GMA News – Local government committee, nanatili kay Sen. Marcos

By Linda Bohol | GMA News

GMA_onlineSa pagpapatuloy ng hatian ng committee chairmanship, muling pamumunuan ni Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang Committee on Local Government na hinawakan nito noong 15th Congress.

Pamumunuan din nito ang sinasabing “juicy” committee ang Committee on Public Works na dating pinamunuan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ilang araw bago ang pormal na pagbubukas ng 16th Congress, magugunita na una nang sinabi ni Marcos na nais niyang ipagpatuloy na pamunuan ang local government dahil marami pa siyang mga programa para dito.

Itinuturing naman ni Sen. Juan Edgardo Angara na isang malaking hamon ang pamunuan ang Senate Committee on Ways and Means at Committee on Games and Amusements na dating hawak ni Sen. Manuel Lapid.

“Of course we would like to concentrate our efforts at polishing and improving fiscal measures to ensure that the need for additional revenue is always balanced with the protection of our underprivileged from undue tax burdens,’ ani Angara.

Samantala, nakuha naman ni Sen. Pia Cayetano ang Committee on Education na una nang naibigay kahapon kay Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero subali’t nagkaroon ng pagbabago ngayon sa isinagawang pangatlong araw ng sesyon.

Back to Blog