Interview with Eli Collado of Bombo Radyo Tuguegarao for the program “Bombo Hanay Bigtime”

BBM: Good morning sa inyong lahat.

Eli Collado: Senator, kakatapos lamang po natin ipagdiwang ang Labor Day at balita ko may mga labor organization na naghayag ng suporta sa inyo at sa inyong pagsulong sa kapakanan ng mga manggagawa. So, para po sa kaalaman ng ating mga nakikinig ngayon, ano po ba ang mga pangunahing isyu ng mga manggagawa na nais ninyong bigyan ng solusyon kung sakaling palarin kayo sa darating na eleksyon?

BBM: Palagi ngang natatanong sa akin kung ano ang pipiliin ko kung sakali na departamento na pangungunahan, lagi kong sinasabi ang DOLE dahil maraming isyu diyan. Ang una diyan sa mga isyu ay yung contractualization, yung end of contract na hindi nagbibigay ng security of tenure na nakaktiyak ang ating manggagawa kung sila’y magtratrabaho pa pagkatapos ng anim na buwan. Ito naman ay hindi dapat pababayaan sa batas na mayroon dapat nakaktiyak ang ating manggagawa na sila man ay magkakaroon pa rin ng trabaho at makakatanggap ng benepisyo. Kaya ‘yan siguro ang pinaka unang isyu na dapat tugonan ng darating na administrasyon ukol sa labor na problema sa ating manggagawa, sa ating mga labor group.

Collado: Bilang pangalawang presidente, balak mo bang pangasiwaan ang Department of Labor and Employment?

BBM: Yun ang ating nakikita dahil sa palagay ko itong kakulangan ng trabaho at saka proteksyon ng ating manggagawa hindi lamang sa Pilipinas, kasama na rin ang mga OFW, ay napakalaking isyu na kailangan nating tugonan. Maraming problema sa ating lipunan dahil walang trabaho. Ang kahirapan, ang krimen, lahat ‘yan konektado sa kakulangan ng trabaho. Kailangan talaga tayo gumawa ng paraan para madagdagan ang trabaho dito sa Pilipinas. 5000 sa atin ang umaalis araw-araw para maghanap ng trabaho sa abroad. At nagagraduate tayo ngayon ng 1.2 million, wala tayong maibibigay na 1.2 million na trabaho para sa kanila kaya malaking problema ito kaya kailangan gawan ng malaking solusyon, hindi lamang sa DOLE, kung hindi sa imprastraktura, pati na sa education, pati sa training, pati sa pautang. Lahat ito ay kailangan nating tingnan para masimulan mabigyan ng solusyon.

Collado: How about sa ating mga laborer, mga manggagawa sa sektor ng agrikultura. Ano naman po ang inyong inihandang programa para sa kanila?

BBM: Isa din ‘yang napakalaking problema dahil matagal na tayong hindi sumusuporta sa ating agrikultura, napabayaan na natin ang importation at ang smuggling. Kawawa naman ang ating mga magsasaka kaya naman 70% ng mahirap sa Pilipinas ay nasa agrikultura. Kailangan lang naman nating sundan yung tinuturo ng ating mga propesor sa ating mga kaibigan galing Vietnam at Thailand kung saan tayo ay bumibili ng bigas. Tayo naman ang nagturo sa kanila kung papaano mag-alaga ng bigas at mais at ibang produkto ng agrikultura. Kailangan natin dagdagan yung patubig, kailangan natin dagdagan yung pautang. Imprastraktura ulit, yung mga farm-to-market roads, yung post-harvest facilities, pati yung mechanization tingnan natin ng mabuti, ano ba ang magagawa natin sa mechanization para maging mas maganda ang ani. Pati yung ginagawa ng NFA na imbes na mag-import na ng mag-import, dapat bumili sila sa panahon ng ani para hindi masyado bumaba ang presyo ng produkto para makapagbili tayo ng pagkain na mabibili ng mura. Lahat ito ay nagawa na natin noon. Tingnan natin para sa bagong mga market, bagong mga produkto, bagong mga pamamaraan para sa pagsasaka nang sa ganun ay masuportahan natin ang ating mga farmer. Hanggang ngayon, nag-aantay pa rin ang NEA sa kanilang 12 billion na singil sa mga manggagawa para sa patubig. Ang patubig hindi naman dapat sinisingil ‘yan dahil serbisyo ng pamahalaan ‘yan kaya itong mga bagay-bagay na ito ay diyan natin nakikita na hindi talaga natulungan at nasuportahan ang ating agrikultura.

Collado: So, Senator, sumasang-ayon ka sa hirit ng mga magsasaka natin na gawing libre na lang ang irrigation fee.

BBM: Dapat wala namang irrigation fee. Nagtataka nga ako kung paano nagkaroon niyan eh. Nagulat ako nung nalaman ko ‘yang inaasahan nilang babayaran ng mga magsasaka sa irrigation fee ang utang na yun ay 12 billion. Saan naman kukuha ng 12 billion ang ating magsasaka? Hindi na nga natin natutulungan tapos yung facilities hindi natin nagagawa, tapos sisingilin pa natin ng 12 billion. Kalimutan mo na ‘yan dahil hindi naman dapat singilin in the first place. ‘Yan ang mga problema na hindi naman talaga binibigyang pansin. ‘Yan ang mga dapat tingnan ng mabuti.

Collado: Senador, karaniwan ding sinasabi sa mga tumatakbong kandidato na kasama sa mga programa nila ang paunlarin ang ekonomiya natin. At sabi nga ng kasalukuyang administrasyon ay lumago ang ating ekonomiya pero marami pa rin sa ating mga kababayan ang naghihirap. Samanatalang patuloy ang pagyaman ng mga iilan. So sa ilalim ng inyong plataporma, paano makikinabang ang mga maliliit sa pagsulong ng ekonomiya natin?

BBM: ‘Yan ang problema. Marami tayong naririnig na maraming pumapasok dito sa Pilipinas. Pero hindi naman nararamdaman ng taong bayan. At pag titingnan natin ang estatistika, talagang maliwanag na hindi nga ‘yan nangyayari dahil marami pa rin ang mahirap, kasing dami pa rin ang walang trabaho, kasing dami pa rin ang mga hindi pumapasok sa mga eskwelahan, pareho pa rin ang mortality rate sa mga ospital. Kaya yung mga social program na nagawa ay hindi naman masyadong naramdaman. At kung may pumapasok nga na yaman sa Pilipinas, hindi nararamdaman ng taong bayan ‘yan. Kailangan nating tulungan ang mga Micro, Small and Medium Enterprises, yung mga maliliit na negosyo. Dapat mayroong sistema ng pautang, ng training at suporta para itong sa mga kababayan natin na gustong magtayo ng negosyo at sila’y self-employed na. Bukod pa roon, kailangan din natin gumawa ng sistema para bumaba ang pera o kayamanan na pumapasok sa Pilipinas, hindi yung pumupunta sa mayaman lang o sa mga malalaking korporasyon kung hindi mararamdaman sa taong bayan na talagang may mga programa dito. Sa simula pa lang sa bagong sektor kung anong klaseng trabaho, anong klaseng skill set ang kailangan ng ating mga manggagawa para handa silang pumasok sa labor market. Lahat ‘yan kailangan may sistema na hindi magagawa sa iisang bagay lamang o sa iisang departamento lamang. Kailangan gumawa ng overall plan na masusundan ng iba’t-ibang departamento para talagang maging effective ang pagtulong natin sa taong bayan.

Collado: Okay, Senador, maraming salamat po.

BBM: Maraming salamat sa inyong pakikinig. Magandang umaga po.

Back to Blog