil nga sa peace process, o sa peace agreement. Hindi nga maliwanag. Bakit ayaw paputukin dahil may ceasefire, may peace process? Parang hindi tama yun.

Ang nakita naman ay hindi naman yung peace process pala ang ibig
sabihin, yun lang ang tinext. Pero ang ibig sabihin ay napagsabihan na sila na may ceasefire na in place kaya’t wag na muna kayong tumuloy.

R5: Sir panghuling katanungan na lamang, Senator Marcos sir—na surprisingly itong board of inquiry—–maganda ang report, palakpakan ho ang mga kababayan natin. Matapang, sabi nga ng mga senador, at kayo na mismo dyan sa Senado, without fear or favor yung ginawang report ng BOI. Pero suddenly yesterday sir, biglang nag 180 degrees turn si Gen. Magalong na hepe ng BOI at sinasabi wala kaming sinasabi na may vinaolate na chain of command o command responsibility ang Pangulo. Ito po ay after ipatawag sya sa Malacanang for three hours at nasabon yata ang mama. So ngayon parang gustong baguhin po ng BOI ang report na sinasabi na walang kinalaman ang Presidente, hindi sya kasama nga talaga dyan sa chain of command, when in fact noong unang report nila at naka fine print sinasabi lumabag ang Pangulo sa chain of command. Anong reaksyon ninyo dito sir?

Sen. Bongbong: Palagay ko kahit na anong ipilit nilang sasabihin ni Benjie Magalong alam naman natin lahat…..Ako sasabihin ko mayroon kaming pangamba na….Maaalala nyo yung Pangulo may meeting sa mga religious leaders nung isang Linggo. Tapos dadating dapat yung report, yung police report sa amin nung Monday.

Pero mayroong salaysay si Pangulong Aquino dun sa mga religious leaders na puro Napenas ang kanyang sinisisi. Kaya’t nung humingi ng three days extension ang PNP, ay natakot kaming lahat—naku baka binabago na yun para sumangayon na nga doon sa salaysay ni Pangulong Aquino.
Pero kahit papano, paulit-ulit naming sinasabi na tama ang ginawa ng CIDG chief na si Benjie Magalong, lahat ng kanilang ginawa sa Board of Inquiry—nagpakita sila ng gilas at nagpakita sila ng tapang at kanilang galing, and they were independent.

So kahit ano pang ipilit nilang ipasabi kay Gen. Magalong, lahat naman tayo maliwanag na maliwanag na na-violate ang chain of command, na bypass ang PNP command structure, at gumawa ang Pangulo ng sarili nyang command structure. Ang command structure nya ay sya, yung Pangulong Aquino, ang suspendidong Chief PNP si Gen. Purisima, at si Napenas. Nawala lahat si Gen. Espina, sina Gen. Magalong—lahat sila ay hindi nasama sa usapan. Doon ang naging problema.

Kaya I sympathize with Gen. Magalong na naipit sya sa alanganin. Pero tama yung kanyang ginawa at pagbabasehan lahat ng pag-uusap at pagdebate dito na yung kanyang ginawang report na very independent and very thorough.

R5: Ngayon po senator na naglabasan na nga yung mga report, and of course there’s the saying that the buck stops with the President, ano na po ang mangyayari sir, kasi alam natin meron po namang immunity ang Presidente? At ang sinabi ni Sen. Grace Poe, pwede ang impeachment kasi impeachable offense yung violation of the constitution?

So where do we go from here, Mr. Senator?

Sen. Bongbong: From my view, bubuuin ko lang yung impormasyon. Kung ano man ang aking makuha pag nabuo na natin yan ay gagamitin natin yang impormasyon para pagandahin yung BBL at ipagpatuloy ang pagdinig ng BBL para yung mga area nung BBL na may problema ay maayos na natin. Para nga, ang lagi nating iniisip, ay itong pangyayari sa Mamasapano, na hindi na maulit.
In terms of the President, siguro dahil nga may immunity siya, mayroon nga siguro magsa-suggest yung atin lang pwedeng pang parusa dyan ay impeachment. I don’t know if this is an impeachable offense.

But as far as I’m concerned, I think, para to move forward, ang kailangan talaga natin ay i-clear from the President kung ano ba talaga ang kanyang iniisip nung kanyang ginawa yung pag-plano, pag-execute ng Oplan Exodus na ganito ang nangyari.

So yes, the buck stops here. Talagang kailangan syang magpaliwanag hindi lang para sa aming mga legislators; mas importante para sa families ng mga namatay, at sa taong bayan. Ito’y isa pang trahedya na nangyari sa Mamasapano: nawala ang tiwala ng taong-bayan sa peace process. That is a tragedy. At kailangan nating mabalik ang kumpyansa ng taong bayan sa peace process para itulak natin at ipagpatuloy natin itong proseso na magkaroon ng kapayapaan sa Muslim Mindanao.

R5: Very well said. With that maraming salamat po, Senator Ferdinand Bongbong Marcos. Magandang umaga. Mabuhay po kayo sir.
Sen. Bongbong: Magandang umaga sa inyo at magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig. Good morning po.

Back to Blog