Imbestigahan ang kalagayan ng COMELEC workers sa Laguna

Nananawagan ang kumakandidato para sa pagka bise presidente na si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ng isang imbestigasyon tungkol sa impormasyon sa kalagayan ng mga nagtratrabaho sa Commission on Elections (Comelec) warehouse sa Santa Rosa, Laguna.

“Nakatanggap kami ng balita na hindi maganda ang pagtrato sa mga nagtratrabaho sa Comelec. Ito’y dapat imbestigahan kaagad, at kung mapatunayan na mayroon ngang pagmamaltrato, ito’y dapapt resolbahin sa mas madaling panahon,” ani Marcos.

Ito’y habang nagwelga mahigit isaan daang empleyado ng Comelec dulot ng hindi magandang kalagayan sa pagtatrabaho at walang pasweldo.

Sinabi sa report na ang mga manggagawa sa Comelec warehouse ay nagsagawa ng noise barrage noong March 31 upang iprotesta ang hindi nila pagsahod mula sa contractor ng Smartmatic. Marami sa kanila ang hindi umano pumasok noong Abril 1.

Ang mga manggagawa ay nangangalaga sa humigit kumulang 90,000 vote counting machines para sa eleksyon sa Mayo 9.

Bagaman naibigay din umano ang kanilang suweldo matapos ang protesta, sinabi ni Marcos sa ito ay napakaseryosong bagay na dapat tingnan mismo ni Comelec Chairman Andres Bautista.

“Ito’y napakaseryosong bagay na dapat tingnan mismo ng ating Comelec Chairman. Napaka-importante ng kanilang trabaho hindi sila dapat tinatrato ng ganito. Dapat ay bigyan sila ng magandang pakikitungo ng ating gobyerno,” ani Marcos.

Back to Blog