Gov. Imee Marcos, Cong. Meldy Nagsumite ng COC kasama si Sen. Bongbong Marcos

Marcoses-filing-cocMALUGOD na sinaksihan ng mga mamamayan ng Ilocos Norte ang pagsusumite ng certificate of candidacy ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos at ang kanyang ina na si Congresswoman Imelda Marcos kahapon ng umaga.

Sinamahan sila ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kung saan sinalubong sila ng kanilang mga kapanalig at supporters.

Hindi pa malinaw kung may makakatunggali ang mag-inang Marcos bilang gobernador at bilang kongresista sa Ilocos Norte.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos at paninira, nananatiling solido ang Ilocos Norte at buong Ilocandia sa Pamilya Marcos.
Pero nakapokus pa rin ang lahat sa performance ni Sen. Marcos kung saan ipinakita niya ang pagiging independent at may sariling disposisyon nang bumoto sa Impeachment trial kahanay ng mga batikan at independent senators na sina Sen. Miriam Defensor Santiago at Sen. Joker Arroyo.

Ikinatutuwa ng mga mamamayan dito ang pagkakaroon ng matatag at independienteng desisyon at disposisyon ng Pamilya Marcos pabor sa nakararaming mamamayan.

Samantala, pabor si Senador Bongbong Marcos sa pagpapaliban ng Barangay Election na nakatakda sana sa Oktubre , 2013.
Inihain niya ang panukalang batas na naglilipat sa petsa tungo sa Oktubre 2015.

Iminumungkahi rin niya na gawing limang taon ang termino imbes sa dati-rating tatlong taon lamang.

Nagsisilbing chairman ng Senate Committee on Local Governments; at Senate committee on Urban Planning and Settlements si Marcos kaya’t malaking bagay ang kanyang panukalang batas at endorso.

Ikinatuwa ito ng mahigit 3,000 barangay chairman na dumalo sa National Convention ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas na ginanap sa SMX Convention Center sa Reclamation area, Pasay City kamakailan kung saan naging panauhing pandangal si Marcos.

Nilinaw ni Marcos na mahalaga ito upang maipatupad nang maayos at mabigyan ng sapat na panahon ang Comelec sa implementasyon ng automated election.

Back to Blog