Interview with former Senator Orly Mercado of Radyo5 for the program “Orly Alreardy”

Orly Mercado: Senator Marcos good morning!

Sen. Bongbong: Maganda umaga, good morning Sen. Orly at magandang umaga sa mga nakikinig.

Mercado: Ok, ano ba itong assessment mo, mukang may pag-asa pabang maipasa itong panukalang Bangsamoro Basic Law, mukang hindi na possible sa session ninyo ngayon.

SBBM: Sa palagay ko ay nauubusan talaga ng oras at natapos na ang lahat ng session day para sa taong ito at hindi pa natapos ang interpolation.

Mercado: Nasa field of interpolation pa tayo?

SBBM: Nasa period of interpolation pa tayo, both in the House at tsaka sa Senado, kaya’t ang problema kasi mag kakampanya na, lalo na ang ating mga kasamahan sa House of Representatives, halos lahat siguro ng congressman ay kandidato bilang re-election o ibang posisyon, pati sa Senado, marami sa amin ay kandidato rin sa darating na halalan. Kaya’t pagbalik siguro, pagkatapos ng new year ay nagkakampanya na lahat, kaya baka hindi mabalikan na ang Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region.

Mercado: Para lang iparinig sa mga naririnog ‘no, ang isang panukalang batas na may committee report, matapos ang committee report ay pumupunta sa plenaryo at ang unang hakbang laman niyan ay yung period of interpolation debate ‘no? Wala pa doon sa period of ammendments, kumbaga ay nasa unang hakbang pa lamang ito. Ilang pahina ba ang mayroon itong BBL?

SBBM: Kasalukuyan yung aming substitute bill ay 100 pages long. ‘Yun ang aming ibinigay na kapalit duon sa draft ng Bangsamoro Basic Law. Sa kasalukuyan iyon ang aming ginagawa, interpolation, ako ay sumasagot ng tanong ng ibang mga Senador. Sa House of Representatives halos pareho din ang kanilang ginagawa sa ngayon at kahit na natuloy-tuloy ang interpolation ay medyo komplikado kasi itong bill na ito at maraming tanong ang ating mga kasamahan ay kailangan isa-isahin talaga, kailangan ditalyado ang tanong, at marami pa yatang kailangan itanong ang ating mga kapwa Senador at kaya hindi pa matapos-tapos. kaya’t parang naubusan na yata tayo ng oras para maipasa dito sa Kongreso.

Mercado: So it does not look like you will wrap up the period of interpolation anytime soon, bago mag pasko?

SBBM: Well sa ngayon ang nag i-interpolate sa akin ang nag tatanong sa akin ay si Senator Enrile at nag uusap nga kami at sabi niya marami talaga siyang gustong itanong dahil sabi niya pinag aaralang talaga niya ng mabuti ito noong siya ay nasa detention, at marami talagang tanong nga pati yung kung ano yung nasa Koran, pati yung mga motivation ng ating mga kapatid na Muslim ay natatanong niya at napag-uusapan namin, kaya’t very detailed ang kanyang examination dito sa bill na ito. Pero karapatan ‘yan ng lahat ng Senador na mag tanong ng lahat ng kanilang gustong itanong. Kaya’t hindi natin siya mapipigilan, we just have to answer all the questions as best as we can.

Mercado: Oo, natatandaan ko noong araw pa, noong panahon namin wala kaming cloth for provision, wala rin kaming oras na sinasabi na pagkatapos ito ang limit yung pagtatanong, ‘yan ay kailan…

SBBM: Hindi yata maaring gawin iyon, eh ‘yan ang trabaho ng isang Legislator ay talagang suriing maigi ang bawat batas na finile ng bawat senador. Ang nahihirapan lang hindi lamang sa Senado kundi pati sa House of Representativesdahil parang ang lakas ng objection lalo na sa House. Dahil iba yung version na kanilang pinag-uusapan. Sa Senado ang aming pinag uusapan na ay yung substitute bill na aking ginawa, ngunit sa House of Representatives…

Mercado: So it’s totally different?

SBBM: Iyon parin ang tinatawag na Palace version, na nanggaling sa Palasyo na marami pang probisyon sa loob ng batas na hindi katanggap tanggap sa ating mga Congressman, kaya ‘yun ang nasa maraming interpolation. Sa ngayon kung maaalala ninyo yung tinatawag na opt-in provision ngayon lang nila pinag uusapan. Duon sa version namin, sa substitute bill ay wala na talanganng opt-in provision. So sila ang marami pa yatang kailangang baguhin duon sa kanilang verion. Sa aming version palagay ko kung sakaling matapos ang period of interpolation, ay palagay ko yung mga amendment ay pwede na naming pag usapan, hindi lang pag debatihan sa plenaryo, ang suggestion nga namin pagka natapos ang period of interpolation kukunin ko nalang yung mga ammendments ng mga senador tapos pag usapan na namin kung ano yung pag agreehan namin para gagawin na ang lahat ng committee amendment para mabilis ang proseso.

Mercado: So in a sense mayroon ding game default na pwede ding gawing ganoon kung pwede rin naman maipasa, ganoon ba iyon?

SBBM: Pag natapos ang period of interpolation, kasi ang schedule namin, tapos na ang session days ko this year, pero pagbalik mayroon pang ilang araw ng Enero, Pebrero ng session at pwede pa naming ihabol sa Senado. Hindi ko nalang malaman, hindi ko nalang masasabi kung ano ang magiging sitwasyon sa House, dahil kagaya ng sabi ko, kadalasan pagka halalan hindi na nakakabalik ang ating mga Congressman pagka Enero, Pebrero dahil syempre busy na sila sa kampanya at kadalasan nga hindi na nagkakaroon ng korum. Nagyon palang hndi na nagkakaroon ng korum dahil ngayon palang busy na ang mga congressmen.

Mercado: Nasa campaign mode na. The other thing is that, kung malaki ang version ng House at tsaka ng Senate ang mangyayari niyan, ang conference committee, ang trabaho niyan ay napaka laki para magkaroon ng agreement doon sa disagreeing provisions di’ba?

SBBM: Mahaba na ang magiging version niyan. Ang pinag uusapan din ay i-adopt ng House ang Senate version o i-adopt ng Senate ang House version, yung mga ganoong paraan na mas mabilis, pero hindi pa tayo umaabot sa ganoon dahil nga nasa period of interpolation pa nga lang tayo, wala pa tayo sa committee amendments. Mayroon pang isa na na-raise ni Senator Enrile na may punto. Na ang Bangsamor Basic Law ay national application of local application, eh sa nakikita namin, it is a law of local application. Ngayon ang standard na proseso ay kailangan pag local bill kailangan matapos ang House of Representatives bago maka boto ang senado tungkol sa bill na ‘yan, ibigsabihin niyan pag walang na approve sa House of Represenatatives, hindi namin pwede iboto o i-approve yung version ng house o ita-transmit ng house sa Senado bago namin pwedeng umpisahan, kaya’t isa pang kwestiyon iyon, we decided sabi nalang namin hintayin nalang natin pagka umabot na tayo sa panahon ng pagboto tsaka natin pag-usapan at idebate kung kailangan antayin yung sa House. Para doon sa question na iyon kailangan talagang tignan kung ano ba talaga ang tamang procedure.

Mercado: Sige,thank you very much Senator Bongbong Marcos. Maraming salamat!

SBBM: Magandang umaga. Thank you very much Sen. Orly, magandang umaga po sa inyong lahat.

Back to Blog