Radio interview with Elmar Acol of Bombo Radyo

Bombo_radyoElmar Acol (EA): Ano na ba ang estado nitong BBL na ito, Sen. Marcos?

Sen. Bongbong: Ang nangyari dito dahil napakahaba at kumplikado ang ating isinulat na substitute bill para sa Bangsamoro government ay pinag-aralan muna ng mga senador iyung aming ibinigay na substitute bill.

At kaninang session, noong alas-tres y media, ay nagsimula si Senator Pia Cayetano para mag-interpellate ng kanyang mga question at sinundan niya ang proseso ng interpellation.

At iyan ang status na ngayon niyan at pareho na kami sa House of Representatives na in the period of interpellation. Ibig sabihin, pinag-aralan na ng mga senador at ako ay tatayo sa floor at kung ano man ang kanilang gusto itanong, gustong itanong doon sa substitute bill na isinulat ko, ay itatanong nila to put in formal para in the record; ang interpellation ay nasa record na ng Senado.

EA: Mr. Senator, ibig sabihin pahabaan pa ito? Ito ay panimula pa lamang?

Sen. Bongbong: Totoo yan. In fact, ‘yung kay Senator Pia ay nag-interpellate siya mga isang oras. Pero sabi niya hindi pa siya tapos mayroon pa siyang idadagdag sa darating na Miyerkules.

Tumayo din si Senator Recto mayroon din siyang itinanong na ilang tanong pero hindi pa ‘yan ang kanyang interpellation. Kaya palagay ko baka mahaba pa ang magiging interpellation. Kaya palagay ko hindi ako magugulat kung lahat ng senador ay magi-interpellate at magtatanong sa akin tungkol nga sa basic law.

EA: Ok sa ibang usapin po Mr Senator. Samantalahin namin ang inyong presensya. Medyo pinag-uusapan ngayon ang balikbayan boxes. Maraming mga senador at mga mambabatas, congressmen ang umaalma at maging ang mga PFW natin. Ano ang pananaw mo dito sa paghihigpit dito ng Bureau of Customs, Mr. Senator?

Sen. Bongbong: Hindi ko maintindihan kung bakit nila ginagawa iyan; hindi ko alam kung bakit. Kung ang talagang ang Bureau of Customs ay talagang ninanais nilang pagandahin ang kanilang collection, huwag na silang magpo-focus sa balikbayan boxes; sa ating mga OFW.

Bakit nila haharasin ang ating mga OFW na may karapatan naman na magpadala ng balikbayan box? Kung smuggling ang kanilang sinasabi, hindi kaya dapat unahin nila…kung maaalala ng mga nakikinig, noong nakaraang ilang buwan mayroon tayong nabalitaan na libu-libo na mga container ay nawawala.

Eh kung nakakawala ng libu-libong container, hindi ba ‘yan ang dapat, ‘yan ang una nilang hanapin? Eh bakit nila pakikialaman ang mga balikbayan box ng ating mga OFW?

Pangalawa, alam naman nating lahat na ang Bureau of Customs, ang mga talagang malalaking smuggler ay mga sindikato sa loob mismo ng Bureau of Customs. ‘Yan na muna ang ayusin nila huwag nilang…bakit nila ginugulo iyung OFWs natin?

At bukod pa doon, mayroon kaming…noong nakaraang budget ay malaki ang ibinigay na budget sa Bureau of Customs para bumili ng mga x-ray machine. Eh iyung x-ray machines kapag ginamit ang x-ray machines, hindi na kailangan na bubuksan lahat. Alam naman natin na lahat ng Pilipino ay may kamag-anak, may kaibigan, may kilala na nagtrabaho sa abroad.

At alam naman na ang balikbayan box, ang importansya ng balikbayan box ay hindi iyung halaga ng kung ano ang nilalaman niyan. Ang importansya ng balikbayan box ay parang karinyo, parang nagpapakita ng pagmamahal ang ating OFW doon sa kanilang pamilya tsaka mga kaibigan.

Kung tutuusin natin anong laman ng mga balikbayan box? Mga simpleng gamit lang, mga damit, mga laruan para sa mga bata, mga kendi. Ganoon lang naman ang inilalagay sa balikbayan box. Alam naman natin ang mga OFW nakalagay lang ang balikbayan box diyan sa tabi doon sa kwarto nila.

Dahan-dahan nilang pinupuno, matiyaga nilang…dahan-dahan nilang nilalagyan ng laman ‘yan, eh ‘tapos pakikialaman pa ng Bureau of Customs.

Hindi ko talaga maintindihan bakit ganyan ang ginagawa. Sa kabilang…ano angt sinasabi natin…ito ang ating mga bagong bayani, ito ang gating mga hero dahil totoo nga naman sino naman ang nagbubuhay, nagbibigay ng sigla sa ating ekonomiya? Tapos ganyan ang trato natin sa kanya, sa kanila. Hindi ko talaga…inireklamo kaagad tinawagan ko si Commissioner Lina sinabi ko, siguro ‘yung priority ilagay ninyo sa mga malalaking mga, sa mga nagnanakaw sa Customs, hindi iyung sa mga OFW dahil aminin mo naman na 99.9 ng mga balikbayan boxes na legal at walang problema.

Kaya’t anong mailalaman mo sa balikbayan boxes, commercial quantity? ‘Yung ibang bibilhin mo smugglerd o ipagbibili mo ditto para yayaman ka? Hindi naman ‘yan, hindi naman ganun ang takbo nun.

Ang smuggling, ang pandaraya sa pagbabayad sa Customs ay hindi sa balikbayan box. Ang pandaraya diyan ay sa mga sindikato, mga fixer na nago-operate diyan sa Bureau of Customs, iyan ang unahin nila.

EA: Mr. Senator, siguro marami sa ating mga kababayan ang nag-aabang nito. Ano ba ang estado, sa usapin po ng pulitika, ang real score po dahilan sa…ikaw ba po ay tatakbo sa mas mataas na posisyon? Dahilan sa may mga imbitasyon din; inimbita din kayo ni Senator Grace Poe, ang tandem ni Senador Chiz (Escudero), na maging bahagi ka ng senatorial ticket. Anong real score sa inyo Senator Bongbong, sir?

Sen. Bongbong: Eh syempre tuluy-tuloy pa ang mga usapan sa ating mga kaibigan sa larangan ng pulitika. Tuluy-tuloy din ang paguusap ng Nacionalista Party sa iba’t-ibang grupo, sa iba’t-ibang partido.

Pero masasabi ko, hindi na namin napapag-usapan iyung reelection…ang pinag-uusapan ngayon ay tatakbo sa higher office hindi na sa Senate.

EA: Anong percentage po kung saka-sakali?

Sen. Bongbong: Hindi ko masasabi iyan…kasi hindi naman tayo nag-iisa dito. Kailangan din nating tingnan kung ano ba ang magiging mga line-up, magiging mga team-up, kung sino ang mga kaalyado (???)lalung-lalo na iyung mga partido dahil kapag national election ay hindi ka magiging matagumpay kapag wala kang machinery, wala kang makinarya na matibay-tibay. Palagay ko, progressive, tuluy-tuloy naman ang ating pag-uusap.

Kagaya ng nasabi ko, iyung reelection sa Senado ay hindi ay hindi na gaanong pinapagusapan at ang pinag-uusapan naming ay higher office na.

EA: Alright, ang chairman po ng Senate Committee on Local Government, Senator Bongbong Marcos. Maraming salamat, good evening po Senator.

BBM- Good evening sa inyo, good evening sa lahat.

Back to Blog