Imbes 2013, 2015 Isagawa ang Barangay Electio-Marcos

Liga-ng-mga-Barangay-27-September-300x214PINABORAN kahapon, Setyembre 27 ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.ang pagpapaliban sa barangay election na nakatakda sa Oktubre, 2013 tungo sa Oktubre 2015 upang hindi magahol ang preparasyon ng Comelec hinggil dito.

Ipinahayag ito ni Sen. Marcos sa kanyang talumpati nang maging panauhing pandangal sa National Comvention ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas na ginanap sa SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City kahapon ng umaga.

Nilinaw ni Sen. Marcos na maghahain siya ng counterpart bill sa Senado na nauna nang inihain sa Mababang Kapulungan sa harap ng mahigit 3,000 barangay kapitan na dumalo sa pagtitipon.

Sinabi ni Sen. Marcos na ipapanukala niya na gawing 5-year ang termino ng barangay officials imbes sa umiiral na batas na 3-taon lamang na isinagawa tuwing ikatlong taon.

Layunin nito na maipatupad nang mabuti at maayos ng Comelec ang automated election at upang hindi masabay ang barangay election sa regular election ng presidente, senador, kongresista at iba pang local officials.

Kasabay nito, aktuwal na kinilala ni Sen. Marcos ang malaking nagawa ng yumaong si DILG Secretary Jesse Robredo sa mataas na antas ng liderato at pag-unlad sa pamamahala sa mga baranagay sa buong bansa.

Ipinahayag ni Sen. Marcos, chairman ng senate committee on local governments, ang kanyang paghanga sa pambihirang pag-angat sa estilo ng pangasiwa particular sa aspekto ng “transparency and accountability” sa barangay administration sa bansa.

“Having been a local government executive myself, I should congratulate there some 25,000 barangays for this feat of transparency and accountability. Such full disclosure indeed helped in ensuring that government resources are used responsibly and effectively” pagtukoy ni Sen. Marcos sa ulat mismo ni Robredo na halos sisenta porsiyento ng kabuuang 42,000 barangay ay aktuwal na inilalantad at iniuulat ang mga nagastos at ipinatupad ang transparency at accountability sa ilalim ng programa ng yumaong kalihim.

Binigyang-diin ni Sen. Marcos, chairman din Senate committee on urban development and settlements, ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga barangay na itinuturing. Na pinakamaliit na istraktura ng gobyerno pero may pinakamabigat na kapangyarihan sa demokratikong gobyerno.

“Ang barangay ay kaluluwa at susi sa epektibong implementsyon ng awtonomiya, siya rin ang pundasyon at haligi ng demokrasya at serbisyo publiko. Kayong mga opisyal at miyembro ng mga Barangay sa Pilipinas, kayo ang nasa frontline. Kayo rin po ang tunay na gamot at sustansiya sa isang matibay at matatag na Republika,” paghanga ni Marcos sa lider ng mga barangay.

Hiniling ni Sen. Marcos sa mga barangay leader na ipagpatuloy ang pagkakaiisa at kooperasyon upang mapagbuti ang awtonomiya at pangangasiwa sa mga barangay bilang pag-alinsunod sa pagtahak sa Daang Matuwid.

“Kung tayong lahat ay magkakaisa sa landas na ito, mas sigurado tayong matatahak ng ating bayan ang “Matuwid na Daan,” pagbibigay diin ni Sen. Marcos sa tema ng pagtitipo.

Back to Blog