Umagang Kay Ganda

Q: Umagang Kay Ganda po! Welcome to the show.

BBM: Magandang umaga sa inyong lahat. Good morning po.

Q: Pasensiya na ‘ho kayo, kahit bumabagyo ay hinila-hila ho namin kayo dito.

BBM: Okay lang. Pero talagang binabantayan namin kung ano iyong mga naging epekto doon sa amin dahil mukhang natapat doon sa Norte talagang daan ng bagyo kaya’t medyo hanggang ngayon tinitignan pa namin na kung ano iyong nangyari.

Q: May report po kanina ang ating correspondent, so far, wala namang damage to properties, wala din namang casualties doon sa lugar ninyo. Sabi ko, kahit papaano ay magandang balita iyon.

BBM: Sana naman. Sana naman, dahil hindi pa kami nakarecover doon sa Ineng. Inaalala namin iyong pagkatapos noong Ineng, nagtanim ulit iyong aming mga magsasaka. Sana naman hindi naabutan iyong bago nilang tanim. Para naman ay kahit papaano, itong season na ito, may ani.

Q: Pasensiya na ‘ho kayo wala kaming naihain sa inyo. Kumain na ba kayo? Nag-almusal na po ba kayo?

BBM: Hindi, okay na.

Q: Ano ba usually ang kinakain niyo pagka-almusal?

BBM: Ako? Madali lang ako pakainin. Prutas lang happy na ako.

Q: Wow. Siyempre, may kape.Magaling magluto itong si Senator.

BBM: Naku. Matagal na akong hindi pumapasok sa kusina, Lalo na pagka andiyan iyong mga anak ko. Nasa eskwela sila ngayon kaya’t medyo emptiness kami ngayon sa bahay.

Q: Kaya’t di na kayo makapagluto rin?

BBM: Wala ng oras.

Q: Busy na busy po kayo.

BBM: Madalas dati noong Governor ako sa Ilocos. Ayun, medyo nandoon lang ako sa Ilocos. Laging may bisita.

Q: Usually po anong hinahain niyo?

BBM: Kung anong gusto noong kakain.

Q: Kasi nakikita ko sa mga magazines minsan may naka korte.

BBM: Hindi naman talaga ako cook. Mahilig lang akong kumain. Kaya’t napilitan lang ako matuto magluto dahil para makakain ng gusto ko dahil pag nag-aaral sa abroad, lalo noon, wala pang mga Pilipino masyado doon sa pinag-aaralan namin. So hindi mo na kinakain. Naghahanap ka ng mga adobo, naghahanap ka ng mga sinigang. Wala namang restaurant ng Pilipino doon. Matututo ka. Para at least maalala mo iyong pagkain ng Pinoy.

Q: Mga diningding.

BBM: Ayun, madali lang iyan.

Q: Madali lang pala daw gawin.

BBM: Ang mahirap diyan sa mga lutong Ilocos, ay napaka daling lutuin pero kailangan iyong ginagamit mong ingredients talagang kailangang sariwang-sariwa. Magbabago iyong lasa pagka hindi sariwa. Iyong diningding, mararamdaman mo pag hindi ito sariwa.

Q: Saka kadalasan maraming gulay, masustansya. Iyong pinakbet ng Ilocano, iyong maliliit na ampalaya iyong masarap doon. Lahat ng maliit. Lahat ng maliit. Maliit na talong, maliit na ampalaya, maliit na sitaw.

BBM: Siyempre para iyong matamis pa.

Q: Oo, mas malasa nga. Siksik iyong nutrients.

BBM: Iyon ay parang luxury ítem sa amin iyon dahil sa ibang lugar hindi mo makuha iyon.

Q: Oo totoo iyon.

BBM: Lalo iyong artisanal, iyong dati heritage na pagkain.

Q: May nagsabi sa akin Senator na Ilocano, wag daw gagalawin iyong ano, dahil pagka ginalaw mo papait. Papait daw pag hinalo mo.

BBM: Pag hinalo mo, madudurog. Kailangan pagka sinubo mo malutong pa. Wag mo masyadong lalamugin iyong loob. Maselan, maselan. Kaya’t kailangan sariwang-sariwa.

Q: Iyong kung anak ka ng Presidente parang hindi mo aasahan na magluluto pa kaya’t nakakatuwa.

BBM: Talagang mapipilitan ka. Nasa abroad ka. Wala namang mga Filipino restaurants doon. Ngayon mayroon, pero noon wala.

Q: Pagka ‘ho ba diba anak kayo ng Presidente, noong araw ba nanliligaw din kayo? Siya ang liligawan. Naging crush kayo ng bayan.

BBM: Hindi naman siguro.

Q: Parang hanggang ngayon po yata.

BBM: Naging overexposed siguro ako kaya’t nagka ganoon. Hindi, siyempre binata ka, gagawin mo kung ano iyong mga ginagawa ng binata. Pag-umuuwi ako, nagbakasyon kami, so siyempre masaya din na makita mga kaibigan, lumalabas, ganoon talaga.

Q: Sir hindi niyo po natikman iyong naranasan namin ni George Carino na na-busted?

BBM: Oo, maba-busted ka din siyemre, papaano namang hindi. Lahat makakaramdam siguro niyan. Wala tayong magagawa kung minsan hindi ka talaga natitipuhan, anong gagawin mo? Hindi mas mahirap nga iyong may piyesa. May security. Siyempre kung may niligawan ka, may kasama kang isang dosena na security, may dalang mga baril, may mga radyo. Siyempre nakakaintimidate sa date mo iyon, hindi ba? So kahit na medyo susubukan mong magparelax ay hindi makarelax iyon.

Q: Ano ‘ho bang klaseng lover boy ang isang Ilocano? Paano ‘ho ba kayo manligaw noon?

BBM: Siguro sa ugali ko, kakaunti lang ang salita pero….

Q: Matipid sa salita? Sa gawa siya sweet.

BBM: Siyempre pero hindi kami kagaya, laging nagdedebate nga iyong mga kamag-anak ko kung ano iyong mas ano, iyong Ilocano o iyong Waray. Siempre iyong Waray mas expressive, ang Ilocano medyo pigil ng kaunti.

Q: Kapag ka, babanggitin ko ulit si Jess, pag kami magpapadala kami ng tatlong pirasong bulaklak, kayo siguro flower shop iyong pinapadala niyo?

BBM: Ay, hindi, hindi. Dahi inaano ko iyong tradition ng aking ama, ang unang bulaklak na pinadala niya sa mother ko, dalawa lang.

Q: Anong ibig sabihin noon?

BBM: Dalawa. Iyong isa bukas, iyong isa sarado.

Q: Ano ibig sabihin noon?

BBM: Ang ibig sabihin, ang pagmamahal ko sayo ay bukas na, iyong sayo ay nakasara pa.

Q: Puwedeng gayahin. Ang binibigay kong bulaklak sa misis ko iyong masisiyahan talaga siya. Iyong bulaklak ng kalabasa, pag hinalo sa diningding. Pero Senator, nabanggit niyo kanina noong lumalaki kayo, mayroon kayong mga body guard, ganyan, conscious effort ba ‘ho sainyo na sa pagpapalaki ng mga anak niyo na ilabas sila sa ganoong klaseng sitwasyon?

BBM: Hangga’t maaari, talagang pinipilit namin maging normal ang kanilang paglaki. Kasi iyong magulang ko ganoon din. Hangga’t maaari, siyempre nakatira ka sa palasyo, marami kang “sekyu”, marami kang kung ano ring kakaiba sa buhay ninyo. Pero as much as possible ginagawa nila,. Na maging normal ang buhay namin. Pero siyempre normal ang buhay namin, pag doon lang sa loob lang. Kasi pag nasa labas, laging maraming tao, lagi kang kinukunan, lagi kang lumalabas sa television. So hangga’t maaari, hangga’t maaari. Kaya’t naman ako naman ay sabi ko hangga’t maaari ganoon din ang gagawin k osa mga anak ko, para normal ang pag laki nila. Kaya kasama na rin doon iyong pinapunta k osa abroad para mag-aral para hindi na nila.

Q: Strikto po ba kayong tatay?

BBM: Siguro in a way, para sa amin mayroon kami talagang maliwanag na hindi dapat gawin, na may gawin. Pero, hindi naman masyado siguro. Parang tinuturuan ko lang iyong mga anak ko at pinararangalan ko pagka nagkakamali, papaliwanag mo bakit mali iyan. Natutuo naman sila.

Q: Under po ba kayo? Understanding? Sa misis nyo.

BBM: Lahat yata ng Pinoy nasa lahi natin ata iyon.

Q: Pareho namin ni Tunding na ang ATM ay nasa misis?

BBM: Sa lahi din ng Ilocano iyan. Sa ugali ng Ilocano iyan, sa kultura ng Ilocano. Iyong sweldo, pagka nagsweldo iyong mister, binibigay agad sa misis. Tapos ang kinukuha allowance na lang.

Q: Naka allowance din po kayo Sir? Ganoon din po kayo?

BBM: Siyempre kailangan nating sundan ang kultura.

Q: Mamaya po ay pag-usapan natin ang lighter side, ang pulitika. Tutuloy po natin mamaya ang ating pakikipag –kwentuhan kay Senator Bongbong Marcos. Kaya tutok lang. magbabalik pa din po ang, Umagang Kay Ganda.

Q: Na tatakbo bilang Pangalawang-Pangulo ng ating bansa, Senator Bongbong. Actually, mayroon po akong narinig, ewan ko kung narinig niyo rin. Kung tatakbo kayong Vice-Preseident, ba’t hindi nalang Presidente?

BBM: Well siguro dahil pagtingin-tingin ko sa takbo ng pulitika, siguro palagay ko, hindi pa panahon, pagkaiba naman. Mula noong pinaghiwalay iyong pagka Pangulo atsaka iyong Pangalawang-Pangulo, hindi ba’t dati sabay niyong binoboto iyan, ngayon ay pinaghihiwalay. Palagay ko ay mas lumaki ang naging role ng Vice-President. Mas maraming nagagawa kaysa sa dati. Kaya’t sa palagay ko maganda naman sigurong pagkakataon iyon para ipagpatuloy ang aking ginagawa na serbisyo sa publiko. Kay’t palagay ko mas, para sa akin ngayon, dito sa stage ng buhay ko ngayon, palagay ko tama iyong Vice-President.

Q: Mas malaki po iyong ika nga tinataya ninyo sa pagka’t kung kayo’y magrere-election sa Senado, sabi nga ng iba, sure winner kayo. Pag natalo kayo, kung hindi po kayo papalarin sa pagka Pangalawang-Pangulo, wala kayong babalikan sa Senado, unlike Chiz Escudero, Trillanes, Cayetano. Ano pong masasabi niyo?

BBM: Wala. Iba na ang naging… kasi tumakbo ako kasabay ng Pangulo dahil nahalal akong Senador noong 2010, kasabay ng Presidential elections, nataon na sa ganoon dahil natapos naman ako maging Governor noong 2007. Kaya’t bago uli makapasok sa national, sabi ko, tamang-tama na siguro iyong 2010. Nataon lang siguro. Hindi naman pinlano iyong ganoon. Tama iyong sinasabi mo na iyong mga ibang kandidato kahit na hindi mahalal ay babalik sila sa dati nilang posisyon. Ako, hindi. Kaya’t kailangan talaga maging matagumpay dito sa kampanyang ito.

Q: Sir, naninibagong maraming kababayan, nagfile ng Vice-President, sino ang President? Tapos hindi pa midterm ng senatorial election.

BBM: Oo nga. Ganoon napunta. Siguro ganiyan ang buhay namin. Laging kumplikado ang aming ginagawa.

Q: Anong sabi ng partido ninyo sa NP?

BBM: Iyon na nga. Napilitin nga ako magfile ng independent dahil iyong NP ay hindi mamimili. Tatlo nga kami. Si Senator Allan, Senator Trillanes, tatlo kaming tatakbo bilang Bise-Presidente. Kaya’t sabi ng partido, hindi na muna mamimimili. Baka pagdating kinalaunan baka mamimili, pero sa ngayon ay hindi pa. Kaya’t napilitan magfile ng independent, kaya’t tignan natin. Marami pang mangyayari, mahaba pa iyan. There are 200 days pa ya iyan. Wala pa tayo sa kampanya hanggang sa Pebrero pa magsisimula.

Q: Ano ang pagkakaiba niyo sa dalawang kasama niyo sa NP? Trillanes at Cayetano.

BBM: Ako sa palagay ko mas mahaba ang aking karanasan sa iba’t-ibang sektor ng pamahalaan at nagsimula naman talaga ako, Vice-Governor. Noong 80’s pa. At naging Governor ako, naging Congressman, bumalik ako bilang Gobernador, tapos lumaban ako ng Senador. Kaya nakita ko na at naranasan ko na, nagtrabaho na ako sa lahat ng iba’t-ibang responsibilidad sa pamahalaan. Sa palagay ko marami na rin akong nakita. Marami na rin akong nakitang pagbabago. Alam ko na iyong mga problema. Sana ito’y makakatulong sa akin sa aking trabaho.

Q: Senator, kayo na rin po nagsabi sa isang panayam na ang kailangan na líder ng bansa ngayon ay isang unifying leader.

BBM: Oo talaga.

Q: Pero paano po ang gagawin niyo kung ang pagbanggit pa lang ng pangalang Marcos, has a polarizing effect already. Nahahati po ang taong bayan pag mention pa lang po ng inyong apilyido.

BBM: Iyon lamang ay nangyayari iyan pagka kausap mo ay pulitiko rin, pagka kausap mo ay pumapanig sa isang panig sa kabila tungkol sa Marcos. Pero kung taong bayan ang pinag-uusapan hindi iyan ang pinag-uusapan. Ang pinag-uusapan nila ang problema sa droga, ang taas ng presyo ng bilihin, ang korupsyon, ang walang trabaho, iyon ang mga inaalala ng tao. Kaya’t sige kung nais niyong pag-usapan iyan, iyong pagka Marcos ko, pag-usapan natin. Pero palagay ko unahin natin ang mga isyu na talagang iniisip ng ating mamamayan araw-araw. At dito sa Maynila iyong trapik, iyong MRT, iyong mga problemang ganoon. Pati na iyong telepono, pati na iyong internet, lahat ng mga bagay-bagay na iyan, iyan ang kailangan nating tuunan at bigyan ng solusyon. Iyong mga ibang isyu, siguro unahin na muna natin ito. Dahil nag-aantay sa atin ang tao at umaasa sa gobyerno na magbigay ng solusyon sa kanilang araw-araw na hinaharap na problema.

Q: Dalawang maikli nalang po. Maikling-maikli nalang Senator. Ang sinasabi niyo asset ang pagiging Marcos, hindi liabilty?

BBM: Hindi talaga. Napakalaking swerto ko na ako’y pinanganak na Marcos at lagi kong sinasabi ito, sa lahat ng kilala ko, ako na yata iyong pinaka swerteng tao sa lahat ng kilala kong tao dahil napanganak ako ng Marcos, na expose ako. Habang noong maliit pa exceptional naman talaga ang aking naging pamilya. Marami akong naranasan, marami akong nakilala, marami akong nakita na kung hindi ako anak ng tatay ko at nanay ko, hindi ko nakita, hindi ko naranasan.

Q: Iikot po ba kayo ng sabay ni Senator Miriam?

BBM: Wala pa. Iyon lang ang pinag-uusapan ngayon naming. Kung ano iyong pagplano, kung papaano ba ang gagawin na arrangement. Iyon lang. Sinasabi ko, nagliligawan pa kami.

Q: Aabangan po namin iyan. Senator Bongbong marami pong salamat. Pupunta po kayong ilocos ngayon para tignan ang ating kabababayan?

BBM: Nag-aantay kami ng report. Mukhang malakas ang tama namin. Malakas ang hangin, malakas ang ulan kaya’t kailangang bantayan mabuti.

Q: Salamat po Senator Bongbong Marcos.

Back to Blog