Interview with Eljib Damasco of Radyo Bandera for the program “Kuskos Batikos”

Eljib Damasco: Magandang hapon po, sir. Si Senador Bongbong Marcos, isa sa mga ating vice presidential candidate. Welcome po dito sa napakagandang lugar ng Puerto Princesa, Palawan.

BBM: Magandang hapon at magandang hapon sa lahat ng nakikinig. Si Bongbong Marcos po ito at tuwang tuwa na kasama ninyo sa pagdiriwang sa inyong foundation day ngayong araw na ito.

Damasco: Yes, Balayong festival nga itong pinag-usapan natin kanina. Diretso na po tayo, sir. Bukod po dito sa pagbisita niyo dito sa aming kaarawan, itong pag-celebrate ng Balayong festival, ano pa po ang nasa linya ng schedule niyo dito sa amin sa Palawan?

BBM: Una pa lang iyan dito sa kampanya. Ito pinuntahan ko talaga dito ay sadya ko talaga yung Balayong festival sa foundation day ninyo. At pagkatapos natin dito sa event niyo ay tutuloy na siguro kami doon sa paranda at makikipag ugnay doon sa ating mga kaibigan na iba’t-ibang lider, hindi lamang ng Puerto Princesa, kung hindi pati ang probinsya ng Palawan.

Damasco: Naki-update lang po kami bago po ang mga katanungan na inihanda po namin sa inyo. Kumusta po ang kampanya na inilalakad po natin sa buong Pilipinas?

BBM: Maganda naman at nakakatuwa na maganda ang pagtanggap ng taumbayan sa aking mensahe na simple lamang – ang mensahe ng pagkakaisa at mensahe ng pagtulung-tulungan ng mga Pilipino. Lagi ko ngang nasasabi kailangan na rin nating balikan ang pag-iisip ng pagkakaisa ng sambayanan dahil iyan ang kailangan natin para maging maayos ang ating pagbigay ng mga solusyon sa ating hinaharap natin mga mamamayan.

Damasco: Sir, lahat po ng aming inimbitahan dito ay naka-sentro po aming mga katanungan sa aming mahal na Palawan. Palawan is the last frontier po, alam po natin iyan. Ito po ay environmentally challenged. Hindi ko na po iisa-isahan iyan. Ano po yung mga plano niyo bilang bise presidente kung sakali kayo ay manalo para pangalagaan po itong ating kalikasan dito sa Palawan?

BBM: Ang dapat dito, lalo na kapag ang pinag-uusapan ang kalikasan, ang dapat talaga nating bantayan, maipakita na may halaga itong ating mga tourist destinations. Ito ating mga beautiful areas ay kailangan pangalagaan dahil ito ay nagbibigay ng hanap-buhay sa mga tao. Kung sasabihin lang natin environmentally-sensitive ito, o baka ito’y maaabutan ng paninira, dahil nga sa paglagay ng basura, o sa overfishing o pagtayo ng mga gusali na hindi naman dapat ilagay, hindi siguro maunawaan ng mga tao iyan. Pero kapag maliwanag na ito’y nagbibigay ng hanap-buhay, hindi mo na kailangan sabihin na kailangan bantayan iyan, kailangan alagaan ng mabuti iyan dahil ang tao mismo kung saan kumukuha ng hanap-buhay diyan, ay sila mismo magbabantay na walang maninira diyan sa mga areas na iyan. Kaya’t ang una nating gawin ay siguro talagang alam naman natin na leading tourism destination ang Palawan. Mas lalo pa natin i-encourage iyan. Maging mas maayos pero siyempre ang development kailangan bantayan ng husto. Na hindi nabibigyan ng permiso kung sinu-sino magtayo ng kung anu-anong klaseng resort na hindi naman maganda, hindi environmentally-friendly at nakakasira lang doon sa kalikasan na yun mismo ang pinupuntahan ng ating mga turista. Pero pagkatapos nun kailangan din natin ayusin ang sistema para sa turismo dahil sa ngayon ay naka pako tayo sa four-and-a-half million na turista sa buong bansa bawat taon at ito’y lagi nating naririnig na gusto sana ng gobyerno na umabot na sa sampung milyon iyan. Pero yung airport natin hindi na kaya. Hanggang four-and-a-half-million na lang. Kaya siguro kailangan na nating pag-aralan yung mga direct flight na hindi na dumadaan ng Maynila. Yung imprastraktura para sa direct flight dito sa Puerto Princesa baka sa ibang lugar pa kung kakayanin ay kailangan na nating pag-aralan para ma decongest kasi hindi natin siguro ilang taon pa bago natin maayos ang problema dito sa Maynila yung congestion ng airport, yung trapik sa airport. Sayang naman yung panahon na yun. At habang wala pa namang plano na maganda, mahirap naman kung sasabihin natin doon sa mga tiga-Palawan na “mag-antay na lang kayo na maayos yung problema sa Maynila.” Pero pwede naman nating gawan ng paaran siguro simulan nga natin sa pag-aaral na kung papaano natin palakihin natin ang airport at makapag-direct flight na tayo sa ibang lugar like Puerto Princesa.

Damasco: Magandang ideya po iyan sir pero bago akong magpatuloy sa ibang katanungan, isang bahagi po naman ng ating himpilan, si Ma’a, Joy muna. CNN correspondent, para kay Senator.

Damasco: Maraming salamat sa iyo ka-Pedro. Isang malaking karangalan na maging bahagi sa…

BBM: Maraming salamat din.

Damasco: Sir, according to surveys, especially in Palawan, you’re the front-runner sa vice presidential race. Kapag tinanong natin ang mga tao sinsabi nila kaya ka daw nila iboboto kasi you are not your father’s son. Ano po ang masasabi ninyo dito, sir?

BBM: Sari-sari. Ako, bilang experienced na pulitiko, ang pagkaintindi ko bawat botante may sariling dahilan eh. Iba’t-ibang dahilan kung bakit sila bumoboto. Ang aking iniintindi lang talaga na mabuti ay makapag-bigay ng solusyon sa mga problemang hinaharap ng taumbayan. Yung sa kanilang araw-araw na buhay. Dahil kapag nangangampanya ka, ang talagang sinasagot mo na tanong, ang tanong ng ating mga voters, ay bakit kita iboboto? Anong maitutulong mo sa akin? Anong mapapaganda mo sa buhay ko? At yun ang gusto kong ipaliwanag at yun ang ginagawa ko kaya mensahe ko sa aking palagay, agrikultura natin halimbawa, malaka ang problema natin pero mayroon tayong mga solusyon diyan: pagandahin ang patubig, pautang, pati na yung research and development, yung mga bagay-bagay na mga iyan. Mayroon tayong solusyon diyan. Pampadami ng trabaho, pagandahin ang ating imprastraktura, yung training ng ating mga manggagawa, pag partner sa private sector at gobyerno para kung ano ang pangangailangan ng private sector suportahan ng gobyerno. Itong mga bagay-bagay na ito, alam natin kung papaano gagawin. Yun lamang, hindi natin nagagawa dahil tayo ay laging namumulitika, nakikipag-away sa isa’t-isa. Kaya ang lagi kong sinasabi, bukod sa ating kandidatura bilang kandidato sa pangalawang pangulo, ay kinakampanya ko rin itong tinatawag ko na Kilusan ng Pagkakaisa. Dahil kailangan mabalik tayo sa talagang ugali ng Pilipino na hindi pala-away, na laging matulungin. Kilala nga tayo, pinagmamalaki nga natin ang katangian ng Pilipino yung bayanihan. Kailangan natin balikan yung ating tunay na ugali at kung ano yung sa tunay na kultura ng Pilipino. At sa pamamagitan niyan, ito’y paraan para maramdaman ulit ng taumbayan ang progreso at pagpapaganda ng kanilang buhay.

Damasco: Si sir Reggie Damasco may tanong din para kay Senator.

Damasco: Senator, magandang hapon po. Ang tinatanong po namin dito ng mga Palawenyo, kami po dito’y mayroong tinatawag na Malampaya pero hindi ho kami nakikinabang doon. Yung Malampaya po sa Palawan ho talaga yun. Pinaglagay po sila ng tubo sa Malampaya, 400 kilometers mahigit papunta doon sa Batangas. Kaya yung Batangas at Metro Manila 40% ng consumption ng kuryente doon galing sa amin. Pero kami dito sa Palawan problema ho naming dito walang kuryente dahil hindi pa po nabibigay sa amin yun pong rightful share ng Palawan, ayon sa Local Government Code. Ano po ang inyong opinyon dito

BBM: Mahirap at malaking problemang laging lumalabas na iyan tungkol sa kuryente at sa Malampaya dahil hindi inaaccount itong gobyernong ito kung magkano ba talaga ang kanilang kinokolekta diyan sa Malampaya. Hindi natin nalalaman, mayroon tayong estimate pero wala tayong counting. Kaya hindi natin masabi kung saan ba talaga pumupunta yung mga pera. Alam naman natin talaga yung consumption ng kuryente ay karamihan nasa Luzon. At mayroon talagang dapat binibigay sa local governments na bawat itong mga power station, kahit na sa amin yung mga wind farm, lahat yun ay talagang may share. Hindi lamang share, kung hindi ang malaking bagay pa ay dapat mayroon silang tinatayo sa community na kung saan sila nag-eexploit ng natural resources, ay kailangan mayroon sila sa ibang lugar – nagtatayo sila ng ospital, nagtatayo sila ng eskwelahan, nagpapatakbo ng medical mission, kung anu-ano. Kung anong hingiin ng mga lokal. Pero hindi natin magagawa yun hangga’t masagot ng ating gobyerno saan ba talaga pumupunta ang pondo nanggagaling sa Malampaya. At yung kuryente problema talaga iyan sa buong Pilipinas dahil wala na tayong nakikita na solusyon na panibago. Kaya napag-uusapan ko ang imprastraktura. Imprastraktura dahil kulang na kulang, napag-iwanan na tayo sa imprastraktura. At wala tayong naririnig na bagong plano para doon sa production ng kuryente para hindi gaano tataas ang presyo ng kuryente dahil may mga lugar na kung saan may mga production na may power plant o sa ibang lugar geothermal yun pa ang pinakamataas na kuryente kaya hindi tama yung sistema, hindi maayos ang kanilang ginagawa. Kaya kailangan natin tingin ng mabuti kung magkano ba talaga ang kinikita ng gobyerno diyan sa Malampaya, saan pumupunta ang pondo at papaano yung sharing para maging maliwanag na kung paano ang dapat pumunta sa Palawan ay nakakarating sa taumbayan.

Damasco: Maaasahan po ba natin na kapag kayo po’y magiging Vice President, maasasahan po ba ng mga Palawenyo na pwede po ba naming hilingin sa inyo na matututukan po ba ninyo ito at para namang guminhawa ang buhay ng mga Palawenyo?

BBM: Ang katotohanan niyan matagal na naming hinihingi sa gobyerno. Matagal na sila basta’t sinasabi ginagawa pa lang, hindi pa masyadong tapos, mag-antay. Lang. Ilang taon na kaming nag-aantay. Pero palagay ko kung talagang mabigyan tayo ng pagkakataon sa pagka bise presidente, palagay ko mas madami tayong magagawa. Makikita natin ang mga record at kung anuman ang dapat pumunta sa Palawan, hindi nakarating, ay dapat yun ang ipapakita magkano, paano, in what form, kung ito ba ay in kind o pondo, ipapaabot natin sa Palawan.

Damasco: Okay, last question ko po, Vice President Bongbong Marcos. Mayroon pong nagsusulong ng Miriam-Bongbong, mayroon din po nagsusulong ng AlDub – Alyansang Duterte Bongbong. Ano po ang masasabi mo sa mga ganyan?

BBM: Ganun talaga ang pulitika ngayon eh. Nagbago na. Hindi kagaya dati na basta ang tao hindi sinasabi ang kandidato. Sinasabi yung partido. Naalala ko pa nung bata ako eh, sinasabi na “Dito Nacionalista kami. Dito Liberal kami.” Dalawa lang yung partido. Hindi nila alam yung kandidato. Pag dating ng sample ballot, iboboto nila yung buong linya. Basta Nacionalista, basta Liberal. Ngayon, hindi na ganun. Yung kabaliktaran na ang nangyari. Ang tinitingnan ay yung bawat kandidato. Hindi na masyado nagtatawiran, hindi lamang yung botante, kundi pati lider. Yung mga mayor, yung mga barangay official. Kukuha sila ng kandidato sa isang partido. Tapos sa ibang posisyon, iba namang partido. Sa senador, halimbawa, halu-halo. Mukhang ganyan na nga ang takbo ng pulitika ngayon sa atin. Kaya hindi naman nakakapagtaka. Pero siyempre kailangan kong pasalamatan lahat ng sumusuporta sa akin at ako’y nagpapasalamat sa kanilang tiwala at sa kanilang pagtulong sa pagsuporta sa aking pagkakandidatura. Sa akin naman hindi mabibigo ang inyong pagsuporta, tulong at inyong tiwala.

Damasco: Naku, wala na akong masasabi, sir. Pero may natitira pa akong isang question sa inyo kung okay lang po. Alam naman po natin bawat bise presidente, lahat naman ng bise presidente naging chairman ng Housing. Iyan po ang isa sa mga alarming problems sa Pilipinas. Nakikita po natin mismo sa kabisera ng ating Pilipinas ang Metro Manila yung mga iskwater areas, yung nga po mga iskwater sa sariling bayan. Paano po natin sila maitatayo ng bahay ang lupa nga po ay wala eh. Ito po’y nationwide na concern sa Luzon, Visayas at Mindanao. Dumaan si Noli De Castro. Ano po yung inyong ibang approach para magkaroon naman ng kakaibang aksyon para sa pagbabago?

BBM: Nung first three years ko as senator, Chairman ako ng Committee on Housing and Relocation. Hindi simple ang problema. Number one, ang puno’t dulo ng problema, kailangan pondohan ng gobyerno ang pagpatayo ng bahay, paghahanap ng lupa. Ang hatian diyan, halimbawa, evacuation. Yung mga iskwater nasa mga ibang lugar. Sasabihin hindi nila lupa yun. Kailangan sila i-relocate. Okay, nirerelocate sila, kailangan yung LGU ang magbibigay ng lupa magsasabi dito sila ilalagay. Tapos NHA ang papasok para magpatayo ng bahay. Ang pagkakamali na nangyari ng ilang taon ay tinatayo bahay lang. Walang eskwelahan, walang palengke, walang mapupuntang hanap-buhay, walang simbahan, walang sakayan. Hindi pwede ganun. Kailangan buo ang paggawa. Kapag sinabi maytoong relocation site, yung relocation site na iyan kailangan yung kalkulasyon natin hindi lalayo sa isang oras para doon sa mga natratrabaho. One hour makakarating sila sa trabaho nila. Yun, number one – mayroon silang mapupuntahan na trabaho. Pangalawa, yung mga bata kailangan may mapupuntahan na eskwelahan. Tapos mayroon silang palengke o kahit ano kung saan pwede silang bumili ng gamit ng kanilang pangangailangan. So, yun ang kailangan natin gawin. Hindi maaari yung ginagawa ngayon na basta may imprastraktura, okay na yun. Alam ko iyan kasi yung ginagawa nila sa Leyte para doon sa mga inilipat nila from the danger areas na natamaan ng Yolanda, may kalsada, may bahay, walang tubig, walang kuryente. Papaano ka naman titira doon? Kaya ayaw lumipat nung mga tao. Bukod pa roon, ang housing shortage sa Pilipinas ngayon is 5.5 million. Ang kakulangan iyan ang dapat nating itayo na tirahan para sa ating mga kababyan. Sinasabi mahirap na daw sa cities dahil mahirap nang makahanap ng mga lupa. Kailangan isipin na natin balika, naaalala niyo pa ba yung mga bliss? Yun yung tinatawag na medium rise. Mga three floor, four floors, five floors. Kailangan ganun na ang kailangan nating isipin. Isa pang kailangan nating isama sa usapan, lagi nating iniisip pag housing ay lupang binibigay. Kailangan makapag-provide tayo kahit man lang renta. Pwede na yun. Basta’t wala na talagang kita, at least may ma titirahan ang mga tao pero basta’t nagbabayad ng rent. Okay na yun. Ang puno’t dulo nitong lahat, kailangan pondohan ng gobyerno. Kailangan kumitid ng gobyerno na talagang ayusin ang mga problemang ito. At kagaya ng aking nabanggit, marami tayong naririnig na solusyon, marami tayong pwede gawin, pero kung hindi ipopondo ng gobyerno, wala rin tayong magagawa. Kaya’t nakakapagtaka, laging sinasabi “ang dami-daming pera ng gobyerno pero hindi malaman kung saan pumupunta.” Hindi naman napupunta sa mga bagay na kritikal na. Yung infrastructure natin, kulang. Yung housing natin, problema. Yung school building natin, problema. Puro infrastructure iyan. Kaya iyan siguro ang dapat unahin ng susunod na administrasyon. Ang simula po nilang gawin ay magsabi sa mga LGU na maglalagay ng housing committee or task force ng bawat LGU. Ang sinabi ko naman sa kanila ayan na naman ang ginagawa ninyo galing naman ako ng local government, magbibigay kayo ng bagong function, walang tadtad na pondo at walang training. Ilang LGU lang, lalo na yung mga maliit na bayan, na may eksperto doon na makakapagsabi kung saan ilalagay ang mga bahay, dito yung canal, dito yung kalsada. Kailangan tulungan ng national. Nandiyan naman ang HLURB. Ang daming eksperto diyan. Ang gagaling ng mga iyan. Dapat iyan ang i-farm out nila. Papuntahin nila doon sa mga LGUs, maiwan doon kumuha ng magandang land use plan at pagkatapos sa isang lugar, lipat naman sila sa iba. Kailangan nating tulungan. Gusto naman ng mga LGU gawin, ayusin ang problema. Pero walang kakayahan, walang pondo, walang manpower. Yun ang problema.

Damasco: Mayroon pa po sana akong idagdag pero wala na tayong oras, sir. Nandito pala yung opisyal ng Rizal, at nagbibigay sila ng statement of support. Papasukin na lang natin si Vice Mayor Suyty Macasaet at former Mayor Clara Degillo. Mayroon silang iaabot kay Senador Bongbong na sulat na statement of support. Ah, naibigay na? Sige-sige. Ito po sila Vice President ang nangungunang mga opisyal na sumusuporta sa iyo.

BBM: Nandito na ang ating statement of support at ako’y ulit nagpapasalamat sa inyong suporta at sa inyong pagtulong sa darating na Mayo. Sana magawa po natin ang lahat hanggat sa ating kakayahan para tugonan ang lahat ng ating mga problema.

Damasco: Mayor, bakit kayo sumusuporta kay Vice President Bongbong?

Mayor: Unang-una po, sir, yung aming town kasi Marcos town po talaga yun. Bali nagkaroon po ng batas noon, so yun po ang gusto naming mabago, maibalik siya dahil ever since po nag-iisang presidente lang po ang bumisita sa lugar namin, which is the senior Marcos. So yun po ang dahilan kung bakit po naman kailangan suportahan si Vice President Marcos.

Vice Mayor: Alam niyo sir, napakalaki po talaga ang utang na loob namin kay President Marcos at sa inyong family. 1977 po nung dumating po sila doon and I was 22 years old. Dumating si madam sakay ng yate. Then maya-maya pagbaba po niya ng airport, kasi yung asawa ko po sundalo, si Sgt. Macasaet. Maya-maya dumating yung presidente sabi ni ma’am “Where is the President?” Hindi naman po kasi sila magkasama. Alam niyo sir, mahal na mahal namin kayo doon sa Rizal kasi minahal po namin ito in 18 years (shows a portrait of their family with the Marcoses) So asahan mo po sir ang aming suporta!

BBM: Thank you very much.

Damasco: Sir, bago po kayo magbigay ng mensahe, hinaing ko lang at saloobin ko din sana maibalik niyo ang pusporo piso pa lang, yung bigas 75, yung sinehan 50, ang dami ko pang naalala…at yung nutribun! Ito na po yung pagkakataon niyo, sir.

BBM: Lahat iyan ang ating nakikita at isa iyan sa mga problema ay yung presyo ng mga bilihin. At yung taumbayan ay nagrereklamo kung bakit naging ganyan. Palagay ko simple lamang iyan – dahil nga sa pagbitiw ng suporta sa ating mga magsasaka. At kailangan balikan natin yung dating sistema na unang-una na patuloy yung paghawak ng ating patubig. Pangalawa, walang sinisingil ng NEA sa ating mga magsasaka para sa patubig dahil serbisyo ng pamahalaan iyan. Yung nabanggit ko na pautang yung credit, may bagong development nga eh. Para sa mga farmers, Land Bank tinayo iyan as an agricultural farm para matulungan yung ating mga magsasaka. Ngayon, ginagawa ng commercial bank. Wala na yung bangko para sa mga farmers. Eh isasama na daw sa DBP. Problema niyan wala ng bangkong magpautang na ang bangkong itinayo para tulungan ang mga farmer. Galing lang ako sa UP, pumunta ako sa Biotech, hindi sinusuportahan gaano ng gobyerno ang research and development para sa mga bagong farming techniques, para sa mechanization. Yung mechanization kailangan tingnan natin, yung tunay na epekto ng CARP doon sa ating pag industrialize ng agriculture. Pagka naayos natin iyang agrikultura para sa mga iba’t-ibang produkto, dapat naman ang gobyerno kapag nagaani, ang gobyerno dapat bibilhin nila ang produkto, unang-una hindi masyado babagsak ang presyo, pangalawa mayroon silang supply. Pag tag-araw na, masyado namang mataas ang presyo, bibitaw sila at ipagbibili nila ang tinatawag na farm gate price. Farm gate price ibig sabihin para kang pumunta sa bukid at binili mo talaga yung produkto doon sa farmer mismo kahit mura. Dapat nga hindi pinagkikitaan ng gobyerno iyan. Nawala kasi sa atin yung energy special fund na para sa pagpalit-palit ng presyo ng langis ay dapat na-adjust. Halimbawa, sa farmer. Yung urea galing sa langis iyan. So, pagtaas ng presyo ng langis, tumataas din yung urea. Pagbaba ng presyo ng langis, hindi bumababa yung urea. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-akyat. Bakit ganun? Kaya nga hindi natin maintindihan. Hindi lamang yun. Yung gasolina, diesel ganun din. Ang matataas na utilities. Kaya lahat iyan ay kailangan nating tingnan at kailangan nating pag-aralan ng mabuti. Ngunit, kagaya ng aking sinasabi, kung lahat ng ito ay pinupulitika, at tinitingnan lamang sa mga nagsasalita, nagbibigay ng kanilang tulong para pagandahin ang buhay ng bawat mamamayang Pilipino. Kung ang tinitingnan lamang ay ang kulay ng kanilang partido, ang kulay ng kanilang pulitika, hindi tinitingnan kung tama ba ang kanilang sinasabi, o maganda ba ang kanilang sinasabi; sinasabi lang “Kung kaalyado, tutulungan natin, kung kalaban, hindi.” Pati na rin yun sa korupsyon. “Kung kaalyado, hindi naming gagalawin, kung kalaban, kahit na walang problema, lalagyan naming ng problema iyan. Pagka ganyan ang patakbo ng gobyerno, wala talaga tayong pupuntahan. Kaya tayo naligaw, kaya tayo nandito kasi diyan sa klaseng pag-iisip. Kailangan bumalik nga tayo sa ugaling Pilipino na nag-iisa na mabuo ang sambayanan na maramdaman natin at masalubong natin ang isang progresibong bukas.

Back to Blog