Excerpts of interview of Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos’ abstention on the motion of Senator Enrile to declare the position of the Senate President vacant

Sabi naman ni SP e uulitin naman nya pagka kompleto ang mga senador.

Hindi kami handa dahil gusto ko sanang mapag-usapan kasama ang aking mga kapwa senador pero hindi nga kami nabigyan ng oras. Alam ko naman kung ano ang magiging takbo ng boto and nasabi nga niya na uulitin nga niya pagka kompleto na ang mga senador. Sabi ko mag-aabstain muna ako, antayin ko pagka kumpleto na ang mga senador.

At this point e napag-usapan na namin kung anong aming gagawin, ano yung magiging epekto nito. Sa ngayon eh out of the blue yung kanyang motion.

(Tinesting lang kaya?)
Siguro kasama na rin yun pero gusto rin nya sigurong ilabas yung isyu nang mapag-usapan na dahil sya ang tinatamaan at gusto naman niyang sagutin ang mga sinasabi tungkol sa kanya. Pero ang puno’t dulo nyan ang huhusga sa kanya ay ang mga senador kaya napaka-importante na mapag-usapan, ma-discuss ng mabuti kung ano nga ba talaga ang magiging resulta nang pagpasa o pag-deny ng motion na i-vacate (ang position) ng Senate President.

(Bakit di nag-resign?)
Nasa sa kanya yun, kagaya nung ginawa ni Senator Ralph na irrevocable yung kanyang pag-resign, so pwede rin yun. So siguro, kung sa kanyang pananaw nasa kanya pa rin ang suporta di naman niya kailangang mag-resign. Hindi ko alam, you have to ask him kung ano ang kanyang iniisip. Pero sa parliamentary procedure yun ang usual. Sa parliamentary procedure pagka nagbago ang sa Presidente o Speaker, you declare all positions vacant—yun ang ang pagdeklara sa pagboto sa bagong Speaker o Senate President so according to parliamentary procedure tama rin naman yun.

(Talagang napag-uusapan sa chamber yung pagpapalit?)
Syempre, napag-uusapan yan. Meron sa amin talagang gustong palitan ang leadership pero sa amin pinagmamasdan kung ano ba talaga—makakabuti ba sa amin o mapapabilis ang trabaho namin. Walong session days ang natitira so kung mauubos ang oras natin dito sayang naman. Kasi gipit nga tayo sa oras kaya kailangang pag-aralan ng mabuti.

Back to Blog