Speech at the General Assembly of Scout Rangers

20151125_RANGERS_0014

Maraming salamat Ranger Carag. Magandang hapon sa inyong lahat. Si iniimbita na ako na mapunta sa mga reunion na ito, ilang taon na ito, mga apat na taon na nga. Nagkataon iyung schedule ko ay maganda naman. So sabi ko, mabuti siguro mabalikan ko at makita ko iyung aking mga, lalo na iyung mga AI na nilublob ako sa tubig. “Ilublob sa tubig”! Pinapunta ko iyung mga ambush position. Tapos, nagtataka ako, dumating from order 3 o’clock ng gabi. Kailangan lumabas na raw kami mag-ambush position. So nagaantay kami doon. Gutom na gutom. Hindi pa kami nag-aalmusal. Habang nag-aalmusal ako, sabi ko, “anong oras dapat dadating iyung aambushin natin?” Sabi nila, dapat mga 6 o’clock. 7 o’clock na, wala pa. Bigla na lang may dumaan na malalaking itim na kotse. Ay naku. Sabi ko, alam ko na ang nangyayari dito. Pagbaba namin. Nagpaputok kami. Nagpabagsak kami ng kahoy. Baba kami. Pagbaba hinuhuli na kami. E and E na. Iyan na iyung sinasabi ni master na ilublob sa tubig. Habang tinanggal iyung sapatos ko, tinanggal iyung boots ko. Tapos inenterrogate kami. Ang nanunuod iyung parents ko. Ang tatay ko at saka nanay ko. Paglublob sa akin sa tubig, nakita ko, sabi ko, iyung nanay ko naaawa sa akin. Iyung tatay ko tawa ng tawa. Sabi niya, “sige, sige, ilublob ninyo!”. Sabi ko, pambihira ito. Sundalo talaga ito.

 Pero iyun ay siguro hanggang habang buhay ko, hanggang ngayon, ay one of my regrets is hindi ko napadaan sa military ang aking mga anak dahil sila’y nag-aaral sa labas. But lagi kong binabanggit at lagi kong pinapaalala sa kanila na siguro malaking bahagi sa aking pagkatao ay ang pagtraining ko sa military. Naramdaman ko kung ano iyung comradery. Naramdaman ko kung ano iyung sakripisyo na ginagawa ng military.

Kaya iyung inyong binabanggit na alumni association, marami akong maitutulong diyan. Sabihan niyo ako kung ano iyung plano ninyo. Hindi lamang sa dahan-dahan, pagmamadali. alam niyo iyung fund-raising para doon sa pondo na gusto ninyong gawin, puede natin gawin iyun para marami tayong mga kaibigan na mapapakiusapan naman natin. Nakikinig ako kanina kung papaano i-organize iyung alumni association, palagay ko, suwerte rin tayo dahil nakakalat na rin iyung mga ibang ranger, iyung mga retired, pati EM, pati opisyal. Lahat nakakalat na kung saan-saan. Mayroon pa nga sa America. Mayroon pa kung sa ibang lugar. Palagay ko, suwerte pa rin tayo mayroon ng internet. Siguro naman ay madaling macontact lahat. So, kailangan natin ang una natin gawin ay to identify where all the former rangers, retired rangers, or nasaan na sila, macontact sila, makakuha tayo man lang ng email address at iyan ang ating gagawin. In that way, mabubuo natin ang listahan ng ating mga kasamahan. Alam naman natin ito iyung magpoprovide tayo ng honor guard para sa mga nasawi na ating mga kasama. I think that is a very good idea. Hindi na narerecognize.

Alam mo, ang SR, ang unit na SR, noong panahon namin ay sikat na sikat. Talagang iyan ang laging siguro sa lahat ng mga unit, iyan ang mga, well first, very secretive. Dahil maraming operation na hindi puedeng pag-usapan. Pero alam natin na maraming operation din na talagang ang SR ay nagpakita ng gilas. Tapos sayang naman. Ngayon ay hindi na natin naririnig dahil syempre iba ang approach ngayon sa military. But anyway, mabuti naman at nandiyan pa kayo. Matitibay pa rin. Tinutukso ko nga. Sabi ko nga yung mga road run dati kaya pa kaya nating tumakbo ng ganun? Pagka ini-inspeksyon iyung takbo, sinasabi kulang ito, lalagyan ng bato. Hanggang ngayon pag nag-eexercise ako, sinumpa ko na iyung road run. Hanggang ngayon, hindi ako nagjojogging. Tama na iyung ginawa ko sa marines, ginawa ko sa SR. Tama na iyun. Pangdalawang buhay na iyung ginawa kop ag road run kaya iyan ang tinuro ninyo sa akin.

But anyway, I think maganda iyung inyong hangarin na irecognize ang ating mga buddy, an gating mga kasama. Irecognize natin hindi lamang iyung mga active, kung hindi syempre iyung mga retired. The first step, tama, unahin natin is to identify kung nasaan sila at malaman naman kung ano iyung mga conditions nila.

Ngayon, iyung sinasabi iyung matching ng mga pangangailangan, isa pa iyun. Marami tayong magagawa diyan because syempre marami akong kaibigan sa mga iba’t-ibang government agencies. Kung anong kailangan ng isa sa atin, ay puede natin lapitan. Puede natin hanapan ng paraan both in the government at saka sa private sector. Marami tayong magagawa diyan.

Anyway, hindi ko na pahahabain. Alam kong marami pa kayong gagawin. Iyung mga bote diyan ay punong-puno pa. Kailangan pang trabahuhin. Hindi ko na patatagalin. Iyun lamang. First of all I’m very happy to be able to return- to see all of you. Itong bagong headquarters dahil iyung sa amin sa Tanay, hindi ganito kaganda. Kung saan-saan lang kami nagkaklase. Naalala ko nga mayroong one class was about iyung medicinal plants, medicinal and dangerous plants. So, may lecture kami. Nilecture iyung isa sa mga AI. Edi tapos na iyung lecture. Biglang dumating si General Cano. Alam niyo iyun, kilala niyo iyun. kung maaalala ninyo si General Cano masyadong flamboyant iyun. Sabi niya, “sige, I will give the troops a lecture.” Naglecture siya. Nandoon siya sa harap. Maya-mayang kaunti, habang nagsasalita, nakita mo, may mga poison ivy na naiwan doon sa mesa, nangangati na si General Cano. Sabi niya, “pambihira kayo! Hindi niyo sinabi sa akin na kakatapos niyo lang ng lecture sa poison ivy, tignan niyo!” Maraming siyang rashes na ganoon. Iyan na. Ganoon na pero sa tabi-tabi, sa bahay iyun naalala ko kay General na bahay. That was his. Di’ba nandoon tayo? Madalas doon tayo sa baba. Doon tayo nagkaklase. So, iyung mga memories na iyan at iyung mga comradery na pagsasama sa ating mga tropa ay syempre habang buhay hindi makakalimutan iyan.

Hangga’t may kaya tayo, huwag kayong magdadalawang isip kung may kailangan kayo as a group or individually. You come to see me for anything that you need. Alam naman ninyo walang iwanan ang SR. so, nandito ako lagi para sa inyo.

Thank you very much. Happy foundation day!

Back to Blog