Interview with Manny Agustero of Magnum Radyo – Cagayan de Oro for the program “Magnum Rapido”

Manny Agustero: Senator Bongbong Marcos, sir, good morning.

BBM: Maraming salamat. Magandang umaga po sa mga nakikinig.

Agustero: Ano po ang balak ninyo sa problema ng El Niño, lalo na po sa mga magsasaka natin sa buong bansa?

BBM: Ilang taong napabayaan ang agrikultura. Kulang ang patubig lalo na ngayong El Niño. Yung patubig mayroon tayong hinandang kahit maayos naman ang weather natin ay paiba iba. Alam naman natin pagka El Niño paghandaan natin ang imprastraktura. Sa La Nina naman malakas masyado ang ulan.

Agustero: Bongbong Marcos, sir, pakiliwanag ang nangyari sa…ano po ang isusulong ninyo?

BBM: Ang pinag-uusapan ay yung substitute bill na hindi labag sa Konstitusyon. Sa aking pananaw, yung original version hindi naman magdadala ng kapayapaan, yung mga iba hinda nakasama sa usapan yung mga ibang stakeholder, hindi na include, hindi napakinggan, wala silang role. Nais naming ibasura yung original BBL. Lahat-lahat ng mga iba’t-ibang grupo, lahat ng mga government official isinama ko sa usapan. Mayroon silang responsibilidad. Alam po naming ang ginagawa doon sa bagong Autonomous Region.

Agustero: Now, Senator Marcos, ang project na pangunahing isusulong ninyo na imprastraktura para po dito sa Mindanao, sir?

BBM: Unang-una, ang pinakamalaki ay yung power, yung mga power plant. Marami pa tayong kailangang gawin para sa agrikultura, kailangan tulungan yung farm-to-market roads at maging mura yung transport costs sa pagbenta ng kanilang mga produkto. Yun sa communications, sa panahon na ito kailangan talaga nating ayusin dahil sa internet. Mahirap mag negosyo, mahirap ng mag-aral. Masyadong mabagal ang internet natin dito sa Pilipinas.

Agustero: Dito naman po sa climate change, ano po sa palagay niyo ang dapat na hakbang para…

BBM: Sa larangan ng agrikultura, talagang kailangan natin paghandaan. Halimbawa, pag El Niño, mag-alaga ng iba’t-ibang produkto. Pero dapat may patubig tayo. Pati ang research and development ng mga iba’t-ibang produkto. Pero siguro para sa longer term, bagong variety para sa ibang weather para hindi masira, para mas resistant siya; ang ani natin hindi masisira para tuloy pa rin ang ating mga magsasaka kung papaano gagawin. Nandiyan naman ang ating UPLB. Mayroon silang facilities, lahat nandiyan magagaling at maraming pwedeng turuan sa ating mga magsasaka kung ano pa ang kanilang…para mayroon pa rin silang ani.

Agustero: Now, Senator Bongbong Marcos, usapan po ng kawalan ng trabaho. Ano po ang maaari ninyong panukala…

BBM: Marami tayong kailangang gawin. Nagulat nga kami na limang libo sa atin ang umaalis araw-araw para maghanap ng trabaho. Magpapa graduate tayo ng 1.2 million. Wala naman tayong 1.2 million na trabaho na nag-aantay sa kanila. Kaya ang dapat nating gawin sa pagdami ng trabaho, nasa imprastraktura pa din ang sagot. Dahil ang imptrastraktura ang nagiging pundasyon ng pribadong sektor. Kinakailangan ‘yan ng private sector para palakihin ang kanilang negosyo, palakihin ang ekonomiya. Lumalaki ang ekonomiya, dumadami ang trabaho. Kaya isa sa pinakaunang gawin yung agrikultura. Yung manufacturing sector, hirap na hirap na ang manufacturing sector natin. Kailangan din nating ayusin ‘yan. Yung partnership. Kailangan mag partnership ang private sector at gobyerno. Ang kailangan din ay ang business driven infrastructure. Ibig sabihin sa mga iba’t-ibang project na gagawin ng pamahalaan. Marami pa tayong kailangan gawin at baguhin sa ating sistema. We must also encourage MSMEs na magtayo ng negosyo at magsimula ng enterprise para magkaroon ng mga trabaho para magkaroon ng pagkataon ang pamahalaan at yung training nito ay dapat tulungan.

Agustero: Bongbong Marcos, sir, kumusta naman ang inyong pangangampanya? Balita namin nagkaka brownout.

BBM: Kahit na ganun, mainit pa din ang pagtanggap sa atin ng mga tao kahit walang ilaw. Lahat naman siguro ng kandidato ay may oposisyon. Wala namang nanalo ng eleksyon na 100%. Expected naman natin ‘yan na pagka kampanya, lalo na pag sa mataas na pwesto kagaya ng pangalawang pangulo, mayroong mag-ooppose. Mayroon din namang magsusuporta. Kaya naman ang swerte ko at maganda ang naging development. Mas dumadami ang supporter sa mga bumabatikos.

Agustero: Okay, now, Senator Bongbong Marcos, ano po ang una ninyong gagawin kung sakali ay kayo po ay manalo bilang pangalawang pangulo sa Mayo?

BBM: Simple lang ang sagot ko: pag nagkataon at ako’y pagbigyan ng ating mga kababayan na magsilbi bilang pangalawang pangulo at naproklama na, ang una kong gagawin ay pupuntahan ko ang pangulo at sasabihin ko na ako’y handa na at ready nang makipagtulungan sa kanya sa mga programa para pagandahin ang buhay ay sa aking palagay ay dapat yung mga problema na hinaharap ng Pilipinas. Hindi kaya ayusin ng isang tao ang isang ahensiya, isang project lamang ‘yan. Kailangan maraming sektor ang kasama kaya lahat ‘yan ay kailangan patibayin natin. Yun ang aking gagawin. Liliwanagin ko na ako’y partner at handa akong tumulong sa lahat ng magagandang gagawin ng susunod na administrasyon para tulungan at pagandahin ang buhay ng taong bayan.

Agustero: Ano po ang madedefine ng isang Bongbong Marcos vice presidency, sir?

BBM: Sinasabi kasi kung minsan ay spare tire lang daw. Pero hindi naman ako papayag doon dahil aking sinasabi ay kung nanalo ka, may sarili kang mandato bilang pangalawang pangulo. Kagaya nga sa sinabi ko, hihingi ko ang DOLE para makatulong tayo. Kung hindi naman, marami pa rin tayong pwedeng gawin, marami pa ring adbokasiya ang pwede kong ipaglaban, pwedeng mag-organize ng mga NGO. Marami pa ring pwedeng gagawin dahil may stature naman ang opisina ng vice president kaya marami pa ring magagawa kahit wala ka sa kabinete. Pero inaasahan ko na magiging malapit ang working relationship ng pangulo at ng vice president para maging mas maganda ang takbo ng pamahalaan.

Agustero: Okay, Senator Bongbong Marcos, kandidato sa pagka bise presidente ng Pilipinas, you have 30 seconds, sir.

BBM: Nais kong pasalamatan lahat ang ating mga kababayan na nagpadala ng suporta, nagpadala ng kanilang tulong, nagpadala ng kanilang mensaheng pagkakaunawa sabay sa ating kilusang pagkakaisa. At sana naman sa lahat ng mga hindi pa nakapag decide, pakinggan po ninyo an gating mensahe para malaman po ninyo kung ano ang sa aking palagay ang kailangang mga programa, ang kailangan na mga polisiya at ang mga kailangang gawin para mas maganda an gating magiging kinabukasan. Maraming salamat po, magandang umaga po sa inyong lahat.

Agustero: Salamat, sir.

Back to Blog