Emmanuel Christian School

The you very much indeed for that very kind introduction. To the Emmanuel Christian School officials, led by the school directress Dr. Ma. Ruby Ilmedo, the school president Mr. Gabriel Ilmedo, respected bishop Bishop Reynato Ilmedo, school principal Mrs. Ma. Lena V. Enverga, to the entire teaching staff as well as the non-teaching staff, employees and personnel of this institution, our dear graduates, most notably our awardees for academic excellence and other special honors, magandang umaga po sa inyong lahat.

To the other students and volunteers, who have also contributed to the successful staging of this extremely important event, most importantly of course to our proud, persevering and loving parents without whom this day would not have come, to all the relatives, the friends, the special friends who are here today, to give support and congratulations to our students, ladies and gentlemen, unang-una, maraming salamat po sa pag kumbida ninyo sa akin, inyong lingkod, at upang makasama kayo sa okasyong ito. Gayun din, maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa akin sa pamilya ng Emmanuel Christian School ng Laguna.

Alam po ninyong lahat marahil na ako ay tumatakbo bilang bise president ng ating bansa. Binibigyan lang kami ng dalawang buwan para mangampanya bago ang halalan natin sa ika-9 ng Mayo. Kung kaya naman pinilit ko at isulit ang oras na nakalaan upang mag-ikot sa buong bansa na ipalaganap ang aking mensahe ng pagkakaisa at pagka bati-bati ng ating lahat ng mga Pilipino. Nonetheless, despite this tight schedule, I specifically made time for your graduation day for the simple reason that occasions like these are extremely important, not only to the students, certainly not only to the parents, but to me your humble servant. As a public servant and an elected representative of the Filipino people, not only am I provided with an opportunity, but it is my bounded duty as well to give advice, to give hope, to inspire graduates to carry on their journeys in their life at the precise moment when our students are naturally receptive to advice, filled as they are with so much joy, gratitude and appreciation.

Likewise, I get the opportunity to address the parents and personally thank them and salute them for the sacrifices they’re making, this continuing investment in our children possible. Through your painstaking efforts, you equip your children, the youth of today, the hope of our nation, with the essential tools to become responsible, self-reliant and God-fearing citizens of tomorrow. All along, students thought they were the only ones experiencing anxiety attacks and sleepless nights. Well now, the truth can be told: the parents definitely suffer even more of those than you do and even worse. And for that, we always must take a time, a moment to salute them. Kudos to you, parents. Tuloy po ang kayod. I wish you the best of health and the continuing inspiration and perseverance to see through the optimal preparation of your children, of our children in becoming competent and productive members of society. And not to be outdone, much credit is likewise due to your teachers and administrators for fulfilling their sworn duties and performing the special roles with which they were entrusted by the parents and by society at large.

May sikat na kasabihan ngayon lalo na sa mga kabataan. Sinasabi nga nila ay “walang forever.” Wala nga ba talagang forever? Kung ating iisipin ng mabuti at ng malalim, mukhang mayroon naman yata talagang forever. Halimbawa, sa inyong katayuan ngayon, ang akala siguro ninyo ang graduation ay isang pagtatapos. Ngunit sa katunayan, ito ay isang pagsisimula. Hindi pa talaga nagtatapos dito inyong paglalakbay at ang inyong dapat gawin sa buhay dahil may senior high school pa rin. Dahil sa K-12 na programa natin ngayon, kailangan ng kumuha ng dalawang karagdagang taon para makatapos ng high school. Kaya ngayon kayo ang tinatawag na grade 10 completer at hindi pa ganap na high school graduate. Kaya kailangan niyo pang pagpatuloy sa paglalakbay. Education is a continuing process in life. Education, hard work and persistence, iyan ang forever. Habang buhay tayo nag-pupursige’t nag-aaral. Habang buhay tayo nagsasanay. Study pa more. Senior high school pa more. Katulad ko, akalain niyo tapos na ang aking pag-aaral at ako’y nagtratrabaho na, ay araw-araw pa rin akong nag-aaral. Patuloy akong natututo sa bagong kaalaman sa buhay at sa mundo. At palagi kong pinasasalamatan ang aking mga magulang at mga naging guro sa mahalagang leksyon na itinanim nila sa aking puso at isipan.

Now, what you do after all the exhilaration brought about by this day has subsided and this must be the same exact thought that is lingering in the hearts and minds of your beloved parents, it’s time for you to pause for a while, reflect and discern on what you want to do with your lives. What do you envision as your career paths? What are your goals? What do you want to do for a living in the future? What are your interests and natural skills and abilities? Saan kayo magaling? Saan kayo maabilidad? Project yourself on to the future, envisioning your own version 2022 of yourself. Kung magaling ka sa technical skills, baka bagay kayo sa isang technical vocational. Kung atletiko ka, baka sports ang iyong dapat bigyan tuon. Kapag magaling ka sa sining o pagguhit, baka arts and design ang tamang larangan para sa inyo. O kaya naman baka gusto niyo maging senador o bise president ng bansa balang araw. Why not?

This self assessment and discernment is very important at this stage of your lives. Because grades 11 and 12 aim on specialization and shall focus on your special skills and your own interests. Hence, you have to plan ahead and charter the course of your careers this early in the hope of taking advantage of your formative years in order to boost your chances of succeeding in life and in carving out a bright future for your selves. And in doing so, carving out a bright future for your families, for your communities and for your country.
This is also a good time to consciously be aware of your natural skills and talents, especially the ones you did not know you had. Now, do this with the help of your parents who are able to watch you ever sine you were infants. Baka may alam silang angkin talent na hindi ninyo alam. Baka galing ka sa planet Krypton o baka pinaglihi ka sa paniki parang si Batman. O baka nakagat ka ng gagamba noong ika’y bata parang si Spider-Man. Biro lang. Sa komiks lang yun. But consult your parents and also consult your teachers. They were able to monitor your performance and demeanor in the classroom. I’m sure that they can give you sound advice and credible suggestions on what your strengths are and what you are good at. Alam naman ninyo pagka ang gabay ay nanggagaling sa inyong mga magulang, sa inyong mga guro, ang gabay na ito ay nanggaling sa kanilang puso at sa kanilang pagmamahal at sa kanilang pagnanais na kayo ay maging sikat, maging magaling at kapaki-pakinabang.

Let us try to approximate how many hours you have so far put in your overall preparation in life. Having completed your grade 10 studies, 10 months in school is equal to 43 weeks. Tanggalin natin ang weekend that gives us 214 days. Pre-school plus grades 1-10 equals 12 years. A total of 2571 days. Assuming that you have deliberately studied or reviewed for at least an hour every day, as you had promised your teachers while you were in school, that you means you have put in an equivalent number of hours – 2571 hours. However, if you look at it well, this is but one-fourth of the so-called magic number of 10,000 hours to be good at any one thing. But of course I’m oversimplifying. My point is that if we were to believe and adhere to this formula for success then we still have a long way to go. However, the rule doesn’t factor in certain multiplier effects or so-called bonus points which we as Filipinos believe in and cherish. For example, what difference does our faith in God and the virtue of prayer make in this whole exercise? As Christians, we all believe that prayers work wonders and divine intervention significantly alter the course of our lives. Kapag tayo’y nagdadasal, at kapag tayo’y ipinagdadasal halimbawa, ng ating mga magulang. Nabibiyaan tayo ng grasya. Sa tulong ng ating pagdarasal sa Diyos lalo tayong gumagaling. At lalo tayong lumalakas kadalasan nang hindi man lamang nating nalalaman. Ganyan ka galing magtrabaho si Lord. Tahimik lang pero epektibo at damang-dama.

In any case, the whole point in the 10,000 hours is that natural ability, ability you think is a natural talent that you were born with un fact requires a huge investment in time. And they say a minimum of 10,000 hours. Kaya hinihikayat ko kayong lahat na magpatuloy sa inyong pag-aaral at pagsasanay sa loob ng paaralan. Tumuloy kayo ng grade 11 at grade 12 sa senior high school. Sa mga mahal kong magulang, itulak po natin ang ating mga sarili. Sagarin po natin ang ating pagpupunyagi alang-alang sa ating mga anak. So this is not the end for you, dear graduates, but just the beginning of other challenges. This is not the time to get tired. This is not the time to say, “it’s time to stop.” Ika nga, hindi pa ito ang tamang panahon. Marami pa tayong dapat gawin. Huwag tayong tumigil na mangarap pero dapat mayroon din tayong sipag at lakas puso upang abutin ang mga ito. At huwag na huwag kayong mawalan ng pag-asa. Patuloy kayong magtiwala sa Diyos at parating nagdadasal. When we do that, God will always be with us, hence, your school’s name Emmanuel. It is true that nothing is impossible when God is with us, we can do all things in Christ. Magpasalamat kayo sa inyong mga magulang at mga mahal sa buhay na patuloy na nangangarap at naghahangad ng magandang kapalaran at masaganang buhay para sa inyo. Gawin ninyong panatag ang kanilang loob na handa pa rin kayo magtuloy sa inyong paglalakbay at sa inyong pagsasanay. Gawin ninyo silang panatag na hindi niyo silang kailanman bibiguin at hindi kayo kailanman susuko sa anumang hamon sa buhay.

Sa panig ko po, pangako ko po sa inyong lahat na kasama at katuwang ninyo ako sa pangangarap para sa inyong mga anak at sa kanilang paghahanda para sa kinabukasan at para harapin ang tunay na mundo. Malaki at marami po ang aking maitutulong sa bansa. Maganda at malinis ang aking hangarin. Malinis ang aking track record Mayroon akong sapat na kaalaman, kakayahan at karanasan na makatulong sa kabataan sa paghahanap ng lunas sa ating suliranin sa lipunan. Kaya dumadalangin po ako sa Diyos at humihingi ng inyong tauspusong tiwala at suporta para sa aking pagkakandidatura bilang bise president. Wala pong imposible pagka kasama natin ang Diyos. Bongbong Marcos po, handang maglingkod sa inyo para sa ating pagkakaisa. Sana po ako’y inyong pagkatiwalaan at suportahan sa darating na halalan.

But once again, my dear graduates, I offer you my sincerest and heartfelt congratulations. I extend that congratulations to your parents and I extend that congratulations to your teachers. Mabuhay kayong mga grade 10 graduates ng Emmanuel Christian School. Hanggang sa ating huling pagkikita, maraming salamat po at magandang umaga po sa inyong lahat. Pagpalain tayong lahat ng ating Panginoong Diyos.

Back to Blog